SUMMER’S POV
WHY? The first question that slipped through my mind is, why? Of all people, bakit ang damuhong ʼto pa ang makikita ko? Bakit parang bumabaliktad ang mundo? Parang lumilipat sa akin ang kamalasan ni Fely, ah?
Nagsisisi tuloy ako na pumunta pa ako rito. I should have stayed at the campus or just went home. Hindi sana ako nakikipagplastikan sa mga tao ng nandito. Asar!
Parang sinilyaban ang utak ko nang mahuli ko ang pasimpleng ngisi sa labi ng lalaking iyon. Kumuyom ang kamao ko. Kulang na lang ay may lumabas na laser beam mula sa mga mata ko habang pinupukol ito ng masasamang tingin.
Buwisit! Mahina kong siniko si Hannie ngunit abala siya sa pakikipagkilala sa mga nandito. Muntik nang umikot ang mata ko papuntang outer space dahil sa sobrang kaalibadbaran na nararamdaman ko ngayon.
“Bakit ba kasi kayo nandito?” mahinang tanong ni Fely nang makaupo kami sa sofa. Marami-rami pang beer ang hindi nabubuksan at mukhang wala pa silang balak na tumigil sa pag-inom.
I am curious, bakit nandito ang mga ʼto? And why the hell is this woman staring at us? Fely, specifically. What the hell is her problem?
“Oh, inom,” udyok sa akin ni Fely sabay abot ng isang beer. Mabilis ko naman iyong kinuha at binuksan saka nilagok nang hindi inaalis ang paningin sa babaeng iyon. Yllona, right?
“Bruha ka, ha,” mahinang bulong ko sa sarili habang pinanliliitan iyon ng mata. Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng ito.
ILANG oras pa ang nagdaan at nararamdaman ko na ang masamang epekto ng alak. Naghalo-halo ang beer, vodka, at rhum sa tiyan at utak. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa housemate ni Fely at sa babaeng kanina pa kami sinasamaan ng tingin. And by the looks of it, she is in love with that man. And she really thinks that we are a threat to her undying love.
“What the hell is your problem?” hindi ko mapigilang itanong sa babaeng nagngangalang Yllona. Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Fely sa tagiliran ko pero hindi ko iyon pinansin. Malamang ay pipigilan na naman ako. “You’re such a pretender!” dagdag ko pa.
Napakaarte. Magpapakuha lang ng tubig sa lalaki iyon, kailangan pang magpa-cute. Baldado ka, gurl? Wala kang paa para maglakad papuntang kusina?
“What the hell are you talking about, b*tch?” galit niya ring tanong.
Matunog akong ngumisi. Marahan kong tinabig ang kamay ni Fely na pumipigil sa akin. Humalukipkip ako at nag-de-quatro pa na upo bago siya tinaasan ng kilay.
“Sino ang b*tch sa atin ngayon, huh? You cling like a d*mn snake. As if we’re going to steal your guy,” kutya ko habang binibigyan siya ng nang-uuyam na tingin.
Gaga ka. Ako pa papakitaan mo ng kaartehan. Aba, baka marunong ʼtong mag-flying kick?
Mabilis siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa housemate ni Fely, akmang tatayo na sana ito pero agad siyang pinigilan. “Stop it, Yllona.”
Binigyan ko siya ng nang-uuyam na ngisi kaya mas lalo siyang nainis. Wala akong pakialam sa kaniya, but my friend doesn’t deserve that treatment she’s giving her. Ano ang ginawa ng bestfriend ko para tingnan niya ng masama?
“But she started it!” angil naman nito.
“D*mn, catfight,” rinig kong bulong ng damuho na nasa kabilang upuan. Nagpanting ang tenga ko pero mas pinili kong huwag siyang patulan.
Isa pa at gigilitan ko na rin ʼto sa leeg. Bakit ba kasi kami pumunta rito? Pero good thing na rin siguro na nandito kami kaysa maiwan mag-isa si Fely kasama ang mga taong ʼto.
“Hoy, babae! Bakit ka ba nagagalit kay Yllona, ha?” pagsiko sa akin ni Fely.
“She keeps on giving you death glares, Fely. Kanina pa ʼyan, eh, panay lingon sa atin tapos iirap. Gago ba siya?”
