CHAPTER five TUMAAS ang mga kilay ni Ada nang bumalik lang si Arthur Franz sa pagkakaupo pagkatapos ilapag sa desk niya ang container ng pagkain. “Hindi ka kakain?” tanong niya. “Patawarin mo muna ako.” Nagkibit-balikat siya. “Bahala ka.” Kinuha na niya ang tinidor. Pinigilan niya ang mapangiti nang makitang dalawang tinidor ang naroon. Mabilis na lumapit ang binata nang magsisimula na siyang kumain. “Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Siyempre kakain ako. Palalampasin ko ba ang pagkakataong makasabay ka? Isa pa, gutom na rin ako.” Kinuha nito ang isa pang tinidor at kumain na rin. Nagsalo sila sa iisang container. Hindi mapalagay si Ada sa klase ng titig at mga sulyap na ibinibigay ni Arthur Franz sa kanya. Tumayo siya upang makaiwas. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit

