Umiiyak na nakayakap si Avria sa kanyang ina habang patuloy na nagpapaliwanag. Nasa may swimming pool naman si Jones, kausap ang kanyang mga kapatid, ama at lolo. Napatingin siya sa gawi ng mga ito, at sa hindi sinasadyang nagkakataon nakatingin din pala si Jones sa kanya. Ningitian niya ito nang tipid, at ang huli naman ay pasimpleng tumango sa kanya na para bang sinasabing nito na magiging maayos din ang lahat. Kaya kanina, kahit ang lahat ng mga pinagsasasabi ni Jones ay pawang hindi totoo ang mga Jones ay sinakyan niya na lang. At kahit na nais niya mang umalma ay hindi niya ginawa. Ayaw niyang ipahiya si Jones, at basta-basta na lang pabulaanan ang mga sinabi nito. Tiyak na ito naman ang kakagalitan ng kanyang pamilya, at ayaw niyang mangyari iyon sa pobreng lalaki na walang g

