"Yes, Mr. Monteverde," sagot ko. Kumuha ng upuan si Ryle at umupo sa tabi ni Shaina. Ang kalabasan ay nasa gitna namin si Shaina. Ramdam na ramdam ko ang titig ni Lunoxx sa amin. Nang mapatingin ako kay Miss Lyzelle ay nakangiti lang ito sa amin. "So, let's eat? Medyo nagugutom na rin ako," pagbubukas ni Miss Lyzelle ng usapan nang biglang tumahimik ang lahat. "Opo nga, Tita. Gutom na gutom na rin kami." Hinimas pa ni Bruno ang kaniyang tiyan. Nagsitayuan na ang lahat. Naiwan naman kami ni Shaina sa lamesa since nagprisinta na si Ryle na siya na ang kukuha ng pagkain para sa amin. Hindi naman kasi namin puwedeng iwan na lang si Shaina rito mag-isa. Unang nakabalik si Mama kasama si Chloe. Sumunod naman sa kaniya sina Bryle at Miss Lyzelle. Saka naman dumating sina Bruno. Si Ryle na la

