Kabanata 49 - LEE: "Plano ni Rich"

1588 Words
Sa ilalim ng Puno ng Pag-asa gagawin ni Laura ang baraha. Ito ang sentro ng Paraiso. Ang punong ito ang sumisimbolo sa magandang kinabukasang hinahangad ng bawat isa rito. “Kaytagal na ng punong ito.” Mas nilapitan pa ito ni Laura. Dinama ang magaspang na balat nito. Inilapit pa niya ang kanyang tainga na animo’y pinakikinggan ang bulong ng puno. May ngiti pa sa kanyang mga labi. Ipinatawag ko si Ulap. Kailangan ang presensya niya dahil hindi ordinaryong barahang sandata ang gagawin ni Laura. Ihahalo sa mga tinta ang dugo niya upang maging identity ng deck. Ibig sabihin ay walang ibang pwedeng makagamit ng baraha kung hindi si Ulap lamang. “Kinakabahan ka ba?” tanong ni Nuie sa kanya. Umiling si Ulap. “Na-eexcite po ako. Game na po.” Winisik-wisik niya ang kanyang palad. Si Nuie ang sumugat sa kanyang gamit ang punyal. Napakapit sa braso ko si Rich pero nang tingninan ko siya ay agad niyang binawi. “Tsk. Sungit. Yuck kaya.” Ulap is lucky. At his young age he’s going to own his unique deck of cards. Nuie is watching closely. “Huwag mo nang isiping gayahin ang kapangyarihan ni Laura.” Pagbibiro ko dito. Mental telepathy na nga ang gamit ko napatingin pa sa akin si Laura. Anglakas talaga ng kanyang pakiramdam. Ang sama ng tingin sa akin ni Nuie. “Bata pa si Ulap. Dapat gabayan ko siya. Duh!” “Haha! Parang kailan lang, ayaw mo silang makita.” “Nagbabago ang panahon! Okay? Shut up ka diyan.” Pinalutang ni Laura ang mga baraha. Tinawag niya sa kanyang tabi si Ulap. Sinenyasan niya itong igrupo ang mga baraha na tig-labing tatlo. Ang naiwang dalawang baraha ang magiging mga joker. “Lumayo na muna kayo.” Utos ni Laura sa amin. “Hayaang ninyong kausapin ng bata ang mga baraha.” “Paano naman kakausapin. Sasagot ba ang mga karton?” Bubulong-bulong na naman si Rich. Hay! Hinigit ko na nga siya sa kaliwang kamay papalayo. “Uy, abuso na `yan ha. Masakit na.” Overacting! I’m just merely holding her hand but she’s acting like sinasaktan ko siya? Binitawan ko na nga siya. “Hindi ka pwedeng basta-basta na lang magiging sarcastic lalo sa mga tulad ni Laura. She may look like and ordinary person to you, Rich. Pero isa siya sa mga mahuhusay na mandirigma ng XXU. Magbigay respeto ka naman sa kakayahan niya.” “Nag-joke lang naman ako. Grabe ka. Saka tropa-tropa chill-chill ko si Lola Laura.” Hindi ako makapaniwala sa mga choices of words niya. Tropa-tropa what? “Alam mo? Puro na lang makikipag-boom-boom-paw-paw kasi ang iniisip mo kaya hindi ka na updated sa mga terms ng modern world.” May pagyayabang pa nitong pagle-lecture sa akin. “Ibig sabihin noon, friends kami ni Lola Laura. Wala kang age gap kasi senior na siya e. Hindi tulad mo `no.” Tinaasan ko nga siya ng kilay. Anong gusto ipakahulugan ng nakakainsulto niyang ngiti? “Ay. Oo nga pala. Super mega old ka na kaya may age gap na tayo. Haha!” Umabresiete siya sa kaliwang braso ko. “Nagbago na ang isip ko. Bati muna tayo ngayon. Ipasyal mo ako dito sa Paraiso dahil lampas barrier na ang boredom ko. Miss ko na sina Brigitte.” “Maiibsan ba ng pamamasyal ang pagka-miss mo sa kanila?” “Hay Naku! Basta ipasyal mo ako! Tara na!” Hinila-hila na lang niya ako. Wala namang gaanong mapapasyalan dito sa Paraiso. Isa lamang itong simpleng kumunidad. Pantay-pantay ang mamamayan dito, may kapangyarihan ka man o wala. Nagmamalasikat sila sa isa’t-isa. Sana ay ganoon din sa labas ng Paraiso. Sana’y busilak pa rin ang puso ng mga tao. “Dalawin natin ang Mahal na Reyna.” Bulalas niya. “Uy baka nami-miss ka na noon.” Naging abala nga ako at hindi ko pa siya nadadalaw. Sigurado namang hindi niya ako naalala. Hay! “Ano pa ang nais mong gawin?” “Kumain ng isaw, kumain ng balut. Mayroon ba dito noon? O hindi uso ang mga pagkain labas dito?” “Mayroon naman. Anong akala mo dito? Secluded area na walang normal na pagkain?” “Hep!” Tinakpan niya ang bibig ko. “Lee, huwag init ulo. Nagtatanong lang naman ako e. Kung ganoon, unahin nating bumili ng pagkain. Pagkatapos ay dalawin natin ang Mahal na Reyna!” “Hihiram lang ako ng sasakyan.” --- Bukod sa isaw, nagdala rin siya ng tinapay at maiinom. Nanghinayang pa nga siya dahil bawal naman painumin ng softdrinks ang mga pasyente dito. “Hindi mo naman sinabi na bawal ang softfrinks.” Nakasimangot pa siya habang ngumunguya ng tinapay. Hindi na nakahintay e. Nasa elevator pa