Kinabukasan ay nagising ako sa sofa dahil sa sigaw ni Alex mula sa kusnia. Nang tingnan ko siya ay nakatayo siya banda sa may pinto papasok sa kusina kaya lumapit ako sa kanya para tingnan sana kung bakit siya sumisigaw. “Alex ano bang–” pero napatigil ako ng makita ko si Marco na naghahanda ng mesa. May hawak itong plato na may laman ng sausage at itlog. Wala rin itong pantaas at ang tanging suot lang nito ay ang pulang apron ko. Napalunok pa ako ng makita ko ang mga muscle ni Marco at ang dibdib niya na pinagpapawisan. Ang natatandaan ko lang kagabi ay nakatulog ako habang nasa ibabaw niya. Ang kasunod dun ay hindi ko na alam kung ano pa ang mga nangyari. “Hi, baby good morning." Lumapit sa akin si Marco at hinubad ang suot niyang apron. “M-marco ano ang ginagawa mo dito?" Nauutal na

