She was doing her rounds when Finn, her eldest brother, made a call. At dahil alam niya na masyado itong praning pagdating kay Avria, mabilis niyang sinagot ang tawag. At hindi siya nagkakamali. Natataranta nga ito. "Ano'ng nangyari? Kamusta siya? May sumasakit ba sa kanya? May sugat ba siya? Sinaktan ba siya ng lalaking iyon? Tell me, Beatriz!" walang pasakalyeng tanong agad ng kanyang kapatid sa kanya na hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon na magsalita. Bakas ang labis na pag-aalala sa boses ng kapatid. She heaved a deep sigh as she listens to him. "Kuya pwede ba huminahon ka," awat niyang sabi sa kay Kuya Finn niya. "How could I not worry?! Si Odette ang pinag-uusapan natin dito!" "Look, Kuya, she's out of danger. Nagpapahinga na nga siya. Kaya huwag ka ng masyadong

