CHAPTER 5

1709 Words
CHAPTER 5   Nakatulala ako sa kisame ng biglang pumasok si Ally na may galit ang kanyang mukha.   “Bakit mo ‘ko sinampal?!” gulat na salubong ko kay Allysana ng bigla niya akong sinugod at pinagsasampal.   “I hate you!” tumulo ang luha sa mga mata niya.   Ilang araw o buwan na yata akong nakakulong sa lugar na ‘to. Walang liwanag, walang maingay at walang ibang tao akong nakikita. Tanging ang mga tagapagsilbi at si Allysana lang. Sa ilang araw na nagdaan, nasanay ulit ako sa presensya niya. Ang presensyang hinahanap ko noon ng umalis siya papuntang ibang bansa. Ang pag-aalaga at paglalambing niya ay biglang bumalik at unti-unti na namang nasasanay ang sarili ko sa kanya at ‘yun ang kinakatakotan ko sa lahat.   “Anong nangyari?” tanong ko. Tumayo ako para sana lapitan siya pero agad akong napatitig sa posas at kagena sa ‘king mga kamay. Kitang kita ko ang pamumula ng aking kamay at paa at may mga sugat pa nga ito. “Tell me, Ally.” Hindi ako makalapit sa kanya dahil sa kadenang nasa kamay at paa ko. Malaya man akong nakakagalaw ay hindi ko parin nagagalaw ang kamay at paa ko.   “May pumunta kanina sa office at hinahanap ka,” napakunot ang noo ko. Bukod sa mga kaibigan ko wala ng ibang maghahanap sa ‘kin. “Sinabi niyang girlfriend mo siya.” Napailing ako. Maraming gustong maging girlfriend ko at kung tutuosin marami naman talaga akong girlfriend.   “Anong bago run, Ally –“ bigla niya ulit akong sinampal at umikot ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Bigla kong nalasahan ang metal na lasa sa ‘king bibig dahil sa pagdurogo nito.   “Hindi ka parin pala nagbabago.”   “Ally,” I breathe, “Kilala mo ‘kong ganun at ‘wag mo sanang isipin na sa isang pitik lang mawawala ang mga babae sa buhay ko –“ muli niya akong sinampal. One thing about Ally? She’s a sadist.   Limang beses niya akong sinampal at hindi pa siya nakontento dahil pinagsusuntok niya ang dibdib ko.   “Ally, nasasaktan ako.” Umatras ako pero panay parin ang suntok niya sa dibdib ko.   “Ikaw ang pinakamasamang lalaking nakilala ko. Ang sama-sama mo! Hindi ka na nakontento. Naniwala ako sayo!” pinigilan ko ang kamay niya at hinila siya papalapit sa ‘kin. Muntik pa siyang masubsob sa dibdib ko. “Ang sabi mo mahal mo ‘ko-“   “Kahit kailan hindi ko sinabi ang bagay na ‘yan, Allysana.” Isang malutong na sampal na naman ang dumapo sa mukha ko.   “Eh ano ang ibig sabihin ng mga nangyari sa ‘tin noon? Dalawang taon tayong nagsama –“   “It’s meaningless, Ally. Kilala mo ‘ko. Bago kita naging girlfriend alam mong ganun na ako.” Pigil ko sa kanya.   “Pero akala ko nagbago ka na.”   “’Yun din ang akala ko.” I smirked, “Nung umalis ka, mas napatunayan ko na hindi pala madaling magbago ang mga nakasanayan mo na.”   “Pinaramdam mo sa ‘kin.” Paalala niya.   “At pinaramdam ko rin ‘yun sa iba Ally. Hindi lang sayo.” Umiyak siya. Gusto ko siyang patahanin at yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Naawa ako sa kanya at hanggang dun lang ‘yun. Kung tutuosin ay hindi niya naman ako mahal. Paano siya magmamahal kung hindi rin niya kayang mahalin ang sarili niya?   “Binago kita –“   “’Yun din ang akala ko.”   “Binihisan at pinakain kita,” napangisi ako.   “Hindi kita pinilit sa bagay na ‘yun.”   “Tinanggap kita.” Mahinang bulong niya pero sapat lang para marinig ko, “Bakit? Bakit Bullet? Ano pa bang kulang –“   “Ito ba ang pagmamahal sayo Ally?” hindi siya makasagot. “Sabi nila kung mahal mo ang isang tao, pakakawalan mo.” Tumawa siya at marahas na pinunasan ang luha niya.   “’Yun pala ang gusto mo? Ang pakawalan kita?” ngumisi siya, “Pag pinakawalan ba kita mamahalin mo ‘ko?” tanong niya, “Pag pinakawalan ba kita babalikan mo ‘ko? Pag pakakawalan ba kita mananatili ka na habang buhay sa tabi ko?”   “Hindi lang ako ang lalaki sa mundo, Ally.”   “Alam ko!” sigaw niya, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo pero ikaw ang mundo ko.” Natahimik ako sa sagot niya. “Mahal kita, Bullet.” Hindi ako nakasagot. Nagulat ako sa sinabi niya.   Mahal niya ba talaga ako? Ganito ba ang pagpapakita niya ng pagmamahal? Hindi ganito, hindi ‘to tama. Kahit mahal niya ako mali parin ang pagpapakita niya ng pagmamahal niya. Hindi kailan man naging pagmamahal ang pagsakal at pagkulong mo sa taong sinasabi mong mahal mo.   Hindi ko namalayang wala na pala si Ally sa harapan ko at tuluyan ng umalis sa kwarto kong saan niya ako huling iniwan. Muling naging tahimik ang paligid ko. Napayuko ako at napatitig sa mapupulang marka sa kamay ko gawa ng kadenang nakabalot rito.   ‘Hindi ‘to pagmamahal, Ally.’   ** Ilang araw ng hindi nagpaparamdam sa ‘kin si Allysana. Magdadalawang buwan na ako sa lugar na ‘to at hanggang ngayon ay wala paring nakahanap sa ‘kin sa lugar na ‘to. Naging tahimik ang silid ko mula nung huling alitan namin ni Ally. Hindi naging maganda ang sagutan naming at hindi na ako aasa na babalik agad siya rito para kausapin ako. Paniguradong natapakan ko ang pride niya kaya hindi pa siya bumabalik para harapin ako.   “Edgar, gusto ko sanang maligo sa CR.” Napakunot ang noo ng body guard. Tiningnan niya ang kadenang nasa kamay at paa ko at mula nung napadpad ako sa lugar na ‘to ay parang hindi na ako nakatikim ng mainit na tubig na panligo. Napabuntong hininga naman si mang Edgar.   “Kabilin-bilinan ni Miss Collins na ‘wag kayong pakakawalan,” sabi niya habang nakayuko. Napabuntong hininga nalang ako. Inaasahan kong ganito ang isasagot niya, “Mabait na bata ‘yang si Miss Collins.” Muling bumalik kay Edgar ang paningin ko. “Pagpasensyahan mo nalang ang batang ‘yun. Ganyan talaga siya, mahilig siya sa atensyon.” Tiningnan niya ang kabuohan ko. “Mas naging malala nga lang siya ngayon.”   “Mang Edgar, tulungan mo ‘kong makatakas rito.” Nagbabakasakaling sabi ko. “Gusto ko ng –“   “Hindi ko ‘to sinabi sayo para patakasin ka,” tumayo si Mang Edgar. “Kung bubuksan mo lang ang puso mo kay Miss Collins,” hindi niya na tinuloy, “Mabait na bata si Ma’am.” Ngumiti si mang Edgar bago iniwan akong nakatitig sa pintuan.   “Kilala ko siya, Edgar. Kilalang kilala ko si Allysana.” Napabuntong hininga nalang ako at tahimik na humihiling na may sumagip sa ‘kin sa lugar na ‘to.   “Kung kilala mo siya, alam mo kung bakit siya nagkakaganito ngayon.” Ngumiti si Mang Edgar bago tuluyang umalis.     Mag aalas dyes nang gabi ng maramdaman kong may tumabi at yumakap sa ‘kin. Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman ko siya. I knew this smell.   ‘Allysana.’ Banggit ko sa pangalan niya sa king isipan. Hindi ko minulat ang mata ko at hinintay ko kung anong gagawin niya.   Niyakap niya akoat siniksik ang sarili niya sa leeg ko. Muli kong naalala ang pagsasama namin noon. Kahit noon pa ay mahilig ng yumakap at maglambing si Ally sa tabi ko habang natutulog ako. Ganito siya lalo na pag may problema niya. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.   “Allysana,” tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya sumagot, “May problema ka ba?” hinaplos ko ang buhok niya para humarap sa ‘kin pero nagtago siya sa leeg ko. “Tell me.”   Isang mahabang katahimikan bago muli siyang nagsalita.   “Hindi nila nakikita ang mga pagsisikap ko para sa kompanya,” biglang sambit niya. “Kahit anong kayod ko, at kahit anong gagawin ko, balewala lang sa kanila. Hindi ako sapat para sa kompanyang pinaghirapan nila.” Muling natahimik si Ally. Matalino si Ally, marami rin siyang talent kahit nung college palang kami ay sikat siya dahil sa talent niya. Kaya lang masyado siyang idealist na pagkatao. Mataas ang standard niya kaya minsan nagiging dahilan ‘yun kaya nadidisappoint ang parents niya.   “Hayaan mo nalang sila.” Napabuntong hininga siya.   “Hindi mo kasi alam anong pakiramdam na maging magulang sila,” sambit niya, “Alam mo naman kung gaano kagusto nilang magkaroon ng anak na lalaki para may tagapagmana sila ‘di ba?” Medyo tumawa siya. “Minsan nga pakiramdam ko sinisisi nila ako kung bakit naging babae ang tagapagmana nila. Hindi ko naman kasalanan ‘yun. Ginawa ko rin lahat para mapantayan ko ang expectation nila.”   “Bakit? Ano bang problema?” inangat niya ang paningin niya sa ‘kin saka ngumiti. Ganito lagi si Ally pero alam kong mas malungkot siya ngayon. Dati kasi pag may pagkakataon ay sinasabi niya sa ‘kin ang problema ng pamilya niya pero ramdam ko paring mahal niya at masaya siya sa boses niya. Pero iba ngayon. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya kaya rin siguro nagkakaganito siya sa ‘kin. Kailangan niya ng karamay.   Napatitig ako kay Ally. Kung titingnan mo ay napakatapang ng personality niya kaya minsan naiingit ako sa kanya. Totoo kung naging lalaki siya ay mas magiging proud ang pamilya niya sa mga achievements niya. Kaya nga lang ay pinanganak siyang babae at ‘yun ang sinasabi niyang dahilan ng mga hinanakit niya sa mga magulang niya.   “Simula nung pinanganak nila si Eros ay pakiramdam ko mas naging malayo ako sa mga magulang ko.” Pinunasan niya ang luha niya at umupo, “Natatakot ako na dumating ang araw na itakwil nila ako dahil sa kapatid ko.” Naalala kong sinabi niya sa ‘kin dati na may kapatid na siya. Ilang taon rin ang agwat nilang magkapatid.   “Wala namang masamang may kapatid –“   “Pakiramdam ko may kahati ako.” Malungkot na sabi niya at tumulo ulit ang luha niya, “Alam kong mali ang magselos sa kapatid ko pero ‘yun ang nararamdaman ko.”   “Ally, three years old palang ang kapatid mo.” Ngumiti siya nang mapait.   “Kahit 1 year old pa ‘yan.” Napailing siya saka marahas na pinunasan ang mga luha niya.   “Ally,” tawag ko ulit sa kanya.   “Mali ‘to,” bigla siyang tumayo saka mapait na tumawa, “Mali ‘tong ginagawa ko. Mali ako,” hinarap niya ako pero hindi ako nagsalita. Ngayon ko lang nakitang sobrang lungkot ni Ally. Sobrang lungkot ng mga mata niya at ng mukha niya. Dati pa ay alam ko na ang problema niya sa pamilya niya pero mas naging malalim ang sugat niya sa puso niya ngayon.   “Don’t cry,” wala sa sariling sabi ko.   “Mali ako, Bullet. Maling mali ako.” Umupo siya at muling hinawakan ang mga kamay ko, “Mali bang humiling ng kahit konting atensyon sa mga taong mahal ko? Mali ba ako, Bullet?” yumuko siya, “Mali bang humiling ng konteng pagmamahal?”   Napatitig ako sa babaeng dating naging karelasyon ko. Ngayon ko lang napgtatanto kung anong nagbago sa kanya. Kung anong nabago sa kanya. Hindi na siya ang dating Ally na kontento na nakilala ko. Noong naging kami ay kahit gaano pa kahirap ang naranasan niya sa mga magulang niya alam kong malaki parin ang tiwala niya sa sarili niya. Pero iba ngayon. Ibang-iba na ngayon.   ‘Why you changed so sudden, Ally?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD