SUMMER’S POV
“NO one, Dad. Wrong number lang siguro,” pilit ang ngiting turan ko. Nagkatinginan pa sila ni Mommy ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain matapos kong ibalik sa loob ng bag ang cellphone. Mabibilis ang bawat pagsubo, wala nang nguya-nguya, lunok agad. Matutunaw lang naman ang mga iyon pagdating sa tiyan.
Isang lagok lang ng orange juice ang ginawa ko at walang pag-aatubili na akong nagpaalam na aalis na para sa klase kahit na hapon pa naman talaga iyon. Tinapik-tapik ko na lang ang dibdib ko para tulungan ang mga pagkain na makababa. Go down, mah friends!
“Gotta go, Mom and Dad!” lakad-takbong paalam ko sa dalawa habang kumakaway. Alas-nuebe pa lang naman sa umaga, may ilang oras pa ako para maglamyarda kung saan.
“Take care! Study well!”
Kinuha ko agad sa bag ko ang phone ko para i-block ulit ang numero na tumawag sa ʼkin kanina, at saktong pagtingin ko ay tumatawag ulit ang damuho. Anak ng makulit! Tumigil ako sa paglalakad at saglit na napatulala sa screen, pagkuwan ay pinindot ko ang answer button.
“He—”
“Stop calling me, d*mb*ss!” bulyaw ko sa kung sino man ang nasa kabilang linya sabay patay ng tawag at block ng number. Paniguradong ang damuho lang naman ʼyon.
Habol-hininga akong nagpatuloy sa paghakbang at dumiretso na sa garahe.
G*go ka talaga. Sana naman ay tumigil ka na.
Nakakainis, ha! Hindi porket binigay ko ang number ko sa kaniya ay puwede niya na akong tawagan anytime. Aba, sinusuwerte siya?! Dahil lang talaga sa dare iyon kaya ako napilitang ibigay sa kaniya. Ayoko namang masira ang mood ng mga kasama namin dahil lang sa kaartehan ko. Besides, they know nothing about me, about us . . . and about our past.
Kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkol sa kung ano ang relasyon na mayroon kami noon. He’s just one of my mistakes. And meeting him again is my second. Ayoko nang madagdagan pa, last na iyon. Ayoko nang maulit ang mga pagkakamali ko noon, ang katangahan ko dahil sa pesteng pag-ibig na ʼyan.
Napahigpit ang paghawak ko sa sling bag na bitbit ko. Panandalian akong nawala sa sarili dahil sa mga alaalang pumasok sa isip ko. Parang tanga lang, eh. Parang tanga.
Kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil maaga pa para sa klase, pumasok na ako sa sasakyan at agad na binuhay ang makina. Ilang segundo pa akong natulala ngunit mabilis ding nabalik sa huwisyo at saka pinaharurot ang kotse ko paalis.
“I’ll say this again one more time . . . D*mn you, Kiefer.”
“GOOD morning, Ma’am!” masiglang bati ng guard sa entrada ng mall kung saan ako napadpad. Isa sa mga mall na pag-aari ng pamilya ni Hannie. I have nowhere to go kaya rito na lang muna ako magpapalipas ng oras.
Ayoko namang bulabugin si Fely sa bahay niya lalo na’t hindi lang naman siya ang nakatira roon. Kung wala lang sigurong conflict sa bago niyang bahay ay anytime puwede kaming sumugod. With or without permission, puwede kaming pumasok.
“Morning, guard,” bati ko pabalik at taas-noong naglakad na papasok.
Hindi ko na inalis ang suot kong sunglasses para mas magmukhang maldita. Baka mamaya niyan ay may makakita sa akin at kausapin ako bigla, naku, baka snob-in ko lang sila lalo na’t wala ako sa mood makipagplastikan. Magliliwaliw na muna ako.
Nangunot ang noo ko dahil sa nakita. Ang dami yatang tao ngayon sa mall, ha?
Grabe. Nagkalat din ang high school students na suot-suot pa ang uniporme nila. Gosh. Wala ba silang pasok ngayon? Cutting classes nang ganito kaaga?
Buti hindi sila nahuhuli na nag-cut? Kami kasi no’ng high school kami nina Fely ay kaniya-kaniya kaming excuse para makalabas ng campus. We cut classes pero with permission—wait, not literally permission. Parang white lies lang, gano’n? Kasi lumalabas naman kami ng campus na dala ang permit na pinirmahan ng school head. So basically, valid pa rin ʼyon. Right?