Natahimik si Fely dahil sa sinabi ko. Isa rin ʼto. Iba ang kutob ko, eh. “Ano’ng mayro’n sa inyo ni Kio?”
Ayon, natameme siya. Halatang-halata na may tinatago. Hindi ko na siya inusisa pa dahil ramdam ko na hindi na siya mapakali. “Nevermind.”
“Summer, I think you’re drunk na,” biglang singit ni Hannie sabay ayos ng buhok ko na medyo nagulo na.
“Me? Drunk?” mahina akong natawa. “Oh, come on!”
Never akong nalasing . . . ng sobra. I always make sure na makakauwi pa ako ng buhay kapag umiinon ng alak. I drink, I party, but I never pass out.
“How about a game?”
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ang napakapamilyar na tinig ng ex kong anak ni satanas. At anong kalokohan na naman kaya ang naisip nito?
“What game?”
“Truth or dare.”
Mariin akong napapikit.
FEW minutes passed and now we’re playing the famous truth or dare game. Kung hindi lang sana nag-suggest ang hayop na ʼyon, naku, ewan ko na lang. Basta game na lang kung game.
Karamihan lang naman na tanong sa truth ay about sa lovelife at sa dare naman ay mga simpleng gawain. Kinda boring but still, wala akong magagawa. Ilang ikot pa ang ginawa at laking pasasalamat ko dahil hindi pa ako natuturo ng mahiwagang bote. Nasa harap ko pa naman siya.
“Oh, yeah!”
Bahagya akong nagulat nang bigla itong humiyaw sa tuwa at halos lumaylay ang balikat ko nang makitang sa akin nakaturo ang bote . . . at ang kabila nito ay nakaturo sa kaniya.
Meaning, siya ang magbibigay ng tanong o dare sa akin. Kung sinusuwerte ka nga naman, oh.
“Truth or dare?”
Saglit akong napaisip. Truth or dare? Kung truth ang pipiliin ko, baka bigla niyang ungkatin ang tungkol sa amin noon. Gosh! Huwag naman! Baka kung ano-ano ang itanong sa akin ng buwisit na ʼto, mukhang tinamaan pa naman ng alak.
Pero kung dare naman, baka kung anong kabulastugan naman ang ipagawa niya sa akin. What? I need to decide! Pero knowing him, hindi niya naman ako bibigyan ng dare na ikakahiya ko.
“Dare.”
Sumilay ang magandang ngiti sa kaniyang labi, ramdam ko ang pagbilis bigla ng t***k ng puso ko. Muli kong nakagat ang ibaba kong labi.
“I dare you to . . . give me your phone number.”
What? Iyon lang? Para akong binunutan ng tinik sa lalamunan. I can just give him a fake number or—
“Hep! Iyong number mo talaga, ha? Ico-confirm natin ʼyan dito ngayon din,” ngising usal nito.
Nagtagis ang aking ngipin. Walang kupas ang pang-uuyam nito. Alam na alam kung paano ako iinisin.
“Sure, assh*le,” angil ko habang gigil na ang cellphone niya mula sa kaniyang kamay. Yamot kong tinipa ang number ko na kulang na lang ay mabasag ang tempered glass no’n sa sobrang diin ng pagtipa ko.
Hindi mawala-wala sa mukha niya ang ngisi na lalong nakadagdag sa kabuwisitan. Tuwang-tuwa talaga siyang nagagalit ako, ʼno?
Wala pang ilang minuto ay narinig ko na ang alingawngaw ng ringtone ng cellphone ko na nakalagay sa bag ko. Hindi ko n asana kukunin pa iyon kaso hindi pa rin siya papigil.
“Aba, patingin. Malay natin na timing lang pala na may tumatawag din sa ʼyo na iba.”
Pinandilatan ko siya ng mata saka padabog na kinuha ang bag ko na nasa tabi ko lang. Halos ingudngod ko sa pagmumukha niya ang cellphone ko para ipakita ang caller na nakalagay sa screen. Unknown number at panigurado namang siya ʼyon.
“Nice, nice,” nakangiti at tumatangong usal niya.
“Happy?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Very very happy, Miss Summer.”
Little did I know that a simple truth or dare game would change my life forever. Dahil lang sa dare na iyon ay muling mabubuhay ang inis at tampon a nararamdaman ko sa ex-boyfriend ko na minsan ko nang minahal . . . at minsan na akong sinaktan.