Isang oras bago sila tumungo sa bahay ng mga Araneta ay kinausap muna ng kanyang mga kapatid si Jones. At nang marinig niya ang nais iparating ng mga ito sa kanya ay halos humapdi ang kanyang puso. Papano parang tanging si Beatriz lamang ang sumasang-ayon sa plano niyang pagpapakasal kay Avria. At ang dalawang kapatid niya ay kumukuntra. "Bakit parang tutol kayo na pakasalan ko si Avria? Akala ko ba gusto ninyo siya sa akin? Bakit baliktad ang nakikita ko?" "Hindi ka niya mahal, Kuya," sagot ni Christian, ang kanyang kapatid sa ina. Tiningnan niya ito nang matagal. Hindi siya makapagsalita na ito pa talaga ang may lakas ng loob na magsabi sa kanya samantalang pinakasalan nito si Claire kahit hindi nito mahal.. "Sa lahat pa talaga ng tao, ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan. H

