After two months... Halos inis na bumangon si Vince, at naligo. Kailangan niyang tumungo sa planta nila sa Toledo para kausapin ang mga trabahador doon. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya, at nagsuot ng puting T-shirt, at faded jeans na lalong nagpakisig sa kanya. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay, at agad na sumakay sa kanyang kotse. Habang nagmamaneho siya ay bigla siyang napatingin sa kanyang palasingsingan. Banas na pinagmasdan niya ang singsing na nakasuot doon, at sa hindi alam na kadahilanan ay parang gusto niyang magsisi. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya kundi ang tanggapin ang lahat kahit hindi siya masaya. Isa pa, tapos na, nangyari na. Kasal na sila ni Candy, at mag-dadalawang buwan na silla bilang mag-asawa. Kung hindi lang siya pinabalik ng kanyang lo

