Nakaupo silang mag-anak sa isang maliit na hapag kainan sa loob ng kanilang pribadong eroplano at nagkwe-kwetuhan nang bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Hindi niya ito pinahalata sa mga magulang dahil ayaw niyang sunod-sunod na tanungin naman siya ng kanyang ina. Hindi pa siya handa na sabihin ang kanyang kalagayan. Baka mas maging magulo pa ang lahat. Nang lumabas na si Rosita, isa sa mga kanilang private stewardess ay dagli siyang naalarma. Alam niya na kasi kung ano ang ihahain nitong pagkain sa kanila. Natitiyak niyang kung hindi tapsilog ay porksilog. Ito ang mga paborito niyang pagkain. Mahilig siya kasi sa bawang pero nitong nakaraang araw ay nasusuka siya kapag naaamoy ito. Kaya nga niya nalaman na may kakaiba sa kanyang katawan. "Ma, pwede bang sandwich na lang ang kain

