Prologue
Serene's POV
"Nagtake ka ba ng leave para bukas, Serene?"
Napalingon ako sa tanong ni Amber saka tumango. "Of course, girl! Dapat bongga tayo bukas!" I giggled.
Kumunot ang noo niya saka umiling. "Baka mag-half day lang ako bukas, sayang din." tugon niya at saka bumalik sa cubicle niya.
Tumaas ang kilay ko. "Whatever, girl."
I turned my gaze back to my computer and wore my specs, then continued the paperworks.
Bukas ay magkakaroon ng homecoming ball sa dati naming a school somewhere in our town. I live in the city but I think I am the most excited when I come home from where I was raised. Ilang taon ding walang ball kaya sinusulit ko na!
Si Amber ay kaklase ko noon sa paaralan na iyon at katrabaho ko na rin ngayon sa isang IT company, sa HR nga lang.
Kinahapunan ay agad akong nagligpit ng mga gamit ko saka tumayo, paalis na sana ng opisina nang bigla kaming tinawag ng manager, si Diane.
I rolled my eyes secretly.
"Take overtimes! Alam niyo namang hiring tayo ngayon, you should at least spare more time to finish reviewing their resumes!" masungit na sigaw ni Diane sa amin habang hawak na ang kanyang susi ng sasakyan, paalis na ng opisina.
Bakit hindi ikaw ang magtapos? Psh.
I smiled fakely. "Yes, Ma'am." pagod na sagot ko.
Amber made a face when she turned her back and returned to her seat. Narinig ko rin ang mahihinang singhapan ng iba pa naming kasama sa loob at saka nagsibalikan sa kani-kanilang mga pwesto.
"Serene," Ms. Diane called me.
Ngumiti ako nang pilit at hinarap siya. "Yes, Ma'am," pinilit kong hindi maging bastos.
"Please clean my table. Thanks." taas-kilay na utos niya saka umalis na sa opisina.
I looked at her table, and it looked like she intentionally messed with me.
"The f**k is her problem?" bulong ko sa sarili ko saka bumalik sa aking upuan.
Banas kong tinapos ang pagrereview ng mga resumes ng mga nag-apply sa kumpanya namin, halos mapunit ko ang mga papel.
"Ano ako katulong? The heck." I cursed her in my mind.
"Bitter pa rin ba yun dahil sa nangyari sa inyo?" tanong ni Amber.
I arched a brow at what she said. "Ano bang nangyari?" painosente kong tanong.
Humalakhak si Amber saka inikot ang mga mata. "Come on, she's still bitter because Zero chose you instead of her. Sabagay, sino nga naman siya, diba? You've known Zero for more than a decade. Eh siya, nakabanggaan niya lang sa club, halos mabaliw na siya, damay ka pa. Too pathetic." tumikhim si Amber.
Ngumisi lang ako saka hinayaan siyang sabihan ng kung ano-ano si Diane dahil totoo naman ang mga ito.
"Tsaka pinag-overtime tayo pero siya mismong manager, magsasaya? For sure, she's going to a club to find Zero again. Tanga lang niya kasi hindi niya alam na doktor yung jowa mo."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Amber, stop. Baka may makarinig sa atin." I whispered when I noticed that she was ranting so loudly.
She raised her eyebrows. "So? Kahit marinig pa niya." walang pakialam na sabi niya saka ko sinuot ang headset ko dahil hindi siya titigil hanggang mamaya.
I was about to choose music from my library when someone called me. My smile almost reached my eyes when I saw it's Zero.
"Hi, Babe!" bati ko, dahilan para mapatingin sa akin si Amber.
"Hey...I just got out of the OR." his voice was tired.
"Did you eat? Overtime ako, babe. Baka mamayang gabi na ako magbiyahe pauwi riyan. Mga 8 siguro." I giggled.
I heard his husky chuckle. "Not yet. Pinahirapan ka na naman ba nung Diane?" he asked.