Napalingon ako sa kumpol ng tao na nasa harap ng stage. Dito kadalasan ginagawa ang small events ng mall dahil malawak ang space at may mini-stage sa harap. Hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila kaya medyo umatake ang curiousity sa katawan ko. May concert ba? May magpe-perform? May artista?
“Yikes, siksikan. Nevermind na lang nga,” bulong ko sa sarili at lumiko na papuntang escalator. Gusto ko sanang makita kaso nakakatakot ang kumpulan. Muli kong ibinalik ang tingin doon nang marinig ang isang lalaki na nagsalita sa mikropono.
“Ah, mic test, mic test. Guys, ready na?”
Acoustic band?
Saka ko lang nakita nang maayos kung ano ang nangyayari nang tumaas na ang escalator. Apat na lalaki ang nasa stage. One sitting in front of the drum set, one with electric guitar, one with bass guitar . . . and the last one is in front, holding the mic in his hand.
“Hiro?!” bulalas ko nang mamukhaan ang lalaking may hawak ng mikropono.
Singer pala ang blockmate ko na ini-snob ko lang sa klase? Wow, hidden talent? Ay, hindi na pala hidden dahil ang dami nilang audience ngayon. Eh, napakatahimik lang niyan sa klase, ah. Halimaw sa recitations pero usually ay naka-zipper yata ang bibig sa sobrang tahimik. Ni hindi mo maririnig na magsalita maliban na lang kung kakausapin mo.
Muli akong inatake ng curiousity. Ano ba kasi ang mayro’n at parang concert nila ngayon? Sino ba ang mga ʼyan?
Katatapak ko pa lang sa second floor ay lumiko ulit ako papunta sa escalator para bumalik sa baba. Makikitsismis muna ako. In fairness, ha, ang lakas ng dating ni classmate ngayon. Aba, kailangan niya ng support system!
“Ano ba!” inis na usal ng isang high school student sabay tabig sa akin. Mabilis na napataas ang kilay ko.
“Excuse you?” mataray na sambit ko at humalukipkip pa. Nahuli ko ang pagsinghap niya nang makita ako at ang paghila sa kasama nito papalayo sa akin. “Baliw, hindi na lang pag-aaral ang inaatupag, eh. Cutting class pa more.”
“Good day, everyone!” Napaangat ako ng tingin nang magsalita ulit si Hiro. Bakas ang pinaghalong saya at kaba sa kaniya habang inililibot ang paningin sa paligid. Impit na tili ng mga teenager at bati pabalik ang naging sagot sa kaniya ng mga ito.
“We’re here because a good friend of mine needs help. This performance is a fund raising activity to help him and his family to sustain his needs especially now that he’s in the ICU.”
Namutawi ang simpatya ng audience dahil sa sinabi ni Hiro. So, they’re doing this for a friend?
“We’ll have a ten-minute performance today and after that, we’ll be selling our mini-concert tickets that hopefully you’ll be interested to buy. Our fund-raising mini-concert will be held at Victoria Bay on the tenth of August and trust me, we’ll show you our full performance with all our originally composed songs. Sobrang laking tulong ng pagbili at pagnood niyo ng concert namin.” Nagtinginan sila ng bandmates niya. “At lahat ng malilikom naming pera through ticket-selling ay mapupunta sa pamilya ng kaibigan namin.”
Parang piniga ang puso ko. Ewan, mabilis akong mahabag sa mga ganitong eksena. Napakabuti nilang tao dahil ginagawa nila ito para sa kanilang kaibigan. Kung sa ganitong paraan ay makakatulong ako, hindi ako magdadalawang-isip na gawin din ito.
They’re good, more than good. Hindi ko sila kilala pero mukhang sikat sila dahil sa dami ng audience na nanonood sila ngayon. I had no idea that Hiro is a lead vocalist. Unexpected naman. Siguro mas iisipin ko pang taga-abot siya ng tubig o kaya ay band manager ng mga ito. Wow.
“It’s been a long day without you my friend,
And I’ll tell you all about it when I see you again . . . when I see you again~”
Grabe, goosebumps! Ewan pero nagsitaasan ang balahibo ko nang marinig ang malamig na boses ni Hiro habang kinakanta ang kantang See You Again ni Wiz Khalifa. Own rendition nila iyon ng kanta, chorus part lang ang kinanta nila pero ang lakas ng dating! It was mellow, sweet, and very—
“Wow.”
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang tinig na tila ba nagmula pa sa kailalim-laliman ng lupa.
“Who would’ve thought I’ll meet you here . . . ex?”
D*mn you, tadhana!