Habol ang hininga namin pereho ng bitawan ni Marco ang labi ko. Nakatitig lang ako sa mapupulang labi niya habang hinahabol ko ang aking hininga at ganun din naman siya. “Marga–” hinihingal na saad niya. " Please baby, bigyan mo ako ng pagkakataon na iparamdam ko ang pagmamahal ko sayo. At pangako hindi ako tu-tulad sa ex mo dahil mamahalin at aalagaan kita.” Madamdamin na saad niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at hindi nagsalita. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya dahil hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Oo nga at nakakaramdam ako ng pagnanasa sa kanya at tumutugon sa halik niya, pero hindi naman ibig sabihin nun na mahal ko siya. Crush ko siya nung bata pa ako oo, pero nagbago ang lahat ng yun ng makita ko siyang may iba’t ibang kasam

