bc

The Fake Mistress

book_age18+
12.7K
FOLLOW
104.0K
READ
forbidden
love-triangle
possessive
second chance
playboy
bxg
betrayal
cheating
disappearance
affair
like
intro-logo
Blurb

RATED SPG

Kailan nga ba naging tama ang mali?

At kailan naging mali ang tama?

__________

Ang kasal ay isang banal at sagradong katibayan na pinag-isa ng Diyos ang dalawang taong nag-iibigan, kaya't walang sinuman ang may karapatan na paghiwalayin ang dalawang taong ikinasal. Ngunit paano na lang kung ang pagsasama ng mag-asawa ay binasag ng kataksilan?

Larawan ng isang masayang mag-asawa sina Joaquin at Kathryn. Ngunit ang kanilang masayang pagsasama ay napalitan ng galit at poot nang matuklasan ni Kathryn na may ibang babae ang kaniyang asawa at sa babaeng malapit pa sa kaniya. Ito ang nagdulot ng sunod-sunod na pasakit at lungkot sa buhay ng dalawa na kalaunan ay humantong sa paghihiwalay nila.

Si Kathryn, ang babaeng walang ibang hinagad kung ’di ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Nagmahal, nasaktan, ngunit nagpatawad pero sa huli ay dudurugin lang ulit ng kataksilan.

Magagawa pa kayang patawarin ni Kathryn si Joaquin at tuparin ang kanilang sinumpaan na magsasama sila sa hirap at ginhawa? Or will Kathryn choose to move on with her life without her cheating husband?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
BIGLANG umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagbuhos ng malalaking patak ng ulan. Kumulog . . . Kumidlat. Ang pagaspas ng mga halaman at puno sa paligid ay nagdadagdag pa ng ibayong takot sa dibdib ko pero kailangan kong magpatuloy at tumakbo para sa aking buhay. Hindi ko na ininda ang lamig na dumadampi sa aking katawan pati na ang hapdi mula sa mga sugat na aking natamo. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa hindi na kinaya ng mga tuhod ko ang sobrang pagod. Nadulas ako sa maputik na daan dahilan para madapa ako. Ngunit hindi ko ininda ang natamong sugat. Kung tutuusin, walang-wala pa sa kalingkingan nito ang naranasan ko mula sa mga kamay ng baliw na iyon. Mabilis akong tumayo at muling tumakbo. Halos magiba na ang dibdib ko sa sobrang pagkabog nito. Nagmamadali ang bawat hakbang ko. Lakad, takbo, lakad, takbo. Hindi ako puwedeng huminto dahil sa oras na huminto ako, maaabutan ako ng demonyong iyon. “Konti na lang, Kathryn, konti na lang,” mahina kong usal habang tinatahak ang madilim at masukal na gubat. Nakakatakot ang kadiliman ng paligid ngunit mas natatakot ako sa sandaling maabutan niya ako. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Konti na lang mararating ko na ang daan. Lalo kong binilisan ang mga hakbang ko. Dama ko na ang sobrang pagod ngunit kailangan ko pa ring magpatuloy. Konti na lang makakatakas na ako sa impiyernong ’to. Konti na lang . . . Konting-konti na lang. “Yoohooo! Kathryn!” tila baliw na sigaw niya mula sa hindi kalayuan na sinusundan pa niya ng nakakapanindig-balahibong pagtawa. Napalunok ako nang ilang beses saka mas binilisan pa ang aking pagtakbo. Palingon-lingon ako sa aking likuran kaya ilang beses pa akong nadapa sa maputik at madulas na lupa. Nandiyan na siya! Habol ko ang aking hininga. Wala na akong pakialam maski magalusan man ako dala ng mga nadadaanan kong mga halaman at nakausling mga sanga sa paligid. Ilang sandali pa'y nakarinig na ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nanginig ang buo kong kalamnan. Para bang gusto nang kumawala ng kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa sobrang takot na aking nararamdaman. “Makakatakas ka, Kathryn, makakatakas ka,” pilit kong pangungumbinsi sa aking sarili. Hinawi ko ang mga nakahambalang na halaman sa aking daraanan. Mas mabuti nang mamatay habang tumatakas kaysa naman mamatay ako na wala man lang akong ginawa. “Hindi ka makakatakas, Kathryn! Sige lang, takbo! Tago! Magtago ka hanggang kaya mo, dahil sa oras na mahuli kita, siya na ring huling paghinga mo!” muling umalingawngaw ang boses niya sa buong kagubatan. Parang demonyo. Nakakakilabot. Lumingon ako sa aking likuran nang mapansin kong may ilaw na nagmumula sa 'di kalayuan. Natutop ko na lamang ang aking bibig dahil alam kong siya iyon. "Diyos ko, tulungan Niyo po ako!" Napaiyak na lamang ako sa sobrang takot. Nakikita ko na ang daan sa 'di kalayuan kaya nabuhayan ako ng pag-asa. Napangiti ako. Pinalis ko ang mga luha sa aking mga matang nanlalabo. Lalo kong binilisan ang aking takbo kahit pa pakiramdam ko'y nawawalan na ako ng lakas at halos patiran na ng hininga. “Hindi ako rito mamamatay. Hinihintay pa niya ako. Hinihintay pa ako ng mahal ko.” Napapikit ako ng mga mata ng ilang segundo. Nang muli ko itong imulat ay malapit na ang pinanggagalingan ng ilaw na batid kong nagmumula sa flashlight na hawak niya. Humugot ako nang marahas na hininga saka ito ibinuga. Nanghihina na ang katawan ko ngunit kailangan ko pa rin lakasan ang loob ko. “Kathryn, huwag ka nang magtago, mahuhuli rin kita!” muli na naman niyang sigaw pero mas malapit na ang boses niya ngayon. Sobrang lapit na. Naisin ko mang tumakbo ay hindi na talaga kaya ng katawan ko. Nanlalabo na ang paningin ko, nangangatog na rin ang mga tuhod ko at hinang-hina na ang buong katawan ko. Kaya ko pa ba o hanggang dito na lang talaga ang buhay ko? Konting hakbang na lang mararating ko na ang daan ngunit alam kong hindi na ako aabot pa. Maaabutan na niya ako. Nandiyan na siya, papalapit na siya. Mapait akong napangiti dahil unti-unti nang lumalabo ang paningin ko. Nahihilo na ako. Hindi ko na talaga kaya. “Kathryn!” Isang putok pa ng baril ang narinig ko bago tuluyang magdilim ang aking paningin at tuluyan na akong humandusay sa lupa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.8K
bc

Unwanted

read
512.1K
bc

My Husband's Mistress

read
298.1K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
853.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook