Nasa loob sila ng ICU Room, at pinagmamasdan si Kuya Adam niya. Malawak ang ICU Room, at may nakalagay na isang L-shaped na sofa, at isang silya malapit sa bed ng pasyente. Kasama niya ang kanyang ina. Kung sa ibang hospital ay paisa-isa lang ang bisita na dapat na nasa ICU Room dahil sa higpit ng patakaran nila. Ngunit kalahati ng hospital ay pagmamay-aari ng kanilang pamilya kaya kahit ilan pa sila sa loob ay hindi sila sinisita. Maluwag naman ang kwarto ngunit halos hindi makahinga si Avria sa samo't saring emosyon na kanyang nararamdaman habang tinitingnan ang kanyang Kuya Adam na nakaratay sa hospital bed. Napapaiyak siya habang tinitingnan ang kanyang kapatid na kung may ano-anong aparato na nakakabit sa katawan nito maliban sa dextrose at oxygen. Nais niyang humagulhol ngunit

