“Ma'am may bisita po kayo." Saad sa akin ng guard ng condo. Kunot ang noo na sinundan ko ang tingin niya at ganun na lang ang kabog ng dibdib ko ng makita ko ang taong matagal kong hinintay. Pero bakit ganun? Bakit kung kailan naging maayos na ang takbo ng buhay ko at relasyon ko kay Marco ay saka naman niya nagpakita. “X-xander…” tawag ko sa kanya. Agad naman itong lumapit at yumakap sa akin. “Marga… babe..” aniya na mahigpit akong niyakap. Nagulat naman ako sa ginawa niya at nanatili nakatayo habang yakap niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa muli niyang pagpapakita sa akin. Pero wala na ang dating pananabik kong makita siya. “I miss you babe, and I'm so sorry kung ngayon lang ako nagpakita." Aniya ng ilayo niya ang katawan niya sa akin. Hindi naman ako nakahuma at nakat

