SUMMER’S POV
ANG tanga ng kaibigan ko. Literal! Sinong tanga ang magpapaniwala sa lalaking hindi niya naman lubos na kilala? Gosh! He’s living with a guy dahil na-scam sila pareho ng pinsan no’n?
“Ang sarap mo kurutin sa singit, Felicidad Rushel,” gigil kong sambit habang naglalakad papunta sa building ng course ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa kaniya. This best friend of mine literally got herself into a big mess. Lagot siya kapag nalaman ʼto ni tito. Kasama niya kasi sa iisang bahay ang pinsan ng nagbenta sa kaniya ng house and lot. At ang sabi pa, hindi rin daw alam no’n na gano’n pala ang gagawin ng pinsan no’n. So ang ending, kailangan nilang mag-live in.
“Good morning, future failed attorney,” mataray na bati ng kaklase kong inggitera. Ang kapal ng make-up niya, in fairness. Lumi-level sa kakapalan ng mukha niya.
Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkuwan ay iniangat ko ang aking palad na tila ba binabasa ang kaniyang hinaharap.
“I can see your future,” nanliliit ang mata na sambit ko. “Ayy, wala pala. Dumilim bigla, eh.” I flipped my hair in front of her face before leaving her alone.
Panira ampucha. Nasira na nga ang araw ko dahil sa nangyari kay Fely tapos dadagdag pa siya? Baka puwedeng next week naman para masaya? Buwisit!
First week pa lang ng school year kaya maluwag pa ang schedule namin. Introduction lang ng lesson ang dini-discuss at mag-iiwan na lang sila ng module for reference ng future lessons. Pero ʼyong isang professor talaga malakas ang amats, nagbigay agad ng case analysis, eh, hindi niya pa naman itinuturo. Parang ang sarap maging kriminal bigla.
“Saan ka kakain mamaya?”
Napalingon ako sa kaklase kong si Hiro na nasa tabi ko lamang. Hindi ko na pinansin pa ang paalam ng professor naming na mabilis na naglakad palabas. Sinipat ko ang wrist watch ko. Malapit na mag-alas-dose. Hanggang 11:45 kasi ang last class naming.
“Baka sa cafeteria na lang. Kasama ko sina Hannie,” tipid kong sagot at sinukbit na ang bag ko. Hindi ko na siya pinansin pa at dire-diretsong naglakad palabas ng classroom.
I rarely interact with my blockmates. Iyong iba kasi sa kanila, masiyadong plastik. Iyong tipong kinakausap mo pa lang pero naaamoy mo na ang amoy ng sinusunog na plastik. Lahat kasi ng napasama sa block namin ay mula sa mga kilalang pamilya, well, not really kilala. Mga well-off family kumbaga, mga mayaman, may-kaya, gano’n.
Mayroon pa ngang iba na ginagamit ang pera para makapasa. The f*ck. See you in court na lang talaga sa future.
Hinugot ko mula sa bulsa ang cellphone ko para tawagan si Hannie. Tumigil muna ako sa tapat ng malaking bintana.
“Hello?” bungad nito sa kabilang linya.
“Where are you?” Ibinaling ko ang atensyon sa open field na natatanaw ko mula rito. May mga naglalaro ng soccer at iyong iba naman ay nagpapa-cute lang. Napangiwi ako nang maisip kung gaano katirik ang araw para magbilad sila roon. Gosh!
“Palabas pa lang ng room. You? Hindi pala pumasok si Fely.”
“Nasa hallway pa ng building pero palabas na rin. Sabay na tayo kumain. Bakit hindi pumasok ang babaeng ʼyon?”
Hindi ko alam kung bakit tila nag-zoom in ang paningin ko sa lalaking nakasuot ng light blue shirt at black pants. Kararating lang no’n at may kasama siyang isa pang lalaki. Pinaliit ko pa ang mata ko at inilapit ang mukha sa bintana dahil sobrang pamilyar sa akin ng taong iyon.
Ngunit agad akong nagsisi dahil nakaramdam akong ng panlalamig nang makilala siya.
Buhay pa pala ang hayop.
“Kita na lang tayo sa cafeteria, Summer. I’m on my way.”
Hindi ko na napansin pa ang sinabi ni Hannie at basta na lang iyon ibinaba.
Ewan. Nablangko yata ang utak ko dahil sa mukha ng buwisit na ʼyon. Alam ko naman na magkikita talaga kami ng gag*ng ʼyon dahil pareho lang ang pinapasukan namin pero malakas pa rin ang hatak ni Lord sa akin dahil ni minsan, hindi niya ako hinayaang makita ang pagmumukha ng lalaking iyon.
That stupid playboy na ngayon ay may akbay-akbay na namang chicks. Anak ka nga naman ng m******s.
“Matamaan ka sana ng bola.”
NASA tapat kami ng gate ng bagong bahay ni Fely. Matapos naming kumain kanina, napagpasyahan naming dumaan sa kanila para malaman kung ano’ng nangyari. Two days na palang absent ang gaga.
“Doorbell na.” Siniko ko pa si Hannie sa tagiliran.
Ang init kaya! Buti na lang at may maliit na puno rito sa tabi ng gate nila para may silungan pa rin kami kahit papaano.
Ilang ulit niyang pinindot ang doorbell hanggang sa narinig ko na ang kalampag ng gate mula sa loob. Maya-maya ay bumukas na iyon at iniluwa no’n ang housemate ng kaibigan naming.
Gags. Ang ganda talaga ng mata ng lalaking ʼto. Gray eyes. Ang ganda tusukin tapos itago sa jar para i-display sa living room.
“Hey,” malalim na bati nito at napakamot pa ng ulo.
“Si Fely?”
“She’s inside. Come in.” Inakay na kami nito papasok kaya sumunod na lamang kami. Parang bumigat bigla ang paghinga ko habang napapalapit ako sa malaking pinto ng bahay.
Siya na rin ang nagbukas no’n at pinauna na kaming maglakad. Tinanguan ko na lang siya nang madaanan ko saka dumiretso sa loob.
Ngunit laking gulat ko nang maabutan ang makalat na living room. Ang kalat! May mga natapon na chips, may mga lata ng beer na nasa sahig, at mga plastic wrapper ng pagkain na kung saan-saan nakalagay.
“What the hell is this mess?” kunot ang noo na tanong ko bago bumaling sa mga nakaupo sa sofa.
At muntik ko nang malunok ang dila ko nang magtama ang paningin namin ng lalaking nakasuot ng asul na damit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Tang*na.
Pati siya ay mukhang nagulat dahil bahagyang nagparte ang kaniyang labi. A-Ano ang ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?!
“Hi, beshy!” masiglang bati ni Hannie kay Fely.
Hindi ko magawang makapagsalita dahil hindi ko inaasahan ʼto. No way in hell. Huwag mong sabihin na lumipat na sa akin ang kamalasan ni Fely?
“Guys, these are Hannie and Summer,” rinig kong pagpapakilala sa amin nito sa dalawang lalaki at isang hindi pamilyar na babae na nakaupo habang matamang nakatitig sa amin.
“Ito naman si Maxim, Kiefer, Yllona.” Habang tinuturo ang mga iyon isa-isa.
D*mn. Kilala ko ang taong ʼyan, beshy. No need to introduce him to me because I know him enough para layuan ko ang lalaking iyan.
He’s a f*cking playboy. And unfortunately, he’s my ex.