Chapter 29

1878 Words

“BABY Michelle mo, nababaliw na ng dahil sa ’yo. Tsk! Ang guwapo mo naman, Joaquin,” baling ko kay Joaquin saka itinuro si Michelle na halos humandusay na sa sahig. Ang sarap niyang ingudngod sa inidoro sa totoo lang! Napakagaling umarte, sobra! Ang dalawang staff ay pinaalis na ni Joaquin dahil sinabi niyang siya na lang ang bahala. Mabilis silang tumalima kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito. May parte sa puso ko na umaasa na ako ang papanigan niya sa mga oras na ito. Na ako naman ang lalapitan niya at aalalayan palayo kay Michelle. Pero tiningnan niya lang ako ng ilang segundo bago nilampasan para lapitan si Michelle na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Ang galing niya talagang mag-drama kahit kelan. Gusto ko siyang bigyan ng trophy. Pero hindi ko na kailangang gawin iyon kasi na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD