“Let's eat.” nakangiti kong sabi kay Marco ng matapos ko ng lutuin ang nilukuto kong bulalo. Isa ito sa paboritong pagkain ni Marco kaya naman ito ang naisip kong lutuin. Nag bake na rin ako ng cookies kanina habang naliligo siya at nilagay ko doon ang surprisa ko sa kanya. “Hmm ang bango." Aniya na inamoy ang leeg ko at hindi ang ulam. “Hmm, mabango ba talaga?” Ani ko at humarap sa kanya saka yumakap sa leeg niya. " Yes, ang bango bango at pwede ko ng papakin ngayon para mabusog na ako.” Natawa ako sa kanya ng panggigilan niya ang leeg ko. " Mamaya na yan babe, kain na muna tayo. Para naman busog tayo no, bago sumabak sa bakbakan na balak mo.” Natatawa na saad ko sa kanya. " Hmm, sige na nga pero kung pwede lang kainin na kita ngayon. Pero syempre mas gusto ko na angkinin ka ng busog

