** ALLYSANA’S POV ** Kung napapansin mong may nagbabago sa relasyon niyo, hindi pwedeng wala kang gawin para sa pamilya niyo. Hinaplos ko ang buhok ng aking anak habang hinihintay na umuwi si Bullet. Tinext ko siya at sinabi ko sa kanyang hihintayin ko siya kahit anong oras pa siya dumating. Tiningnan ko ang orasan at mag aalas tres na nang madaling araw. Hindi ako makapaniwalang natiis niyang paghintayin ako. Gaano ba ka importante ang taong pinuntahan niya sa hospital para paghintayin ako ngayon? Ayokong magalit dahil ayokong mag mukhang bungangerang asawa. Ayokong isawalang bahala ang ginagawa ng asawa ko dahil ayokong tuluyan ng masira ang pamilya namin. Marami akong gustong gawin pero pinipigilan ko para sa pamilya ko. Ngayon hindi na lang basta kami ni Bullet, may Jiro rin ka

