ELARA’S POV
“Huwag kayong maglilikot doon, ha?” bilin ko sa mga anak ko. Lalo na kay Mathew.
Isasama ko sila sa mansion ngayon. Fiesta ng bayan ng San Simon ngayon at may handaan sa mansion. Sa malawak na hardin gaganapin ang salo-salo.
Si Papa ay maaga nang umalis dahil tutulong raw siya sa pagluluto, kasama si Tita Celia. Ganoon talaga sa mansion tuwing fiesta ng bayan. Nagkakatay ng mga baka at baboy bilang handa at ang mga empleyado ng hancienda ang natutulungan magluto. Dahil mamayang gabi, may malaking salo-salong nagaganap. Iyon din ang paraan ng mga De Silva, upang magpasamat sa lahat ng mga tauhan nila.
Hindi ko naman kailangan pumunta ng maagap sa mansion, kaya ngayon pa lang kami pupuntang bandang pahapon na. Hindi na mainit kaya pwede na naming lakarin lang.
Nagbaon ako ng bag kung sakaling may magdumi ng damit sa mga kambal. Mga towel dahil sigurado akong pagpapawisan sila mamaya dahil marami silang kalaro doon.
“Yes po, Mama!” hyper na sagot ni Mathew.
Samantalang sina Matheo at Mathias ay masunuring tumango lang sa akin.
“Sige, tara na,” wika ko at pinauna ko na silang lumabas.
Sinarado ko at sinuguradong naka-lock ang bahay bago kami tuluyang umalis. Tumawid lang kami ng kalsada bago pumasok sa kalsadang may arko.
Sanay naman maglakad ang mga anak ko kaya wala silang reklamo. Pero biglang dumaan si Kuya Edwin, ang isa sa driver sa hacienda. Pick-up ang ang gamit niya at pinasakay niya kami. Hindi na ako tumanggi at nakisakay na kami. Nasa unahan ako at dahil may upuan din iyon sa likod ay nandoon ang tatlong bata.
Sa mansion din mismo ang tungo niya.
“Ang lalaki na ng mga anak mo. Ang ga-gwapo din,” aniya.
“Oo nga po, makukulit na rin.”
“Parang iyong apo ko. Pero ganiyan talaga mga bata.”
“Opo, sanay na rin ako. Saka mababait din naman po ang triplets,” wika ko.
“Oo, lalo na si Mathias, nakakatuwa, parang matanda palagi makipag-usap,” sagot niya.
Ngumiti ako sa sinabi niya. Marami talagang kaibigang matatanda si Mathias. Sa bahay nga mas madalas niyang gustong kausapin si Papa.
Nang makarating kami sa mansion ay excited na bumaba ang mga bata.
Si Mathew ay agad na tumakbo papasok, bukas ang mataas na gate at dire-diretso lang siya.
“Hello po! Hello!” bati niya sa mga naroroon na kakasalubong niya. “Hello po. Kumusta po kayo?”
Daig pa niya ang nangangampanya. Kulang na lang lapitan niya isa-isa at batiin.
“Lara, nakakatuwa ang anak mo. Napakabibo,” ani ni Manang Lusing habang nakatingin kay Mathew na may bata na agad na kausap.
“Naku, 10% pa lang po iyan,” pagbibiro ko kaya natawa siya.
Tumingin ako sa isang itim na kotseng nakaparada. Mukhang may apo o anak na dumating sina Don Gustavo.
Tinawag ko si Mathew kaya lumapit siya sa akin.
“Mathew ang bilin ni Mama, behave lang ha,” muling paalala ko sa kaniya
“Yes po,” mabait na tugon naman niya.
Kumuha ako ng towel sa bag na dala ko at nilagay ko sa likuran niya.
“Sige, play ka na. Tutulong lang si Mama sa pagluluto.”
Mabilis naman siyang bumalik sa ibang mga bata.
Lumingon ako sa dalawa pang anak ko pero si Matheo na lang ang nakikita ko. Luminga-linga ako at nakita ko si Mathias na kausap na si Mang Domeng. Nakalagay pa ang isang kamay niya sa beywang na akala mo ay isang matandang tao na rin. Nanoood siya sa pagtatadtad ng mga karne.
“Madali lang po bang mag-kill ng pig?” rinig kong tanong ni Mathias.
“Oo naman, basta maalam ka,” sagot naman ni Mang Domeng.
“Hindi po ba sila nakakaawa kapag umiiyak? Paano na po iyong family nila? Hindi ba sila love kasi hinayaan po silang mamatay?” tanong naman ng anak ko.
Parang pasasakitin niya ang ulo ni Mang Domeng sa mga tanong niya.
Bumaling ako kay Matheo.
“Sige na, play ka na rin,” saad ko sa kaniya.
Umiling siya. “Ayoko po. Pangbata naman nilalaro nila.”
“Anak, bata ka pa naman.”