Umirap ako. "Yes, she sucks. Panigurado ay hahanapin ka noon sa club kung saan kayo nagkabanggaan. She's also annoying me a lot." I lowered my voice.
"Hm...what can I do? Should I tell the company owner to fire her?" I can see Zero raising his eyebrow.
My eyes widened.
"Oh, no, no. It's fine. Bearable naman. You should eat, Z." I said.
"Mmm...okay. You should eat a lot too. Drive safely, okay? I'll see you tomorrow." sabi niya.
I giggled. "Yes, I love you."
"Mmm...I love you too."
I ended the call and continued my work. Zero made my mood good kaya mas ginanahan ako at nauna akong natapos kaysa sa iba na halos kalahati pa ang tatapusin.
Kahit yung kaninang labag sa kalooban ko na utos ni Diane, I did it. I cleaned her table and even sprayed it with disinfectant.
Para naman mabawasan katoxican mo.
I fixed my table after hers and took my Prada bag. "Oh, magbibiyahe ka na?" tanong ni Amber nang mapansin na inaayos ko ang buhok ko using my hands.
I shook my head. "Sa condo muna ako. I'll get a few things." sagot ko.
"Hmm, okay! See you on the ball, then? Tinatamad akong magmaneho." nagkibit-balikat siya.
I smiled. "Okay, then! See you tomorrow, girl!" I walked near to her and made beso.
Nagpaalam na ako sa iba pa naming kasama sa opisina at saka dumaretso na sa basement kung nasaan ang sasakyan ko.
I fixed my skirt as I entered my Range Rover and looked at myself from the rearview mirror for a second and turned the engine on.
Dumaan ako sa condo ko para kumuha ng kaunting gamit dahil hanggang Linggo ako naroon sa probinsya dahil nakakapagod naman kung agad akong babalik dito sa Taguig diba.
Nilagay ko sa trunk yung maliit na duffel bag na dala ko at maingat na nilagay doon yung box kung saan nakasilid yung isusuot kong long dress.
Nagpalit lang ako sa isang komportableng cropped top hoodie and sweatpants at saka kulay puting sapatos at saka lumarga na.
Inabot ako ng tatlong oras pauwi sa aming probinsiya dahil sa traffic. Nakauwi ako sa bahay nila Mama ng bandang alas-onse y media Ang hassle lang.
I took my phone and texted Zero. I'm sure he's asleep now, so I won't expect his reply right away. I'm sure he's very tired from his duty as a doctor.
To Zero :
Babe, I just got home. Please don't forget to eat your breakfast. Good night luv u. :)
Binagsak ko ang cellphone ko sa kama at saka nahiga na roon. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako, nagising na lamang ako dahil sa ingay ni Mama.
"Hoy, Serene! Gising na! Alas-onse na ng umaga!" hinampas ni Mama ang binti kong nakabalot pa ng kumot.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sinabi ni Mama at saka nanlalaking tiningnan ang orasan.
Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang makitang alas-nuwebe pa lamang ng umaga.
"Mama naman, eh!" para akong batang naagawan ng laruan dahil sa paraan ng pagkasabi ko.
Humalakhak siya saka yumakap sa akin. "Ilang linggo rin kitang hindi nakita, Serene! Nagluto na ako ng almusal mo, tara na sa baba." aya niya at lumabas na sa kwarto ko.
Napailing na lamang ako saka tinali ang aking buhok at tumayo na mula sa kama at tumungo sa banyo para maghilamos ng mukha.
Matapos iyon, kinuha ko ang cellphone ko para mag-social media. I received a reply from Zero from what I texted last night, saying that he has a duty till 2 in the afternoon and that he'd just fetch me from our house.
I replied, saying that he still should work properly and didn't bother his work anymore. He may be the owner of the hospital. He's more hands-on to the patients than any other doctor.
Pagkababa ko sa dining ay naroon ang aking mga magulang, nagkukwentuhan at mukhang tuwang-tuwa sa topic.
