CHAPTER 9

1582 Words
CHAPTER 9 “Sabihin mo,” nilingon ko si Mrs. Collins. “Ilang buwan ka nang nananatili sa lugar na ‘to?” ininum niya ang kape niya. Andito kami ngayon sa garden ng mga Collins at prenteng nakaupo habang ang mga body guard ay nakapalibot sa amin. Tumukhim ako. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang ina ni Allysana. Minsan ko na silang makita sa magazine at sa tv pero ni minsan hindi ko pa sila nakikita sa personal. “Pitong buwan, tita.” Mapait siyang tumawa. “Pitong buwan?” hindi makapaniwalang tanong niya kaya napayuko ako, “Pitong buwan at kahit anino mo hindi ko man lang nakita sa lugar na ‘to. Ngayon pa? At anong ginagawa mo sa east villa? ‘Wag mong sabihing hinuhut-hutan mo na naman ang anak ko?!” inangat ko ang paningin ko sa kanya. “Nung nalaman kong nababaliw na ang anak ko sa isang lalaki ay agad kitang pinaimbistigahan,” tumawa si Mrs. Collins, “No family background, scholar student at mag isang binubuhay ang sarili. Wala ka ring permaninteng address dahil sa mga barkada ka lang natutulog. Ngayon napapaisip ako kung anong nagustohan ng anak ko sa isang katulad mo.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla akong na conscious sa suot ko. I’m wearing a white tshirt and khaki short habang siya ay napaka formal ng suot kahit nasa bahay lang. Makikita mo sa itsura niya ang pagka elegante at pagiging mayaman. ‘Siya ang ina ni Allysana for heavens sake!’ Hindi basta-bastang babae ang nakadate ko. Alam kong sa simula palang mayaman na siya pero hanggang ngayon mahirap pa rin e digest sa utak ko kung gaano sila kayaman. Napailing na lang ako. Hindi ko na matandaan kung paano ko nakuha ang loob ng anak niya basta isang araw girlfriend ko na siya. Ngayon nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili. “Dinala ko si Allysana sa ibang bansa nung malaman kong nagpapakabaliw siya sayo,” napakunot ang noo ko. Kung ganun hindi niya ginustong pumunta sa ibang bansa para iwan ako? ‘Ano naman ngayon, Bullet? Sinaktan mo siya!’ nakailing ako, “Pero anong ginawa niyo ngayon? Tinira ka pa niya sa pamamahay ko!” “Sapilitan niya po akong kinulong, tita.” Sinulyapan ako ni Mang Edgar bago muling yumuko. “Sapilitan??” tumawa siya, “Sinasabi mo bang napipilitan ka pa ngayong sa mga yamang binibigay ng anak ko sayo?! Baka ikaw pa ang namilit sa kanya na patirahin ka rito? Kilala ko ang mga tulad mo. Gusto niyong kumapit sa mga mayayaman, walang bago run. Tapos ngayon sasabihin mong sapilitan?!” hindi ako sumagot kaya sumeryoso siya. “Edgar, totoo ba ang sinasabi ng binatang ‘to?” galit at seryosong tanong nito kay mang Edgar. Sinulyapan ko si mang Edgar na tila hindi alam kung anong isasagot niya. “Totoo ba?!” “Opo, Mrs. Collins,” napapikit ng madiin ang ginang sa harapan ko. “Dinala po siya ni Miss Collins sa east villa pitong buwan ang nakakaraan.” “At hindi niyo man lang sinabi sa ‘kin?” hindi makapaniwalang tanong nito kay mang Edgar. “Tawagan mo ngayon din si Allysana!” galit na utos nito at hinarap ako. Seryoso ang mukha niya at tila nag iisip. Agad namang tinawagan ni Mang Edgar sa cellphone niya si Allysana. “Gusto ko ng makalaya –“ tumawa siya sa sinabi ko. “Para ipagkalat ang ginawa ng anak ko? Walang maniniwala sayo, Santiago.” Diin nito, “Kilala ka bilang isang manggagamit. Walang maniniwala sa ‘yo kung magsasampa ka man nang kaso.” Hindi ako sumagot. Wala naman akong planong magsampa nang kaso. Kahit ako ayokong masira si Allysana dahil kahit papaano tumatanaw pa rin ako ng utang na loob sa mga nagawa niya noon sa ‘kin. Naiintindihan ko kung nagagalit siya kaya niya ginawa ang mga bagay na ‘to. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito ang nasa isip ng kaniyang ina? Hindi ba dapat mas kabahan siya sa pinaggagawa ng anak niya. Hindi normal para sa isang magna cumlaude ang umakto ng ganito sa kaniyang dating boyfriend. Hindi ba nila pwedeng kausapin ng mas masinsinan ang anak niya? Hindi niya man lang ba aalamin ang problemang dinadala ng anak niya? Napangisi na lang ako. Totoo ngang walang pakialam sa nararamdaman niya ang kaniyang mga magulang. Tulad ko, parehas lang din kami ni Allysana.Wala kaming pinagkaiba. “Wala akong planong magsumbong.” Sagot ko at tiningnan siya, “Matanong ko lang Mrs. Collins, kahit kailan ba wala kang napansin sa anak mo?” nagulat siya sa tanong ko. “Sinasabi mo bang baliw ang anak ko?! Walang hiya ka!” gigil na sagot niya at tumayo. “Hindi baliw ang anak ko. ‘Yan ba ang ipagkakalat mo sa iba? Walang maniniwala sayo!” “Bakit ‘yan ang paulit-ulit mong sinasabi gayong alam naman na ‘tin na hindi baliw ang anak niyo,” seryosong sagot ko, “Kailangan niya ng atensyon niyo at nanglilimos siya ng atensyon sa ibang tao.” simpleng sagot ko at tumayo. “Kung gusto niyong umayos ang anak niyo, kausapin niyo siya ng maayos.” Tumalikod ako pero sakto namang nagtama ang paningin namin ni Allysana. “Ally,” tawag ko sa kanya pero tiningnan niya ang kaniyang ina. “Anong ginawa mo sa kanya?” tanong niya kaya tiningnan ko si tita sa likod ko. Umiwas naman agad siya ng tingin, “Anong sinabi mo sa kanya?!” tumawa naman si Mrs. Collins sa tanong ng anak niya. “Bakit ako ang tatanongin mo kung ikaw naman ang nagdala ng lalaking ‘yan sa pamamahay ko?!” di makapaniwalang tanong nito. “Cut the nonsense mom. Alam kong alam mo ang pinagagawa ko.” Lumapit siya sa pwesto ko at tiningnan ako, “Alam ni mom na andito ka pero ngayon nagpapanggap siya na parang walang alam.” Napakunot ang noo ko. “Hindi ko alam –“ “Alam mo mom pero denial ka,” diin ni Allysana at lumapit sa kabilang upuan. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa mag ina. “Wala akong alam –“ “Paano mo hindi malalaman kung bawat galaw ko inaalam niyo?!” sagot ni Allysana. “Kaya nga tinulungan mo kong itago ‘to kay dad dahil alam mong magagalit si dad pag nalaman niya ang pinagagawa ko. Hinayaan niyo ako tapos sasabihin niyong nababaliw ako?” tumawa si Allysana, “Kayo lang yata ang magulang ang nag iisp na baliw ang kanilang anak.” “Anong pinagsasabi mo Allysana?” galit na sigaw ni Mrs. Collins, namumula na sag alit ang kanyang mukha pero pinilit niya paring pakalmahin ang sarili niya. “Oo, may hinala na ako pero pinilit kong magbulag bulagan dahil baka isang araw magising ka na tapos ka nang makipaglaro sa lalaking ‘yan!” napailing ako. “Kahit kailan mom, hindi niyo ako maiintindihan.” Mahinang sabi ni Allysana. “Hindi pa ba pagiintindi ang ginagawa ko ngayon Allysana?! Hinayaan kita.” “Pero bakit ngayon nakikialam ka na sa ginagawa ko!?” galit na tanong ni Allysana, “Bakit gumawa ka pa ng eksena na kunwari nahuli mo si Bullet rito? Para saan? Para kunwari inosente ka sa pinagagawa ng anak mo?! Kung magsusumbong siya hahayaan ko siya. Bigyan niyo lang ako ng isang buwan. Kahit isang buwan lang.” tuloy niya. Bigla akong nakaramdam ng awa para kay Allysana. Gusto niya lang akong manatili sa tabi niya kahit pa mapahamak siya. Parang may kung anong kumiliti sa loob ko dahil sa mga ginagawa at pinagsasabi niya sa kin. “Kailangan na ‘tong malaman ng ama mo, Ally. Hindi mo pwedeng itago habang buhay ang lalaking ‘yan rito. Hinahanap siya ng mga kaibigan niya at may nakakitang kayo ang huling magkasama.” Sumeryoso ang mukha ni Mrs. Collins, “Dalawa lang ‘yan, palalayain natin siya at hindi siya magsasalita o,” tiningninan niya ako, “Patatahimikin na na tin siya.” “Mom!” pigil ni Allysana, “Alam niyo pa ba ang pinagsasabi niyo? Lalaking mahal ko ang pinag-uusapan rito. Hindi siya magsasalita –“ “Hindi ka niya mahal so paano ka makakasiguro?” natahimik si Allysana. Tiningnan ko ang mag ina na pinag-uusaan ang buhay ko. Napailing na lang ako. Pareho yata silang may sayad. “Hindi po ako magsusumbong tita.” Panimula ko, “Hindi ako magsasalita sa pagkawala ko at bibigyan ko pa si Ally na makasama ako ng isang buwan,” tumawa si Mrs. Collins na tila parang nababaliw. “Dahil sa lalaking ‘yan, nagmumukha ka ng kawawa Allysana. Ngayon palang iniisip ko na kung anak nga ba kita?!” tumayo siya. “Siguraduhin mo lang na hindi maaapektohan ang kompanya at ang pamilya natin sa pinaggagawa mo.” Saka niya tuluyang nilisan ang lugar kasama ang mga body guard niya. Nanatili sa di kalayuan si Mang Edgar at nakatingin lang kay Allysana. Lumapit ako sa kanya at umupo paharap sa kanya. “Okay ka lang?” tanong ko at hinawakan ang kamay niya. “’Wag mo ng pansinin ang sinabi nang mom mo. Ang importante nagkasundo na tayo.” I smiled pero tumitig lang siya sa mukha ko. “Hindi ka ba galit sa ‘kin?” tanong niya. “Pagkatapos ng ginawa ko sa ‘yo ako pa rin ang kinampihan mo.” Bakit ko nga ba siya pinagtanggol sa ina niya? Ang totoo niyan kahit naman kinulong ako ni Allysana sa lugar na ‘to, hindi niya naman ako pinahirapan, hindi niya ako sinaktan o inabuso. Kung may ginawa man siya, itanggi ko man, alam ko sa sarili kong nagustohan ko rin ang ginawa na min. May pinagsamahan naman kami at kahit papano, I care about her. “Hindi naman kung sino ang kinampihan ko.” Nilikot ko ang kamay niya, “I just understand how you feel.” I smiled, “Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo at hindi naman ako ganun kasama para talikuran ka dahil lang sa nagkamali ka.” Tumitig siya sa mukha ko pero ngumiti lang ako. ‘Sometimes it’s easy not to explain yourself to anyone for them to understand you. Kahit anong pilit mo, kung ayaw kang initindihin ng isang tao, hinding hindi ka talaga nila maiintindihan.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD