HINDI ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa kawalan habang nilalaro ng aking daliri ang ballpen na hawak ko. Panay lang ang pisil ko sa pindutan nito para lumabas ang nagsisilbi nitong panulat, habang ang tingin ko ay nasa kawalan na para bang may hinahanap akong kasagutan mula sa hangin. Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rin sa akin ang huling araw na nakita ko si Joaquin sa food park noong linggo. May bahid ng lungkot at pait ang sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi nang mga oras na iyon habang nakatanaw siya akin at sa papalayong bulto ni Bryce. Ang akala niya yata ay may namamagitan sa aming dalawa. Bahala siya kung ano ang gusto niyang isipin, basta ako, malinis ang konsensiya ko dahil wala akong ginagawang masama. Kung form of cheating man iyon na gaya ng sinasabi ni Ri

