Halos hindi mapatawad ni Vince ang kanyang saliri habang pinagmamasdan ang babaeng minamahal niya. Nakahiga ito sa kama at mahimbing na natutulog. Napapikit siya at napaluha. Hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ni Avria kapag nalaman nitong kasama nitong nalaglag sa hagdanan ang kanilang anak. Oo, ayon sa doktor ng dalaga ay nakunan si Avria. At alam niyang kapag nalaman iyon ng dalaga ay baka kagalitan siya nito, at kasuklaman. Kahit na patuloy ginigiit ni Candy na maaring hindi niya anak ang dinadala ni Avria, batid niya sa kaibuturan ng kanyang puso na kanya ang pinagbubuntis ni Avria. Alam niyang sinasabi lang ito ni Candy para guluhin ang kanyang isipan dahil nais nitong pag-isipan niya ang masama si Avria. Subalit tanto niyang isang mabuting babae si Avria. Hindi ito pak

