Chapter 15

1815 Words

ILANG beses ko pang sinipat ng tingin ang damit na hawak ko. Ch-in-eck ko mula manggas hanggang laylayan pati na ang print nito sa harap na may numero trenta. Numero ito ng idolong NBA player ni Joaquin. Saglit akong natulala habang ang tingin ay nasa damit pa rin na hawak ko. Nagbalik lang ako sa reyalidad nang biglang may marahas na humablot nito sa kamay ko. Nang pumaling ako ng tingin sa aking tabi ay ang walang kangiti-ngiting mukha ni Michelle ang nabungaran ko. “Bakit nasa iyo ‘to?” tila inis na tanong niya. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang kaniyang pag-irap bago maglakad patungo sa isang puting built-in cabinet sa gilid. Binuksan niya ito at saka parang basurang inihagis ang t-shirt sa loob n’on. “T-shirt ni Joaquin ‘yan, hindi ba?” tanong ko sa halos nanginginig na bos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD