CHAPTER 6

1799 Words
CHAPTER 6   Ilang araw mula nang pumunta rito si Ally. Sinabi sa ‘kin ni Mang Edgar na naging busy si Ally dahil sa mga transaction ng kompanya nila kaya hindi na nakakapunta rito ang dalaga. Tiningnan ko ang mga kamay ko na nakaposas parin hanggang ngayon. Sa tagal na namalagi ako rito ay naranay na ang katawan ko sa set up na ganito. Nakaposas ang mga kamay at paa habang kontrolado ang bawat galaw ko. Namimiss ko ng lumabas sa lugar na ‘to. Gusto ko ng makatakas sa lugar na ‘to.   Ngunit sa kabilang banda ay hindi parin mabuting ideya ang pagtakas o pag alis sa lugar na ‘to. Kahit isang piso ay wala talaga akong pera. Ilang taon rin akong nabuhay na laging nakadepende sa iba at kahit konte ay wala akong naipon. Siguro tama lang na nandito ako.   “Mang Edgar, kailan ba pupunta si Allysana rito?” tiningnan ako ni Mang Edgar ng pumasok siyang may dalang pagkain ko, “Hindi ko na siya nakikita.”   “Gabi-gabi ka niyang pinupuntahan rito, young master.” Muntik ko ng maibuga sa mukha niya ang kanin na nasa bibig ko.   “Young master?” hindi makapaniwalang tanong ko pero nakayuko lang si Mang Edgar. “’Wag niyo na po akong tawaging young master,” sabi ko pa na parang hindi makapaniwala.   “’Yun po ang bilin sa ‘min ni Miss Collins, young master.” Gusto ko pa sana siyang pigilan pero para saan pa at kay Ally lang naman siya nakikinig. Kinain ko nalang ang pagkain ko.   “Anong araw na ba ngayon, Mang Edgar?” tanong ko.   “July 13, young master.” Napikit ko ang mga mata ko hindi dahil tinawag niya ulit akong young master kundi napagtanto ko kung ilang buwan na ako ngayon sa lugar na ‘to.   “Tatlong buwan na akong nakakulong sa lugar na ‘to,” sinulyapan ako ni Mang Edgar. “Gustong gusto ko ng makita anong itsura ng nasa labas,” nakangiting sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain. Ilang minute rin kaming nanatiling tahimik bago muling nagsalita si Mang Edgar.     “Kung hihilingin mo kay Miss Collins, young master,” panimula niya kaya napahinto ako, “Baka pumayag po siya. Mabait po si Miss Collins. Kausapin niyo lang po siya ng maayos,” napabuntong hininga ako. Paniguradong hindi na naman papaya ang babaeng ‘yun. Noon ko pa hinihiling sa kanya na palayain niya ako pero kahit kailan ay hind naman siya nakinig sa ‘kin.   Tiningnan ko ang paligid ko. Walang kahit ano sa kwarto ko kundi higaan at upuan lang. May sariling CR na nga ako pero bukod run ay walang kahit ano sa kwarto ko. Buti nga at natagalan ko ang tatlong buwan na walang kahit ano sa lugar na ‘to. Kahit alak o yosi ay wala rito.   “Hindi naman papaya si Allysana kahit anong sabihin ko,” bulong ko, “Matanong ko lang Mang Edgar, nasaan ba ang mommy at daddy ni Ally?” tiningnan niya ako bago sumagot.   “Kakauwi lang po nila galing UK, young master.” Tumango-tango naman ako. Siguro kakauwi lang nila nung pumunta rito si Allysana. Ganun siya dati sa tuwing nakikita o nakakausap niya ang magulang ay kinakausap niya ako para rin ibahagi sa ‘kin ang nararamdaman niya.   “Saan sila nag e-stay ngayon?” wala sa sariling natong ko kaya napakunot ang noo ni Mang Edgar.   “Nandito po tayo sa mansion ng mga mga Collins, young master,” nalaglag ko ang kutsarang hawak ko at nakangangang nakatitig kay mang Edgar.   “Anong ibig mong sabihin, Mang Edgar?” hindi makapaniwalang tanong ko.   “Nasa iisang mansion lang po tayo ng mga Collins, young master. At nandito po kayo sa basement ng East villa ng mga Collins. Sa itaas ng kwartong ‘to ay ang kwarto ni Miss Collins.”   “Ang ibig mong sabihin ay hindi pa talaga ito ang mansion –“   “Kalahati palang po ‘to ng mansion ng mga Collins, young master.” Napanganga ako. Hindi ko akalain na ganito pala kayaman si Allysana. Nung makilala ko siya ay hindi ko inakalang anak mayaman siya dahil sa kasimplehan niya, nung niligawan ko siya alam ko na na mayaman siya, ngayon mas tumaas ang tingin ko sa kanya dahil sa yaman ng pamilya niya.   Halos nasa kanya na ang lahat pero bawat pamilya may istorya. Wala namang perpekto. Kahit pa nasa kanya na ang lahat may kulang parin. Iniwan ko siya sa dahilang alam kong napakataas niyang abutin. Kung totoo mang mahulog ako ng lubusan sa kanya ay mahihirapan lang kaming pareho. Kaya rin pinili kong pakawalan at palayain siya.   Ilang sandali pa ay lumabas na si Mang Edgar at nanatili na naman ako sa tahimik na silid na ‘to. Muli kong namiss ang pag gigitara. Gusto kong marelax. Miss ko ng kumanta sa banda ng aking mga barkada. Kailan ba ako huling nakarinig ng musika.   “Bullet,” nagising ako dahil narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko, “Gising ka pa?” hindi ko minulat ang mga mata ko at pinakiramdaman siya. Naramdaman kong lumapit siya sa pwesto ko habang nakahiga. Ilang araw niya na raw akong pinupuntahan rito dabi ni Mang Edgar pero ngayon ko lang muling narining ang boses niya.   Hinawakan niya ang kamay kong nakaposas saka napabuntong hininga. Gusto ko sanang makita ang mukha niya pero pinilit kong ipikit ang aking mga mata at nagpanggap na natutulog.   “Marami kanang sugat dahil sa mga posas at bakal,” pabulong niyang sabi at hinaplos ang aking mga kamay. “Kung makikinig ka lang sana sa ‘kin. Kung mananatili ka lang sana sa tabi ko,” napahinto ako.   “Ano bang kinakatakot mo, Ally?” hindi ko napigilang itanong sa kanya. Bigla naman siyang napaatras ng makitang nagising ako. Umupo ako para magkapantay kami. Hinarap ko sa kanya ang kamay kong may posas, “Wala ka bang tiwala sa ‘kin?” tumawa siya, “Kahit pakawalan mo ang posas sa kamay ko hindi parin naman ako makakatakas sa lugar na ‘to.” Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya.   “’Wag mo ‘kong paikotin, Bullet. Kilala kita,” ngumiti ako.   “Hindi mo ako lubusang kilala,” saad ko, “’Di ba sinimulan mo lang akong kilalanin pagkatapos nating maghiwalay? Nung naging tayo wala kang pakialam sa nakaraan ko, hindi ka kahit kailan nagtanong at hindi ka kailan man naging maingat sa pagkilala sa ‘kin.” Ngumiti ako, “Kaya nga napaniwala kita sa mga bagay na hindi naman totoo,”   “Hindi nga ba totoong minamahal mo ko?” malungkot na tanong niya ngunit hindi ako sumagot, “Hindi ako nagtanong dahil alam kong ayaw mong pag-usapan. Nirespeto ko ang gusto mo at hindi ako nakialam sayo.”   “’Yun ang mali mo,” singit ko. “Dapat bago mo ‘ko sinagot, kinilala mo muna ako.”   “Pero pinakita mo sa ‘kin na mahal mo ko, na gusto mo ‘ko. Sapat na sa ‘kin ang naramdaman ko sa mga oras na ‘yun.” Malungkot na tuloy niya at tumayo, “Mali bang respetohin ang gusto ng mahal mo? Hindi ako nakialam o nagtanong kasi ‘yun ang gusto mo ‘di ba? Bakit sa ngayon parang naging mali ko pa ang pag repeto ko sa gusto mo.”   “Maling minahal mo ‘ko,” derertsong sabi ko, “I’m everyone’s boyfriend, Allysana. Kahit hindi ko sabihin ang bagay na ‘yan, alam na tin pareho ‘yan.” Hindi siya sumagot. “Hindi ako nakontento sa isa, kahit nung tayo pa. alam mo ‘yun pero nagbubulagbulagan ka. Target ko ang mga mayayamang babae at lahat sila gini-girlfriend ko, at alam kong alam mo rin ‘yan –“   “Pero hindi ako nag react, Bullet. Hinayaan kita,”   “Hindi pagmamahal ‘yan, Ally.”   “Hindi mo alam ang pagmamahal, Bullet.” Nakipagtitigan siya sa ‘kin. “Alam kong katangahan ang ginawa ko noon at nagbubulag bulagan ako sa mga oras na ‘yun, dahil mahal kita. Mahal kita at hanggang ngayon mahal parin kita.” Napailing ako.   “Hindi pagmamahal ang pinakita mo noon at lalong hindi pagmamahal ang pinapakita mo ngayon,” sinampal niya ako pero hindi ko siya tiningnan pa. Alam kong umiiyak na naman siya sa mga oras na ‘to pero dapat harapin niya ang totoo. Siguro nga si Allysana na ang karma ko. Siya na ang karma ko sa lahat ng babaeng sinaktan ko.   “Bakit ba lagi niyong pinaparamdam sa ‘kin na wala akong alam. Alam ko ang pagmamahal, nagmahal ako.” Umiiyak na sabi niya, “Oo, naging tanga at martyr ako pero nagmahal lang ako. Oo, nagseselos ako sa kapatid ko dahil nagmamahal ako. Hindi niyo kasi ako naiintindihan kasi para sa inyo mali ako.”   “Ally,” tawag ko sa kanya pero hindi ko alam ang sasabihin ko.   “Parehas ka lang din kay mom at dad,” bulong niya, “Pinaparamdam niyo sa ‘kin na may kulang sa ‘kin. Ginawa ko naman ang lahat, tinanggap ko ang lahat pero anong ginawa niyo? Sa huli iiwan at iiwan niyo parin ako,” marahas niyang pinunasan ang luha niya.   Naalala ko noong  mga panahon na girlfriend ko palang siya. Matapang, masiyahin at matalino si Allysana. Hindi mo mapapansing may tinatago siyang pait sa mga taong nakapalibot sa kanya. Dati sinasabi niya sa ‘kin ang saloobin niya sa pamilya niya pero mas lalong lumala ang pait na nararamdaman niya ngayon. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Pamilyar sa ‘kin ang nararamdaman niya, ang pakiramdam na walang kahit isang nakakaintindi ng sitwasyon mo kundi ikaw lang. Nakaramdam ako ng awa sa babaeng nasa harap ko.   “Kaya ko piniling ikulong ka sa lugar na ‘to dahil natatakot akong baka iwan mo ulit ako. Nasa akin nga lahat pero bakit pakiramdam ko walang wala parin ako?” tuloy niya, “Kung pakakawalan ko ba ang posas sa kamay mo,” napahinto siya at malalim na tumutig sa mga mata ko, “Mananatili ka parin bas a kwarto na ‘to? Hindi ka ba aalis sa lugar na ‘to?”   “Ally, hin –“ hindi ko alam ang isasagot ko. Seryoso ba siya sa tinatanong niya. Hindi pwedeng habang buhay niya akong ikukulong sa mansion ng Perez at Collins. Hindi pwede ang ganun.   “Kailangan kita, Bullet. Kahit ‘yun lang,” napatitig ako sa malungkot niyang mga mata, “Bigyan mo lang ako ng isang tatlong buwan –“   “Matagal na akong nawawala, Ally.” Hindi ko nga alam kung hinahanap ba ako ng mga kaibigan ko o ano? Kailangan ko ring magsimula para sa sarili ko. Ngayong naka graduate na ako ay kailangan ko ng buhayin ang sarili ko ng walang tulong ng kahit sino.   “Walang naghahanap sayo –“   “Pero, Ally –“   “Kahit isang buwan lang, Bullet.” Malungkot na bulong niya, “Kahit isang buwan lang, please?” tiningnan ko siya bago ako dahan-dahang tumango. Hindi naman siguro magiging maling pumayag ako sa gusto niya. Huli na ‘to. Huling huli na ‘to.   Ilang sandali pa ay umalis na si Allysana at pumasok si Mang Edgar para pakawalan ang kadenang nasa kamay at paa ko. Nakangiti siya habang nakayuko.   “Sinabi ni Miss Collins na pakawalan kayo young master pero may mga gwardiya parin kami sa labas ng kwarto na ‘to at sa labas ng east villa ng mga Collins. Bawat bahagi ng mansion ay may gwardiya po tayo.” Ngumiti si Mang Edgar saka inangat ang paningin niya, “Sana ay naintindihan niyo po kung bakit ‘to ginawa ni Miss Collins, young master.” Hindi ako sumagot at pinakiramdaman ang kamay at paa ko.   Nilabas naman agad ni Mang Edgar ang ointment na ilalagay sa mga sugat at pasa sa kamay ko. Napangiti ako.   ‘Kabaliwan ang bagay na ‘to at hindi pagmamahal,’ wala sa sariling banggit ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD