4: Hang-over

1756 Words
SUMMER’S POV ILANG beses na yata ako napabuga ng hininga simula pa kanina paggising ko sa umaga. Parang mabibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit, pakiramdam ko ay may puputok na kung anong ugat sa sentido ko. Gosh, did I drink too much yesterday? “Ugh, nasa’n na ba ang cellphone ko?” Kinapa ko iyon sa kama pero hindi ko mahagilap. Kanina ko pa ʼyon naririnig na tumutunog, eh. “Nasa’n na ba ʼyon?” No choice. Napilitan akong tumayo kahit na halos nakapikit pa rin ang mga mata ko. Buti na lang talaga at hapon pa ang klase ko ngayong araw. May oras pa ako para mag-relax at mawala ang hang-over. Hindi ko pa nga magawang mag-ayos ng sarili simula kanina paggising ko at nahilata na lang sa kama. Hinalungkat ko ang bag na dala ko kahapon pero wala roon, kahit sa bed side table ay wala rin. Sinubukan kong i-check sa banyo dahil baka roon ko lang naiwan ko lang pero wala rin. Kainis! Pabalik na sana ako sa kama para mahiga na lang ulit nang muling umalingawngaw ang tunog ng ringtone ko kaya naman sinundan ko kung saan iyon nanggagaling. Ayon, nasa ilalim lang pala ng kama! Dali-dali ko iyong pinulot para tingnan kung sino ang tumatawag. Unknown number calling. . . “Unknown number? At sino naman kaya ʼto?” Nag-aalangan man ay pinindot ko pa rin ang answer button at dahan-dahang itinatapat iyon sa tenga. “Who’s this?” “Good morning, Sun—” Wala sa sariling pinatay ko ang tawag saka hinagis sa kama ang cellphone nang mabosesan ko ang taong nasa kabilang linya. Nagsitaasan bigla ang mga balahibo ko. What the f*ck? Mali lang siguro ako ng pakarinig, ʼno? Tama-tama. Paano niya naman malalaman ang number ko, eh, ilang taon na kaming hindi nagkikita— Napasinghap ako. Nag-inuman nga pala kami kahapon! Bakit biglang nawala sa isip ko ʼyon?! “I dare you to give me your phone number . . .” “Hep! Iyong number mo talaga, ha? Ico-confirm natin ʼyan dito ngayon din.” “Aba, patingin. Malay natin na timing lang pala na may tumatawag din sa ʼyo na iba.” “Very very happy, Miss Summer.” I am so f*cked. Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang mga sinabi ng damuhong ʼyon at napakalinaw sa alaala ko ng ngisi sa labi niya. Ang sarap burahin! Tumunog ulit ang cellphone ko at lumitaw sa screen ang parehong numero na tumawag din kanina. Mariin akong napapikit. I can’t change my phone number right now. Naka-link ʼto sa lahat ng accounts ko—business, bank, and even social media accounts. I just can’t change it. My gosh! Hassle naman! Pabibo kasi! “Isabela! Isabela!” tarantang pagtawag ko sa katulong namin na alam kong nasa labas lang ng silid ko. “Ano po ʼyon, Miss Summer?” bati nito nang makapasok. May hawak itong feather duster sa kaliwang kamay at basahan naman sa kanan. “Nandiyan pa ba sina Daddy?” Dahan-dahan siyang tumango. “O-Opo, mamayang hapon pa raw po ang conference nila kaya hindi pa sila umaalis.” “Ano ba ʼyan!” inis na turan ko sabay gulo ng buhok ko na dati nang magulo. Wala naman akong problema sa kanila, eh. I’m just not in the mood para makipag-usap. Paniguradong uusisain lang nila ang tungkol sa pag-aaral ko and such. Okay lang sana kaso wala talaga ako sa mood, baka pabalang ko silang masagot o kaya ay sarkastiko. Minsan pa naman ay hindi ko mapigilan ang bunganga ko. “Nag-breakfast na ba sila?” tanong ko ulit. Bigla siyang umiling kaya napabuga ako ng hininga. “Sabay na raw po kayong kakain, Miss Summer.” D*mn. Daddy is a strict man. Naging maluwag-luwag lang siya sa akin ngayon nang kinuha ko ang kursong AB Political Science no’ng tumuntong ako ng college. Hindi niya ako pinilit na kunin ang kursong ʼyon dahil ʼyon din mismo ang gusto ko. Pero that was one of his dreams, na maging isang lawyer ang anak niya. Bata pa lang ako ay pangarap ko nang tumayo sa loob ng court room habang nakikipagdiskusyon sa ibang attorney. Ewan, I find it really cool. Kaya siguro nandoon sa ugali ko ang pagiging palaban, iyong tipong ayaw magpatalo. Pero kung iba siguro ang tinahak kong landas, baka hindi siya ganito kaluwag pagdating sa akin. I’m their only daughter. Hindi na sila nagkaroon ng isa pang anak dahil nagkasakit si Mommy noon na naging cause ng pagiging unable to bear a child. Sa akin nila ibinubuhos ang lahat ng atensyon, pagmamahal, at iba pa. “Sige na, Isabela. Iwan mo na ako, maliligo na ako.” Mabilis naman siyang yumuko tanda ng paggalang bago magsalita. “Sige po, Miss Summer.” HALOS isang oras yata akong nagtagal sa loob ng bathroom. Dinadama ko ang warm water na bumabalot sa katawan ko habang nakababad ako sa bath tub. It’s my only time to refresh. Pakiramdam ko ay masiyadong marami na ang nangyayari sa akin, masiyadong mabilis. Una, ang nangyari sa kaibigan kong si Fely. Sunod naman ay ang hindi ko inaasahang pagkikita namin ng ex-boyfriend kong playboy. Who