“Pupunta na lang po ako sa library. Sabi ni Ma’am Amelia, pwede akong pumunta doon at mag-read ng mga books kapag gusto ko,” paalam niya sa akin.
Sasahaman ko sana siya pero pinigilan niya ako.
“Alam ko na po kung saan. Kaya ko na po mag-isa.”
“Okay, pero careful ka ha,” bilin ko sa kaniya.
“Opo,” mabilis na tugon niya at pumasok na sa loob ng mansion.
May isang mahabang table kung saan naggagayat sila ng mga gulay at ang iba ay naghahanda na ng mga gamit para mamaya. May mga table na rin na sinisimulan ng ayusin.
Lumapit ako sa mga nag-aayos ng table. Kinuha ko nag mga tela para ilagay sa mga table.
May ilan doon na ka-edaran ko lang pero sa taniman sila nagtatrabaho. Gaya ni Grace.
“Ang cute ng mga anak natin,” wika sa akin ni Grace habang pareho kaming naglalagay ng mga tela sa mga bilog na table. “Ako na konkontrata sa anak mo para pakasalan anak ko paglaki nila.”
“Tumigil ka nga,” pabirong saad ko. “Kapag usapang pag-ibig, hindi ako makikialam sa mga anak ko. Pero kung magugustuhan niya ang anak mo paglaki nila, walang problema sa akin.”
“Afam din ba ang ama ng mga anak mo?” tanong niya sa akin. “Ang popogi kasi, parang may mga lahi gaya ng anak ko.”
Umiling ako sa kaniya. Alam kong may lahi si Sean pero Filipino pa rin naman siya. Talagang may dugong kastila lang ang mga De Silva at namana iyon ng mga anak ko.
Ang anak ni Grace, base sa kwento niya sa akin dati ay Mexican daw ang ama. Iyon nga lang naghiwalay din sila kaya bumalik siya ng San Simon kasama ang anak niya. Nagtatrabaho siya sa office bilang accounting staff.
“Tulungan ko na kayo,” saad ni Kaloy nang lumapit siya sa amin.
“Sus, nagpapansin ka lang kay Lara. May asawa na siya, tandaan mo,” wika ni Grace habang napapakamot na lang sa ulo niya si Kaloy.
“Napakaepal mo talaga, Grasya,” nahihiyang saad ni Kaloy at tumingin sa akin.
Tumawa na lang ako.
Ang alam ng lahat ay kasal na ako, pero walang nakakaalam kung nasaan ang asawa ko. Sinabi ko na lang na nag-abroad. Hindi ko alam kung pinapaniwalaan nila ako, pero wala na akong pakialam basta iyon ang kwento ko.
Madami ang table pero mabilis din kaming natapos dahil madami kaming tulong-tulong.
Luminga ako sa paligid para hanapin ang mga anak ko. Nakita ko si Mathew na naglalaro sa may garder ng bola. Habang si Mathias naman ay kausap pa rin ang matatandang nagluluto.
Nakikipagtawanan pa siya na para bang matandang tao siya.
Kaya hinanap ko si naisipan kong pumasok sa loob ng mansion para hanapin naman si Matheo.
Nakita ko siyang nakatayo sa malaking family picture ng mga De Silva. Nakatalikod siya mula sa kinaroroonan ko pero mas natawag ang atensyon ko ng matangkad na lalaking kasama niya.
“Matheo,” tawag ko sa anak ko.
Mabilis na lumingon ang anak ko pero parang biglang huminto ang mundo ko nang humarap din ang lalaking kasama niya.
Napahinto ako at nanigas bigla sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko habang parang tinatakasan ng dugo ang buong pagkatao ko.
Nagtama ang mga naming dalawa kasabay ng mabilis na t***k ng puso ko.
Ilang taon kong hiniling n asana hindi siya umuwi. Pero hindi ko inaasahang bigla siyang susulpot sa harap ko.
Sean Alexander De Silva is looking dangerously handsome, standing beside our son.
“Mama!” rinig kong tawag sa akin ng dalawang maliit na boses.
Lumingon ako at nakita ko si Mathew at Mathias na papalapit sa akin.
Parang gusto kong maglaho kasama ng mga anak ko.
Kung alam ko lang na dumating siya, nagdahilan na lang sana ako para hindi pumunta ngayon.
“Triplets?”
Sabay-sabay na napatingin ang mga anak ko kay Sean ng magsalita siya.
“Yours?” muling tanong pa niya habang nakatingin sa akin.
Ours. Iyon sana ang gusto kong sabihin, pero tango ang tanging naging sagot ko.
“Mama, same eyes po sila ni Mathias,” malakas na saad ni Mathew at tinuro pa niya si Sean.
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ng anak ko. Parang gusto kong itago bigla si Mathias upang hindi siya makita ni Sean. Nagpa-panic ako bigla pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.