CHAPTER seven “HI, ADA. Welcome!” sabay-sabay na wika ng apat na pareha nang makababa sila ni Arthur Franz ng sasakyan. “Hello,” kiming bati ni Ada. Nakipagbeso ang mga lalaki sa kanya. Ang mga babae naman ay niyakap pa siya. “Welcome to the family, Ada,” wika pa ng mga babae. “Hay, naku, girl, huwag kang mahiya. Ganyan din ako noong una. You’ll get used to it, eventually,” wika ng asawa ni Randall na si Aria. “Pahinga muna ngayong gabi. Bukas pa magsisimula ang mga activity natin. Magkakatabi lang ang mga cottage natin,” wika ng asawa ni Jared na si Kristina. “Huwag kang magtaka kung hindi mo makikita ang mga bata, Ada. Naiwan muna sila sa kanya-kanyang lola. This is our getaway,” natatawang sabad ng asawa ni Pierro na si Catherine. Sinang-ayunan ng tatlo pang babae ang sinabi n

