Pagkatapos ng pag-uusap namin ay bumalik na kami sa hotel. Hindi na rin kasi namin nakita sina Ryle at Shaina sa dagat. Baka bumalik na sila sa hotel kaya doon na kami dumiretso. Alas onse na kasi ng hapon, kailangan ko ng tanungin si Mama kung ayos lang ba sa kanila na makipag-lunch kami kasama ang mga Monteverde. Hindi naman namin kailangang problemahin ang gastos since kasama na siya sa binayad namin ni Ryle. Puwede naman na sa iisang table na lang kami. Sina Chloe at Bryle kasi ay pinupush ako na pumayag na dahil gusto rin ni Bryle makita si Lunoxx. Kung ako lang kasi ang masusunod ay ayoko. Baka pati ang mga parents ni Lunoxx ay magtataka kung bakit kamukha ni Shaina si Apollo na anak nila although hindi ko pa naman nakikita ang itsura ni Apollo. Nang makabalik kami sa kwarto ay naab

