Chapter 28

2262 Words

NAKAPANGALUMBABA ako habang titig na titig sa tatlong patong ng plastic container na nasa harap ko. Kanina pa ako naglalaway na kainin ang mga ito pero nauunahan ako ng hiya dahil si Sir Almonte ang nagbigay. Hindi lang siya basta-basta editor in chief lang dahil anak din siya ng may-ari nitong publishing company. Nakasulat naman sa note na kapalit ito ng mangga na natapon noong araw na magkabungguan kami. Pero ewan ko ba? Pinangungunahan pa rin ako ng hiya kahit wala naman talaga akong hiya sa katawan. Marahas ang bawat pagpapakawala ko ng hininga habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko. Lasog-lasog na nga yata ang papel na tinutusukan ko nito dahil kanina pa ako nanggigigil. Kung tao lang siguro 'to, kanina pa siya patay. Iyong kagustuhan ko kasing kainin ang mangga ay ibinubuhos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD