Chapter 17

1001 Words
ELARA'S POV Hindi ko alam kung anong sasabhin at gagawin ko. “Mama, sino po siya?” muling tanong pa ni Mathew sa akin pero hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Lahat ng mga anak ko ay nakatingin sa kaniya. Habang kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Sean. Hindi naman niya natatandaan, hindi ba? That was eight years ago. Mahaba pa ang buhok ko noon, samantalang ngayon ay maiksi na dahil mula nang manganak ako ay hindi na ako nagpapahaba ng buhok. Mas nag-matured na rin ang hitsura ko. Pilit kong punapakalma ang sarili ko. Hindi niya pwedeng mahalatang kinakabahan ako dahil mas lalo siyang magtataka. Tumingin sa akin si Sean. Seryoso ang mukha niya. Kaya pinilit kong magmukhang normal kahit parang tumitigil ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa hazel eyes niya. Parang nakatingin lang ako sa mata ni Mathias. “Elara.” Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Ma’am Amelia na papalapit sa amin. “Hello po,” magalang na bati ko sa kaniya. “Hello po,” sabay-sabay na bati rin ng mga anak ko. “Hello, Kids. Na-miss ko kayo,” magiliw na saad ni Ma’am Amelia sa mga anak ko. Bumaling siya sa apo niya. “Elara, this is my grandson, Sean. Kadarating lang niya from Spain. Sean, this is Elara, secretary siya ng Lolo mo at anak niya ang mga cute na batang ito,” pagpapakilala naman sa amin ni Ma’am Amelia. “Hello po, I am Mathew. Nice meeting you, sir. Pogi din po kayo gaya namin,” bibong saad ng anak ko at nag-wave pa siya kay Sean. “I am Mathias,” tipid namang pagpapakilala nito. “I am Matheo, I am the youngest,” saad naman ni Matheo at inilahad pa niya ang kamay kay Sean para makipag-handshake. “Nice meeting you all, I am Sean Alexander,” sagot naman ni Sean at tumingin sa akin pero agad din siyang bumaling ng tingin sa Lola niya. “Are you feeling okay now?” “Yes, medyo nahilo lang ako kanina pero nakapagpahinga at nakainom na ako ng gamot, ” sagot naman ni Ma'am Amelia. Saka siya tumingin sa akin. “Lara, sa akin muna ang mga anak ko, ha?” hingi niya ng paumanhin. Gusto ko sanang tumanggi at sabihing uuwi na kami dahil pero agad na lumapit si Mathew sa matanda at humawak sa kamay nito kaya wala akong nagawa kundi ang tumango at pumayag. “Let's go, kids. May pinaluto akong cookies para sa inyo,” yaya ni Ma’am Amelia sa mga anak ko. Mabilis namang sumama sa kaniya ang mga bata kaya naiwan kami bigla ni Sean. Pilit along ngumiti sa kaniya upang mawala ang awkwardness sa pagitan namin at para rin hindi niya mahalata na kinakabahan ako. “Palik na po ako sa labas, Sir,” saad ko. Nagpasalamat ako na hindi ako nautal habang nagsasalita. Tumango siya sa akin kaya agad akong tumalikod pero nakakadalawang hakbang pa lang ako ay bigla siyang nagsalita. “Did we meet before?” biglang tanong niya. Mas bumilis ang t***k ng puso ko. Lumingon ako sa kaniya. “Before? Ngayon ko lang po kayo nakita, Sir,” pagmamaang-maangan ko. “Baka kamukha ko lang po, common kasi mukha ko.” Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. “Baka nga.” “Sige po, labas na ako.” Tumango siyang muli kaya nagmamadali akong lumabas ng mansyon at bumalik sa may likod kung saan may mga nagluluto. “Anong nangyari sa iyo? Bakit namumutla ka? Para kang nakakita ng multo?” nagtatakang tanong sa akin ni Grace. May multo talaga akong nakita. Multo ng nakaraan ko. “Wala,“ sagot ko at nilampasan siya. Muli akong tumulong sa mga ibang naroon. Patapos na sila at malapit na rin magdilim kaya wala na masyadong gagawin. “Hello, guys.” Napalingon kami kay Ashton na bagong dating at malaki ang ngiti na lumapit sa amin. “Okay na ba ang lahat?” tanong niya. “Opo, patapos na po ito,” sagot ni Mang Lando. “Good, mamaya magpapakasaya tayo. Madami akong pinabiling alak. Uminom kayo hangga't gusto ninyo, basta walang matutulog sa sagingan pagkatapos, ha.” Nagtawanan ang iba dahil sa huling sinabi niya. Nag-aayos ako ng mga paper plate at nilalagyan iyon ng balot. Kukunti na lang naman iyon dahil si Ate Rizaang gumagawa nito kanina pero uuwi lang daw siya saglit kaya ako na ang nagtuloy ng ginagawa niya. Lumapit sa akin si Ashton. “Bakiy nandito ka na? Sana hinayaan mo na lang na sila ang gumawa niyan,” saad niya sa akin. “Okay lang, saka hapon na rin naman ako pumarito,” tugon ko sa kaniya at ngumiti. “Kahit na. Madami naman gagawa niya.” “Ay sir, bakit kapag si Lara may special treatment?” biglang singit ni Grace. “Paano naman ako? Hindi ba ako nag-aalala naapagod din ako?” nagpa-cute pa siya kay Ashton. Biglang umakbay sa akin si Ashton. “Ayaw ko naman mapagod kayong lahat, but Elara is my friend before she became our employee,” paliwanag sa akin ni Ashton. “Sus, baka naman crush n'yo si Lara. Pero bagay kayo,” sagot ni Grace at kumindat pa sa amin kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Matigil ka nga Grace. May asawa na ako,” sagot ko naman. “Alam mo, ang tagal na niyang asawa mo sa abroad, hindi pa rin ba umuuwi?” Paano uuwi? Hindi naman kasi iyon totoo. Pero iyong ama ng triplets ko umuwi na. “Huwag mong asarin si Lara, pikunin pa naman iyan. Kita mo, namumula na agad ang ilong,” natatawang saad naman ni Ashton at marahan pang hinawakan ang ilong ko kaya tinapik ko ang kamay nila. Nagtawanan naman sila ni Grace pero pakiramdam ko may nanonood sa amin kaya tumingala ako at mula sa balcony sa second floor ay nakita ko si Sean. Nakatingin siya sa gawi namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD