Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon palabas ng hotel. Sina Bryle at Ryle daw ay hahabol na lang. Nasa harapan ko si Mama at Lunoxx. Si Shaina naman ay karga-karga ni Lunoxx. Sa totoo lang ay nahihiya na ako dito kay Lunoxx. Napakadaldal kasi ni Mama. Kung anu-ano ang kinukwento kay Lunoxx. Marami din ito itinatanong. Isali mo pa si Shaina na minsan ay nakikipag-usap din kay Lunoxx. Nilalaro pa nga nito minsan ang buhok ni Lunoxx. Hindi ko naman kasi sinabi sa kaniya na kargahin niya si Shaina, siya naman kasi mismo ang nagprisinta. "Tingnan mo itong si Tita, close na close na agad kay Lunoxx," mahinang bulong ni Chloe habang kami'y naglalakad. May mga staff din ng hotel na talagang napapalingon sa presensya ni Lunoxx. May ibang kinikilig at ang iba nama'y natutulala. Narinig ko rin k

