SUMMER’S POV FEW DAYS to go at exam na namin kaya naman puspusan na kami sa pag-aaral at pagbabasa. Nag-focus na lang ako sa studies kaysa pagtuunan pa ng pansin ang taong minsan na akong niloko. Wala naman siyang maitutulong sa pagsagot ko sa exam, malaking distraction lang siya sa buhay ko. Although, mayroong part sa akin na gusto siyang kausapin kung ano ba talaga ang gusto niya. Feeling kabute kasi, eh. Pasulpot-sulpot kung saan at kung kailan niya gusto. Ginugulo niya na naman ang nananahimik kong buhay. “Isabela! Isabela!” pagtawag ko habang nagbo-blow dry ng buhok. Nagmamadali naman itong pumasok sa kuwarto. “Ano po iyon, Miss Summer?” “Puwede pa-blow dry ng buhok ko? I-organize ko lang ʼtong papers ko para hindi na masiyadong makalat mamaya,” pakiusap ko. Pinakita ko pa sa kan

