PURO puti lang ang nakikita ko sa paligid nang buksan ko ang aking mga mata. Nalalanghap ko rin ang amoy ng gamot dito sa loob. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa ospital pala ako. Napabalikwas ako nang bigla kong maalala ang nangyari kanina. Nasa parking area na ako nang biglang makaramdam ng hilo at nahimatay. Ang huling kong naalala ay may sumalo sa akin. Ngunit sino kaya siya? Bigla na lang kasi nagdilim ang paligid ko kaya hindi ko nakita ang mukha ng taong sumalo sa akin kanina. Dapat akong magpasalamat sa taong iyon. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may masakit. Ngunit wala naman akong maramdaman na iba liban sa medyo nahihilo pa ako. Hinaplos ko rin ang tiyan ko. Wala rin akong maramdamang kakaiba kaya nakahinga ako nang maluwag. “Huwag mo naman masiya

