CHAPTER 35 I woke up early in the morning na wala na si Bullet sa tabi ko. Hinanap ko siya sa loob ng kwarto pero wala na siya. Maaga yata siyang pumasok sa opisina ngayon. Bumangon ako para tingnan si Jiro na mahimbing na natutulog sa kabilang kama katabi nang kama namin ni Bullet. Hinaplos ko ang kanyang buhok saka ngumiti at bumaba para maghanda ng makakain. “Rjay,” tawag ko sa tauhan namin. Agad naman lumabas si Rjay sa may kusina, “Anong oras umalis si Bullet?” tanong ko. “Maaga po siyang umalis, Ma’am. Mga 5:00AM po kung hindi ako nagkakamali. Bakit po, Ma’am? May nakalimutan po ba siyang dalhin?” umiling ako. Bakit ang aga naman yata masyado ni Bullet pumasok sa opisina ngayon? Siguro nga at masyadong busy siya ngayon sa kompanya. Gusto ko sana siyang kamustahin sa opis

