“Hi, si Marco?” Tanong ko sa secretary ni Marco. Nandito ako ngayon sa kumpanya nila ng daddy niya. Gusto ko siyang makausap kung totoo nga ba ang sinabi sa akin ni Xander. Kilala naman na ako ng secretary niya dahil ilang beses na rin akong pumunta dito kapag nag order si Marco ng paborito niyang cake, ako kasi ang naghahatid nun dito. Pero sempre yun lang din ang ginagawang dahilan ni Marco para makita ako at gusto niya akong makasama. Ilang beses na rin kasi may nangyari sa amin dito sa opisina niya. “Kayo po pala ma'am Margaret. Nasa loob po si sir Marco, pasok na lang po kayo sa loob ma'am.” Nakangiti niyang bati sa akin. Tumango naman ako at pumasok sa loob ng opisina ni Marco. Kumatok muna ako ng tatlong beses. “Pasok.” Narinig kong sabi ni Marco sa loob ng opisina kaya binuksan k

