SUMMER'S POV I AM curious. Simula no’ng araw na hindi ako pinansin ni Kiefer ay hindi na ako mapakali. Napapaisip ako kung may nagawa ba akong kasalanan sa kaniya para iwasan niya ako ng gano'n-gano'n na lang. Dati naman ay nilalapitan niya pa ako. Kulang na lang ay yakapin pa ako para lang mapansin ko siya. What happened? D*mn, I am stressed! Namomroblema na nga ako sa exam namin dadagdag pa siya. G*go talaga siya kahit kailan. And I f*cking hate myself for feeling this way. And of course, I hate him for making me feel this way . . . again. Pakiramdam ko ay naulit na naman ang ginawa niya sa akin noon. Ewan, pakramdam ko ay may kulang sa araw ko. “Summer, Hiro, gusto niyo ba sumama sa party after exam?” Taas-kilay akong napalingon kay Suzette nang tanungin niya ako na para bang