I raised my eyebrows. Hay, mas mukha pa silang magtropa kaysa mag-asawa. No wonder why I am an only child.
Minsan I hear them calling each other 'pare' or di kaya 'chong'. So millenial.
"Oy 'nak, kain na tayo." sabi ni Papa nang makita ako.
Nagmano muna ako sa kanilang pareho bago umupo sa upuan ko. "Hoy, siraulo. Huwag mong kainin yan, para kay Serene yan!" bawal ni Mama kay Papa nang akma nitong kuhanin yung sunny side up na itlog at pinapalo pa ni Mama yung kamay ni Papa.
Sumimangot si Papa at kinuha yung scrambled sa serving plate. "Okay, Carol." Papa mocked Mama with her name, which my Mama hated. Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa.
Mas bata pa kung mag-isip itong mga magulang ko. Hays.
"Anong oras pala yung ball sa school niyo noon, Serene?" tanong ni Papa habang kumakain kami.
Tumingin ako sa kanya at saka sumagot.
"Mga alas-siyete ng gabi siguro, Pa." sagot ko.
Tumango siya. "Makakadalo ba si Zero? Balita ko'y marami siyang pasyente dahil may naaksidenteng bus sa lugar natin." sabi ni Papa.
I looked at him and nodded. "Yes, Pa. Susunduin niya ako mamaya rito pagkatapos kong maayusan." tumango-tango siya sa aking sinabi.
Matapos kumain ay inayos ko na ang mga isusuot ko muna at nilatag iyon sa aking kama bago gumayak.
Tumagal ng halos isang oras ang pagligo ko at lumabas ako ay tanghalian na. Hindi na ako kumain dahil baka hindi na magkasya ang isusuot ko kung sakali!
Bandang alas-tres ng hapon dumating si Nicolas, yung hair and makeup artist na kinuha ni Mama para sa akin.
"Oh my! Mas maganda ka pa sa akin, Nicolas!" nagbeso kami nang makita ang isa't isa.
"Mas maganda ka, gaga!" pabiro kong hinila ang kanyang mahabang buhok.
Nagtawanan kaming dalawa saka niya ako sinimulang ayusan.
Natapos kami bandang alas-sais na dahil sa mahaba kong buhok at nag-iisa lang din siya ngayon, wala yung assistant niya.
Nicolas helped me wear my spaghetti-strap sparky red long dress. Pero kung may mademonyo man akong mag-club sa mga kaibigan ko noong high school mamayang gabi, natatanggal naman ang ibabang parte nito at nagiging short dress.
Kung di pa ako tinawag ni Mama na nasa labas na raw si Zero ay hindi pa ako lalabas dahil gandang-ganda ako sa suot ko.
Shet, parang prom, star of the night ka, girl.
Zero was a dazzlingly gorgeous man in his gray suit and his pushed-back hair. May kulay pulang bulaklak sa kaliwang parte ng kanyang dibdib na tumugma sa kulay ng suot ko. May dala-dala siyang bouquet of roses sa kanang kamay niya.
His eyes were pierced on mine when he saw me. I smiled at him. His left arm snaked on my waist when I reached him. He leaned for a soft kiss.
I took the bouquet from his arm.
"You look stunning, Babe," he whispered to my ear, and cut the stem of a rose from the bouquet and put it on my left ear.
I chuckled. "Kumusta ka naman, diba?" I said.
We heard Papa's voice inside the gate. "Enjoy! Mag-ingat!" nang-aasar na sabi nito.
Napairap ako habang si Zero ay humalakhak. "I'm ready, Tito. Thank you for informing." pabirong sagot ni Zero.
"Gago," bulong ko sa kanya.
Humalakhak lamang siya saka binuksan na ang pintuan ng kanyang Q7. Sumakay ako saka tiningnan ang likod ng kanyang sasakyan.
