SUMMER’S POV Tila ako lumulutang sa ere at dinuduyan ako ng hangin dahil sa sobrang gaan ng nararamdaman ko. Ang sarap sa feeling. Wala sa sarili akong napangiti ngunit agad ring natigilan nang maramdaman ang mahihinang tapik sa pisngi ko. Ano ’yon? Sinubukan kong tabigin ’yon dahil sa pang-iistorbo sa akin. Ngunit ang mahihinang tapik ay napalitan ng malalambing na tinig. “Summer, gising . . . Summer.” Agad akong napadilat nang makilala kung sino ’yon. Para akong kakapusin sa hininga dahil sa gulat na nararamdaman. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Kiefer na matamang nakatitig sa akin. Napamaang ako. “B-Bakit?” Sumilay ang magandang ngiti sa kaniyang labi. “Nandito na tayo, mahal na prinsesa.” Kunot-noo akong sumilip sa labas at muntik nang lumuwa ang mga mata ko nang mapagta