would’ve thought na magkaibigan pala sila ng housemate ni Fely? My gosh! Small world, indeed. Nakakaloka. “Okay lang ʼyan, Summer. Puwede mo namang i-block ang number niya para hindi ka na niya magambala pa,” pagkausap ko sa sarili habang nasa harap ng vanity mirror na nasa loob lang walk-in closet ko. Suot ang roba ay nanliliit ang mga matang inilibot ko ang paningin para maghanap ng susuotin ngayong araw. Ano kaya ang magandang color na isuot ngayon? Yellow para maaliwalas at fresh tingnan? Red para fierce? Or black para mukhang may lamay? Nakapameywang pa ako habang isa-isang pinapasadahan ang mga damit na naka-hanger. “Yosh, ikaw ang bagay sa akin ngayon.” Neutral color over-sized sweater from LV and black tattered jeans. I’ll pair it na lang with my army boots para ready sa gyera kung sakali. “Miss Summer,” rinig kong pagtawag ni Isabela mula sa labas. Katatapos ko lang magbihis at mag-ayos at kalalabas ko rin lang galing walk-in closet. Hindi na ako naglagay ng kung ano sa mukha at basta ko na rin lang tinali ang buhok ko na pinatuyo ko pa gamit ang hair dryer. “Yes?” “Kakain na raw po kayo sabi ni Sir Sergio.” “I’ll be there in a minute.” Malalim akong napabuntonghininga habang isinusukbit ang sling bag ko. Hindi mawala-wala sa isip ko ang pagtatagpo namin ni Kiefer after two years. Alam ko naman na hindi malayong magkita kami sa university pero hindi ko naman inaasahan na sa iisang bahay lang kami magkakatagpo. Small world lang, ʼdi ba? Parang tanga naman si tadhana, eh. “Good morning, baby Kim!” Napaikot ang bilog ng mga mata ko dahil sa tawag sa akin ni Mommy. “Mom, I’m not a baby anymore,” yamot na usal ko bago humalik sa kaniyang pisngi ngunit tinawanan niya lang ako. “Good morning, Mom.” Sunod akong lumapit kay Daddy na tahimik na nagbabasa ng newspaper sa dulo ng hapag. “Good morning, Dad.” “Good morning, my princess.” Ilang beses na nga ulit ako napabuga ng hininga ngayong umaga? “Gosh, you two. When will you stop calling me baby? Hindi na ako bata, oh.” Isinenyas ko pa ang kabuuhan ko. “Mas matangkad na nga ako sa ʼyo, Mommy, eh.” Pareho silang natawa. “You are our only baby, Summer Kim,” malambing na usal nila habang may matamis na ngiti sa labi. Naupo na ako sa tabi ni Mommy na ngayon ay abala nang magsandok ng fried rice, maingat niya ʼyong inilagay sa plato ni Daddy habang si Daddy naman ay ngiting-ngiti sa kaniya. “Eat well, Honey,” malambing na sambit ng nanay ko at pinisil pa ang kamay ng tatay ko. “I will. Ikaw ang nagluto, eh.” Ugh. These two. Hindi talaga mawawala ang sweetness sa dalawang ʼto. Araw-araw ganito ang eksena, akala mo ay bagong kasal o kaya ay nagliligawan pa. Parang wala ang anak nila sa harap nila, ah. “Eat well, Summer Kim,” pagkausap ko sa sarili at tinapik pa ang dibdib ko. Hayy life. ABALA sa pag-uusap ang dalawa tungkol sa negosyo nila kaya nagkaroon ng pagkakataong lumipad kung saan-saan ang utak ko. I’m not into business, I mean, I know how it works but I prefer not to get involved. Gusto kong mag-focus sa pag-aaral. Kaya tuwing may pinag-uusapan silang seryoso ay tahimik ako, unless tawagin nila ako for my own opinion. “Amancio is having a problem with his competitor again, mukhang hindi na matapos-tapos ang alitan sa pagitan ng dalawang ʼyon,” rinig kong sabi ni Daddy na siyang pumukaw sa atensyon ko. Tito Amancio is Fely’s dad. May problema sa kanila? Natigil ako sa pagsubo ng bacon, hinihintay ang sunod nilang sasabihin. “With whom? The Monteamor?” Monteamor? Bakit parang pamilyar? “Yes. They said they’re bribing the head of San Lucas to give them the biggest stocks, which is already owned by Sarmiento. Ewan ko ba, masiyado ring matindi ang karakas ng mga Monteamor. Better not get involved with them.” Malalim at seryosong sambit ni Daddy. “Pero kapag kinakailangan, saka na ako mag-aabot sa kanila ng kamay.” “Sana ay maresolba na agad kung ano man ʼyan. Hindi talaga maiiwasan sa negosyo ang kakumpitensya, all they need to do is think of a better plan to solve it.” Magsasalita na sana ako para magtanong tungkol sa pinag-uusapan nila kaso biglang tumunog ang cellphone ko. Isang alanganing ngiti ang binigay ko sa kanila dahil naagaw ko ang kanilang atensyon nila. Dali-dali kong hinugot mula sa bag ang cellphone kong pamatay sa lakas ang ringtone at agad na nangunot ang noo ko nang makita ang caller id. Unknown number calling . . . The f*ck? Unknown na naman? Hindi ba’t na-block ko na ang numero ng pesteng ʼyon kanina? Siya na naman ba ʼto? “Who’s that, Summer Kim?” Wala sa sariling napindot ko ang reject button nang marinig ang malalim na tinig ni Daddy. Pilit akong ngumiti. “No one, Dad. Wrong number lang siguro.” D*mn you, Kiefer! Kung ikaw man ʼtong tawag nang tawag sa akin, makatapak ka sana ng tae!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD