CHAPTER 8
After that day, nanatili na muna ako sa tahimik na silid na 'to. Wala namang bago dahil mula nang makulong akos sa lugar na 'to ay talagang sobrang tahimik ng mundo ko. Ilang sandali pa ay pumasok si Mang Edgar na may dalang pagkain. Sumunod naman agad ang kasama niya na may dalang gitara at isang song book. Napakunot ang noo ko sa kanila.
"Pinabibigay mo ni Miss Collins, young master." hanggang ngayon naninibago parin ako sa tawag sakin ni Edgar.
"Nasaan ba siya, mang Edgar?" tanong ko at inabot ang gitara at ang song book na may mga cords nito. "Bakit pinadalhan niya ako nito?" sabay strum ng gitara.
Ngumiti lang si Mang Edgar bago iniwan ang pagkain sa may lamesa. Hindi muna ako kumain at nag simulang mag strum sa gitara. Ilang buwan na akong hindi nakakahawak ng gitara at pakiramdam ko ay nawala na ang talento ko rito.
'Take me as you are
Push me off the road
The sadness
I need this time to be with you
I'm freezing in the sun
I'm burning in the rain
The silence
I'm screaming
Calling out your name'
Naalala ko ang mga panahong kasama ko si Allysana sa condo niya. Oo, madalas kaming magkasama at madalas akong matulog sa unit niya pero I never focus my self into one relationship. May mga nakarelasyon akong iba at alam kong nakakaramdam si Allysana. Ngunit kahit ganun hindi siya nangamba dahil alam niyang sa kanya at sa kanya ang bagsak ko.
Nasanay ako sa ganung set up. Hinayaan niya ako dahil ang sabi niya mahal niya ako. Totoong espesyal si Allysana sakin pero hindi ko masasabing pagmamahal ang nararamdaman ko.
'And I do reside in your light
That put up the fire with me and find
Yeah yeah, you'll lose the side of your circles
That's what I'll do if we say goodbye'
Nung mga panahong nakapag desisyon akong tuluyan siyang bitawan ay hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko. She is my one long term relationship at kahit gaano ako ka sira ay alam kong may babalikan ako.
'To be is all I gotta be
And all that I see
And all that I need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight'
But I need to break her. Hindi healthy ang relasyon naming dalawa. Nung una hindi siya pumayag pero ilang araw lang nalaman ko na umalis pala siya papuntang ibang bansa. Kaya balik ulit ako sa dati kong bisyo at sino ba namang mag aakala na makapagtatapos ako sa kolehiyo. Sumali ako sa pa banda sa bar at malaki ang kita ko sa bawat gig.
Hanggang sa nagkita uli kami ni Allysana sa bar at dinala niya 'ko sa lugar na 'to. I stopped singing. Lumapit ako sa pagkaing hinaing sa 'kin ni Mang Edgar. Kakain na sana ako ng mapansin kong wala palang kutsara at tinidor na nakalagay sa tray ko.
Lumapit ako sa pinto at kumatok para humingi ng kutsara. Walang sumagot sa katok ko kaya sinubokan kong buksan ang pinto.
"Shoot." dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tiningnan kung may tao ba sa labas.
'Clear.'
"Nasaan sila?" dahan-dahan akong lumabas at tiningnan ang paligid. Its clear! Walang kahit anong bakas ng body guard.
Madilim ang paakyat sa itaas at tanging ilaw lang malapit sa pinto ang nagbibigay ng liwanag. Dali dali akong umakyat paitaas palayo sa lugar kung saan nila ako kinulong.
"Where am I?" wala sa sariling tanong ko habang nilibot ang paningin ko sa paligid ng lugar. Sinulyapan ko ulit Ang pinto sa ibaba kung saan nila ako kinulong.
'Kung ganun nasa basement lang pala ako sa mga nagdaang buwan.'
Nilibot ko ulit ang paningin ko at nakita kong may tatlong pinto lugar. Sa pinaka dulo ay may kulay punting pinto. Sa kabilang dulo naman ay may half na gate saka may pinto. Dali dali akong lumapit sa kabilang dulo na sa tingin ko ay palabas sa lugar na 'to. Wala akong makitang kahit sinong nandun maliban sa kin.
'Asaan kaya sila Mang Edgar?' tiningnan ko ang magkaharap na pinto at sa tingin ko ay wala ring tao. Lumakas ang pintig ng puso ko. Bakit bigla silang nawala?
'Asaan si Allysana?' Muli kong sinulyapan ang nasa dulong punting pinto. 'Yun yata ang kwarto niya.
Pagkarating ko dulo ay binuksan ko ang puting half gate at dali-daling binuksan ang pinto. Hindi na ako lumingon pa sa likod at deretsong tumakbo palabas ng lugar na 'yun, ang lugar kung saan ilang buwan akong kinulong, sa lugar kung saan ako namalagi.
Unang umagaw sa atensyon ko ang liwanag mula sa araw. Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon mula nung makulong ako na nakakita ako ng liwanag mula sa araw. Ang dalawang puno, at mga bulaklak sa paligid. Meron ring isang malaking swimming pool sa unahan at kitang-kita ko ang sinabi sa 'kin ni Mang Edgar noon na main mansion ng mga Collins.
Kitang kita ko ang kataasan ng mansion na sa tingin ko ay nasa malakanyang ako. Kitang kita ko rin sa kalayuan ang napakataas na fountain. Kung titingnan ko ang pinanggalingang villa ko ay para lang itong rest house ng mga guardia. Balewala ang kaliitan nito sa mansion na nasa harap ko.
Palabas na sana ako sa lugar ng bigla akong mapahinto ng may nakita ako isang may katandaan na na babae at kasama niya sila Mang Edgar. Gulat ang bumalot sa mukha ni mang Edgar ng makita niya ako.
"At sino ang binatang 'to?" tanong ng ginang at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Isa ba siya sa mga bagong body guard na hinire niyo?"
"Paumanhin Mrs. Collins, nakalimutan niya po yata ang daan papuntang east villa." lumapit sa 'kin ang dalawang guwardia at hinawakan ako pabalik sa east villa na sinabi ni Mang Edgar.
"Sandali," pigil ko at sinulyapan naman ako ng tinawag niyang Mrs. Collins. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang ina ni Allysana.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo-" pigil sa kin ng isang guwardiang katabi ko.
"Anong kailangan mo binata?" tanong ni Mrs. Collins. Tiningnan ko naman si Mang Edgar na panay ang iling. "May kailangan ka ba?" tanong niya.
"Mrs. Collins, hinahanap na po kayo ni Ms-"
"Boy friend po ako ng inyong anak," nakuha kong muli ang atensyon ng ina ni Allysana at dahan dahan siyang lumapit sa pwesto ko. "Boy friend niya ako at pinatira niya ako sa east villa."
"Anong kalokohan to Edgar?!" galit na tanong ng ina ni Allysana at tinuro ako, "Totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'to? Hindi ko yata alam na may pinatirang boyfriend ang anak ko sa mismong panamahay ko!" napayuko si Mang Edgar.
"Magpaliwanag ka!" galit na wika nito.
"Patawad po Mrs. Collins. Kabilin bilinan po samin ni Miss Collins na 'wag sabihin sa inyo-"
"Kahit na! Wala akong kaalam alam sa pinaggagawa ng anak ko!" humarap siya sa kin at binitawan naman ako ng mga guwardia. "Anong pangalan mo, hijo?" tanong niya. Tumikhim naman ako bago sumagot.
"Bullet Brent po. Bullet Brent Santiago." napapikit si Mrs. Collins sa sagot ko na tila nakakain siya ng mapait na ampalaya.
"Hanggang ngayon ikaw parin pala ang kinababaliwan ng anak ko." napailing na tuloy ni Mrs. Collins.