lang kami. “Sayang `yong pera ko ah.” “Did you ask? Hindi. Bumili ka na lang ng bumili. Naririndi pa naman ako sa boses mo kaya hindi na kita sinita.” Kinumpiska sa guard station ang mga binili niyang softdrinks. Anim na in-can pa man din `yon. Bumukas na ang elevator. “Next time, sabihin mo kung ano ang mga bawal bilhin. Kainis ka.” Nauna ba naman naglakad. Hinayaan ko na siya. Nagmamaktol e. Bigla siyang tumigil sa gitna ng hallway. Nilingon niya ako. “Anong room na `yon?” Nagtatanong na nga, may kasungitan pa. Tinuro ko ang huling kwarto sa kanan. And she never bothered to say thank you. Fine! She’s the stubborn Ice Dragon, anyway. Hay! Raio! Kuhang-kuha ang ilang ugali mo. Nasobrahan nga lang sa pagiging isip bata. Katatapos lang ng pag-inom ng gamot ni Lola Inosencia. Parang inaabangan pa nga niya kami. “Aking Prinsesa!” Tukoy niya sa akin. “Bigyan mo nga ng yakap ang Mahal na Reyna.” Malugod ko naman itong ginawa. Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Ganito kainit ang pagyakap ng aking mahal na ina noon. Tinapik-tapik pa niya ang akin likod. “Pagod ang aking Prinsesa?” tumango ako saka bumitaw sa yakap niya. “Kasama ko nga pala si Rich.” “Rich?” Nagtatakang tanong ni Lola Inosencia. “Ikaw iyong kaibigan ni Lily. Hindi ba?” Tumango si Rich. “Gelpren po niya.” What? Anong pumasok sa tuktok naman ng babaeng `to? Kitang-kita ang kumpyosyon sa mga mata ni Lola na nakatingin sa akin. “Totoo ba ito, Prinsesa?” “Hihi! Biro lang po, Mahal na Reyna!” Nag-peace sign si Rich. “Joke lang. Kayo naman po. Hindi po ako gelpren.” “Hindi ikaw ang kinakausap ko.” Patay ka ngayon, Rich. Kung nasa karakter ng reyna si Lola Inosencia ay hindi dapat siya binibiro-biro. “Sumagot ka, Prinsesa. Ano ang tinutukoy ng babaeng ito?” Nilapitan ko si Rich at inakbayan. Wala nang bawian `to. Nang hindi tuluyang pumangit ang araw ni Lola. Kasalanan din naman niya kaya pagdusahan niya. “Mahal na Reyna, ipagpaumanhin po niyo. Pero kaya hindi ko gustong magpakasal ay dahil babae rin ang iniibig ko. At siya po iyon.” Hindi naman nakitaan ng galit sa mukha ni Lola. Ang-amo pa rin ng kanyang ekspresyon. Parang si Ina. “Sigurado ka na ba dito, Prinsesa? May kagaspangan ng ugali itong nobya mo.” Holy Dragon! I would love to burst into laughters! Itsura kasi ni Rich, parang pinagsakluban ng langit ng lupa. Ha ha! “Palabasin mo siya. Kung may iba kang napupusoang babae ay siya ang iharap mo sa akin.” --- Rich is so damn mad when we left the hospital. Siya naman ang nag-umpisa e. Tapos heto siya sobrang bad trip. “What’s with that long face?” Well, kahit alam ko na ay gusto ko pa ring marinig sa kanya. Her annoyed face says it all! “Hindi na ako magjo-joke sa ina mo.” That sounds foul words though. “Lagi mong tatandaan na siya ang Mahal na Reyna. Hindi mo siya dapat binibiro. So what now? Uuwi na tayo?” “Libutin natin ang Paraiso. Wait lang! `Yong softdrinks!” tumakbo siya pabalik sa guard para kunin ang mga softdrinks. Hinihingal pa nga siya pagkasakay sa jeep. “Nag-iwan naman ako ng isa para sa guard. Haha! mabait pa ko sa lagay na `yan. Paandarin mo nasi Pogak.” “Pogak? What did you just say?” “Pogak.” She answered with conviction. “Pupugak-pogak kasi itong sasakyan e. Wala bang mas bagong modelo ng mga sasakyan dito sa Paraiso?” Hindi naman pupugak-pugak itong sasakyan. Kondisyon pa nga e. hindi lang modern tulad ng mga sasakyan sa Maynila. Ito ay jeep type lang. ito kasi ang mura kaya ito ang amin binili para sa transportasyon ng mga evacuees dito. “Wala. Kung gusto mo ay lumipad ka na lang. Kaya mo naman na, hindi ba?” “Tsk! Sus! Angry bird ka na naman. Kaya hindi ka nagkakajowa e." Nagawa pa akong pagtawanan. "Dapat smile lang parang ganito.” She draws a smile on her face and smiled widely. It’s kind of creepy, by the way. “No plans of having one.” Ini-start ko na ang makina ng sasakyan. “Ako meron.” Napatingin ako sa kanya. “Kaya dapat smile lang. Good vibes. Mapagtagumpayan ko lang itong misyon na `to, pag mapayapa ang mundo, sisiguraduhin kong magkaka-boyfriend na ako.” “Tsss. Galingan mo kung ganon. Mukhang atat kang magkaroon ng lovelife.” Pinaharurot ko ang sasakyan. Kesihodang magkandahulog-hulog ang mga ipinatong niyang softdrinks sa harapan niya. “Langya naman, Lee! Immortal ka ako hindi. Dahan-dahan sa pagmamaneho naman!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD