SUMMER’S POV
“WHO would’ve thought I’ll meet you here . . . ex?”
Halos mahigit ko ang aking hininga dahil sa baritonong tinig na sobrang pamilyar sa pandinig ko. Labis na nangibabaw ang nakakainis at nakaririmarim na boses na iyon sa tenga ko kaya marahas akong humarap sa kaniya saka siya pinandilatan ng mata.
“Who you?” kunwari ay walang pakialam na tanong ko at muling ibinalik sa harap ang paningin. Nanggigigil ako ngayon, ha. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Hiro na masayang-masaya tingnan habang kumakanta sa harapan. Halatang passion niya talaga ang pagkanta kasama ang banda. They were allsmiling, vibing, and feeling the music. Maging ang audience ay sumasabay sa kanta nila. Wala sa sariling napangiti ako.
“Ah, so mahilig ka na pala sa mga banda ngayon?” Muling nagsalita iyong anino sa likod ko, nagtagis ang aking ngipin. “Eh, halos isumpa mo ako noon no’ng isinama kita sa concert ng—”
“Do I know you?” pagmamaang-maangan ko ulit. Umisod pa ako papunta sa kaliwa para lumayo ng konti sa kaniya. Nasa may likuran kasi akong parte kaya hindi masiyadong sisikan dito. Kaya siguro nakita niya ako kaagad. Asar!
“Ganiyan ka ba talaga ka-bitter sa akin para kalimutan mo ako? Parang wala tayong pinagsamahan, ah?” pang-uuyam nito na lalong nakadagdag sa inis ko. Aba, may hugowt!
Nakita kong napalingon sa gawi namin ang mga estudyanteng nasa unahan dahil may kalakasan ang malalim na tinig ng lalaking ito. Napangiwi ako saka napailing. Maya-maya ay napasinghap ang mga ito nang dumako ang tingin nila kay Kiefer. Literal na naghugis puso ang mata ng mahaharot na batang ire. Aba!
“Ang pogi ni kuya!” rinig kong bulong ng isa sabay siko sa mga katabi nito.
“Shh, marinig ka!” suway naman ng isa pa sabay hagikhik na tila uod na binudburan ng asin.
“Lumayas ka nga ritong damuho ka, baka gilitan kita sa leeg,” bulong ko sa katabi ko habang pinanliliitan ng mata ang mga teenager na ngayon ay nagbubulungan na sa harap namin. So, kinikilig na sila sa lagay na ʼyan?
“What? What did I do?” inosenteng tanong naman nito.
Kita mo ang buwisit na ʼto. Maang-maangan pa, eh, mukhang gustong-gusto rin naman ang atensyon.
Pinanlakihan ko ng mata ang mga chikiting na nakatingin kay Kiefer. “Nando’n ang performance sa harapan, wala rito sa likod. Shoo!” pagtataboy ko sa kanila with gestures pa gamit ang kamay.
Umisod ulit ako palayo ngunit agad naman siyang sumunod. Para kaming tangang pasimpleng nagsusuyuan sa gitna ng mini-concert na ʼto. Kingina, ha. Nang hindi makatiis ay muli ko siyang hinarap.
“Ano ba?! Can you stop pestering me?! I’m here to have a good time, not to ruin my day,” inis na sabi ko.
Ramdam ko ang pagkabigla niya dahil sa sinabi ko. Bahagya pang nagparte ang kaniyang labi, pagkuwan ay sumilay ang malungkot na ngiti. Why? Ano ang in-e-expect niyang reaksyon o gawin ko? Ang matuwa dahil nakita ko siya? Yakapin siya dahil kinausap niya ako?
Gosh. Hindi pa ba sapat ang mga ginawa niya noon para mahiya siya sa akin ngayon? Ang kapal ng mukha niya.
“Sorry. I just thought—”
“Whatever it is that you think, nagkakamali ka. Hindi porke’t nakisama ako sa laro niyo kahapon ay okay na tayo. Hindi porke’t binigay ko sa ʼyo ang number ko ay puwede mo na akong tawagan kahit na anong oras. Stop it. Hindi ka nakakatuwa.”
Natahimik siya. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago isuksok ang kaliwang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon. Malaya namang sinuklay ng kanang kamay niya ang kaniyang buhok saka marahas na napabuga ng hangin.
“I get it. You don’t have to rub it in, you know? Ang harsh mo talaga kahit kailan, Sam.” At tinalikuran niya na ako. Nahuli ko pa ang mga mata nito na puno ng lungkot, tila ba nasaktan dahil sa mga sinabi ko.
Harsh? Harsh na ako sa lagay na ʼto? Eh, ano sa tingin niya ang naramdaman ko no’ng lokohin niya ako two years ago? Hindi ba masakit? Hindi ba mas harsh? Puwes, masaktan ka ngayon dahil hinding-hindi no’n maaalis ang sakit na iniwan mo sa akin.
Sinira mo ang tiwala ko. Sinira mo kung ano man ang mayro’n tayo noon. Kaya wala kang magagawa kung ganitong pag-uugali ang ipapakita ko sa ʼyo ngayon, Kiefer.
PANG-ILANG tawag ko na ʼto kay Kiefer pero hindi niya pa rin sinasagot. Katatapos lang ng first class ko at oras na para sa lunch break. Kadalasan ay sabay kaming kumakain sa Del Figarro Palacio, isang kainan na malayo sa university. Doon kami madalas para hindi makita ng mga kakilala namin.
“Finally, sinagot mo na! What are you doing right now? Are you busy?” tanong ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.
“I’m sorry, Love. May pa-activity si prof kaya hindi ko nasagot. Nag-extend pa kasi kami ng fifteen minutes para matapos ʼyon,” tila habol-hininga na turan niya mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya pero pinilit ko na lang intindihin.
“I understand. You should’ve texted me na lang sana. Anyway, sabay ba tayong kakain ngayon?”
“Hindi muna, Love. Bukas na lang, ihahabol ko pa kasi ʼtong paper sa office ni Sir. Hindi ko napaghandaan ang activity kaya nagahol ako sa oras.”
Sasagot na sana ako sa kaniya kaso biglang nanlamig ang kamay ko nang makita ko iyong mga kaklase niya na naglalaro ng basketball sa open court na natatanaw ko mula rito sa second floor. Sila iyong kadalasang kasama ni Kiefer na blockmates niya. Pagtingin ko sa bench na nasa gilid ay nandoon din iyong mga kaklase niyang babae na nagtatawanan habang nanonood ng laro.
Akala ko ba nag-extend sila sa klase?
“S-Sige, text mo—”
Lalo akong nanlamig nang marinig ang kaluskos mula sa kabilang linya at tinig ng isang babae na tila ba bumubulong sa kaniya. “Matagal pa ba ʼyan?”
Naestatwa ako. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa takot at kaba na lumulukob sa akin ngayon. Saglit ko pang tiningnan ang screen ng cellphone ko para tingnan kung on-call pa ba kami pero saktong pagtingin ko ay narinig ko ang mahinang beep sound, tanda na pinatay niya na ang tawag.
Bakit? Sino ʼyon?
Bumalik ang tingin ko sa mga kaklase niya na nasa gano’n pa ring posisyon ngayon. Palagi naman silang magkakasama, halos araw-araw silang naglalaro ng basketball kapag may free time.
Alam kong sikreto at private lang ang relasyon naming dalawa, and for the past months ay wala naman akong nakitang dapat kong ikatakot. We need to keep our relationship a secret para hindi makaabot kay Daddy.
Even my bestfriends have no idea that I already have a boyfriend.
Pero ngayon, hindi ko na alam. May dapat na ba akong ikabahala?
HINDI pa man tapos ang ten-minute performance ng banda nina Hiro ay mas pinili ko nang umalis sa lugar na iyon. Nawalan ako bigla ng gana dahil sa damuhong sumira sa araw ko.
Dumiretso na lang ako sa café sa third-floor para kumain ng lunch. Ikakain ko na lang ang stress na nararamdaman ko ngayon. Feeling ko ay aatake na naman ang anxieties ko dahil sa kaniya.
“Good day, Ma’am!” Tango lang ang sagot ko sa waiter na sumalubong sa akin pagpasok ko sa Coffee Bloom.
Nakahinga ko ng maluwag nang makitang konti lang ang tao ngayon sa loob. Kadalasan kasing customer nila ay high school students dahil sa ambience ng café na ʼto. Malamang ay nasa klase pa ang iba at iyong iba naman ay nasa baba, abala sa panonood at pagtangkilik kina Hiro.
Dito ako madalas tumambay kapag mag-isa akong naglilibot sa mall. Bukod sa masarap ang pagkain at drinks ay maganda rin ang mood na mabubungaran mo. Instagrammable pa ang lugar dahil sa magaganda at cute designs sa paligid. Kaya nga rito napadpad ang mga Gen-Z, eh. For social media purposes.
Minsan nga ay makikita mo na lang sila na sumasayaw sa isang tabi, nagre-record lang pala ng video for their t****k.
“One Penne Alfredo, veg spring rolls, and cold coffee na lang for the drinks,” tugon ko sa waiter na naghihintay sa harap ko. “Ah, red velvet cake pa pala," pahabol ko pa at isinara na ang menu sabay abot nito sa kaniya.
Yumuko muna siya bago magsalita. “We’ll serve it right away.”
Nangalumbaba na lang ako sa mesa habang pinagmamasdan ang paligid. Salamat sa music na pinapatugtog nila kaya hindi ko masyadong ramdam na mag-isa lang ako ngayon. I’m quite used to being alone. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na hindi kakayanin kumaing mag-isa sa restaurant. I can manage.
Bahagya akong napakislot nang maramdaman ang pag-vibrate at pagtunog ng cellphone ko na nilagay ko sa bulsa kanina. Kunot-noo ko iyong hinugot saka walang ganang tiningnan ko sino ang nag-message.
From: Unknown number
Nasa mall ka pa ba? Can we meet?
Huh? Unknown number na naman? Don’t tell me si Kiefer na naman ang buwayang ʼto? Padaskol ko itong binalik sa bulsa pero maya-maya rin lang ay tumunog ulit ito.
From: Unknown number
I saw you earlier. I need to give you something.
Ano na naman ba ʼto? Hindi na ako nag-abalang sagutin pa iyon at ibinaling na lang ang atensyon sa glass wall kung saan natatanaw ko ang mga dumadaan sa tapat ng café. May mga mag-jowa, magkaklase, at magkapamilya. I bet each of them has their own stories to tell.
Kagaya ko, mayroon akong kuwento na hindi ko magawang sabihin sa iba. Ewan ko ba. Nakasanayan ko nang magmasid o pagmasdan ang mga taong dumadaan sa harap o kaya ay mga taong nasa paligid ko lang. Napapaisip ako tungkol sa kanila, may mga tanong na nabubuo sa isip ko na hindi ko naman maitatanong sa kanila.
Tulad ng, ‘Bakit kaya red ang buhok niya?’
‘Jowa niya kaya ʼyang kasama niya?’
‘Natural ba na kulot ang buhok niya o pinakulot lang?’
Mga simpleng tanong na nabubuo dahil sa kuryusidad. At dahil din sa kuryusidad kung bakit naging kami ng playboy kong ex. Umiikot sa utak ko ang tanong na, ‘Ano kaya ang pakiramdam nang mayroong boyfriend?’
Hanggang sa nagkakilala kami, naging magkaibigan, at napunta sa ligawan. My relationship with him was my greatest secret. Dahil oras na malaman ni Daddy ang tungkol sa pakikipagrelasyon ko habang nag-aaral pa ay paniguradong ipapadala niya ako sa tita ko sa Spain.
But still, I took the risk kasi alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. And I guess it wasn’t worth it at all.
That’s my biggest mistake. Breaking our friendship rule and my father’s words just for him . . . just for Kiefer.