I sighed when I saw a few boxes and mess at the back. "Oh, sorry, Babe. They are supplies for the hospital. May medical mission kami sa rural areas bukas, eh." napakamot si Zero pagkapasok niya ng sasakyan.
We were stuck in traffic just for a few minutes but arrived just a few minutes before the event started.
Inalalayan ako ni Zero pababa ng sasakyan at sabay kaming naglakad papunta sa loob. Mabuti nalang at kaunti pa lang ang nandoon pagkarating namin.
As usual, wala pa si Amber pagkadating namin doon. Tanging nasa lamesa kung saan kami naassign ay si Michael, Megan, at saka si Trixie.
Humalik si labi ko si Zero nang makarating kami sa aming lamesa. "I'll just smoke, Babe." mahinang paalam niya sa aking tainga at humalik pa sa aking pisngi bago umalis.
I turned my gaze at my high school friends. They gave me a teasing look. "Wow, tagal niyo na ni Zero, ah! Almost 12 years na kayo! Anong sikreto?" malokong tanong ni Trixie sa akin.
Humalakhak ako. "Contentment." maikli kong sagot.
Liningon ko si Meg. "Aattend ba si Aerin? Oh gosh, I miss her kasungitan!" I asked.
"Siguro? Matagal na akong walang komunikasyon sa kanya. Huling balita ko yata ay nung namatay si...Aeron." nalungkot ang boses niya.
Maging ako ay nalungkot nang banggitin niya ang pangalan ni Aeron. He was my ex-suitor pero I didn't take it seriously naman kasi bata pa lang naman kami noon at hindi pa mulat.
He was a funny and playful man. Sayang lang ay hindi siya makakadalo dahil kinuha na siya ng itaas.
"Ikaw, Trix? Michael?" tanong ko sa dalawa pa.
Umiling sila pareho. "Wala, eh. Alam mo namang hindi mahilig sa social media si Aerin." sagot ni Trixie.
"Pero si Aeron, may social media. Malay mo active pa rin siya kahit nasa langit na?" biro ni Michael sa amin kaya napangiwi kaming lahat sa kanya.
"Gago, pag ikaw minulto." I said.
Ilang sandali pa ay may tumatakbo papunta sa amin habang hawak hawak ang suot na dress. "Sorry, pero di pa ako late!" nakipag-apir si Amber sa amin.
"Wala pa si Aerin?" tanong ni Amber.
"Obvious ba?" pabalang naman na sagot ni Michael.
Pfft.
Habang patagal nang patagal, parami ng parami ang mga nagsisidatingan sa loob ng venue.
Iba-ibang batch ang nandirito, basta 10 year batches.
I roamed my eyes around to find Zero, but my eyes were darted in the middle when I saw Aerin walking slowly with a man, looking like she'd been finding us.
Sabay-sabay namin siyang nakita, ngunit sabay-sabay din kaming mga napamura nang malakas.
"Tangina." mura ni Amber.
"Puta?" nagugulat na sabi nina Megan at Trixie.
"Putangina." mahinang mura ni Michael.
Nanlalaki ang mata kong pinakatingnan ang gitna kung tama ba ang nakikita namin.
"Tangina niyo, mga dude. Minumulto tayo!" sabi ni Michael nang mapagtantong si Aeron nga iyon!
Napatakip ng mga mata ang tatlo kong kasamang babae dahil sa nakita.
"Tangina, minumulto yata ako ni Aeron dahil hindi ko siya sinagot noon! Birthday pa naman nila ni Aerin ngayon!" I said when I remembered it was the twins' birthday.
Mas lalo pa kaming nagitla nang tumingin sa amin ang multo ni Aeron! He was directly looking at me!
Oh, for Pete's sake! I can die na!
Is he real? Or he's not? Oh my gosh!
He walked through our path with his smirk. Gosh! Nakakapangilabot!
In just one blink, he was in front of me. I was stunned and I couldn't even blink. Minumulto ako!
"Long time no see, Serene." he greeted and offered a shake hand.