Magagawa kaya naming talunin ang salot kung aso at pusa sina Lee at Rich? Walang araw na lumilipas na hindi sila nagsusungitan ang dawalang `yon e. Kung sana lang maging enemies to lovers sila, gaganahan pa akong mag-cheer.
Binabantayan namin ni Laura si Ulap sa pagkakabisado niya sa kanyang bagong set ng baraha. Nagmemedidate ito habang nakalutang sa paligid niya ang limampu’t apat na cards. Pinag-iisa niya ang kanyang kapangyarihan sa mga ito. matagal na proseso talaga ito. Hay!
“Ikaw ay huwag mainip.” Humigop ng kape si Laura pagkasabi nito. “Kinakabasido pa ng bata ang pagkakakilanlan ng bawat cards.”
“Pare-pareho lang naman ang mga cards.”
Umiling siya. Nakatuon ulit ang pansin niya kay Ulap. “Para sa inyo ay pare-pareho ang mga ito. Pero para sa amin na gumagamit ng baraha bilang sandata, mayroong pagkakakilanlan ang bawat numero at marka.”
“Yada,yada.” Pangmi-mimic ko sa kanya. “Excited na akong makita paano niya gamitin ang mga `yan.”
“Bata pa si Totoy. Huwag kang mag-expect. Ang kaigihan lamang ay maaga niyang makakabisado ang baraha niya. Asan na nga pala iyong dalawa?”
Nagkibit-balikat ako. “Siguro ay nagdi-date na. Ha ha! Baka ito na ang simula ng love story!”
“Marunong bang magmahal si Lee?”
“Oo naman! Hindi lang talaga halata. At sa buong buhay niya, iisang tao lang ang kanyang minahal. Ang babaeng hinintay niyang muling isilang.”
Kaya minsan kapag nauubos ang pasensya sa isang bagay, iniisip ko na lang si Lee. Kung gaano katagal niyang hinintay ang pagsilang ulit kay Raio, mawawalan ako ng karapatang maubusan ng pasesnya. Ha ha!
“Iyong isa naman nagrereklamo dahil hindi daw siya pinupuri ni Lee. Sadyang mababaw ang kaligayahan ni Rich. Nakakatuwa.”
“Sinabi niya `yon? Ha ha! Si Rich talaga. Kunsabagay naman, napakahirap i-please ni Lee pagdating sa pagsasanay.”
“Sana ay buksan ni Lee ang puso niya. Masarap magmahal.”
“Sabi ng matandang dalaga! Ha ha!” Mabilis akong lumayo dahil baka banatan niya ako ng kanyang bastos. “Joke lang, Laura! Haha!”
“Naku! Pasalamat ka at matanda na ako. Kung hindi ay nahampas na kita ng aking baston.”
Masarap nga naman ang magmahal. Mayroon rin ako mga experience sa love love na `yan pero dahil immortal kami, ilang beses kong na-experience ang ‘till death do us part. Hayon natigok sila. Once lang naman iyong natigok.
Iyong mga sumunod ay binura na namin ni Lee ang alaala nila tungkol sa akin. Nagmahal ako ng lalaki at babae. Sobrang open minded ko sa pag-ibig! Haha! Nakaka-miss ang kilig!
Lumakas ang hangin. Napunta kay Ulap ang atensyon ko. Nanggagaling ang paikot na hangin sa kanya. Naglalabas siya ng puting aura habang ikinukumpas ang mga kamay. Inilahad niya ang kanyang kamay sa ere. Ang mga baraha ay isa-isang dumapo dito. Isinilid niya ang mga ito sa kahon. Lumiit ang kahon at naging kasingliit ng posporo.
Hinagisan siya ni Laura ng maliit na slingbag. Sa naalala ko ay gamit niya ito noong naglalakbay pa sila nina Pransing. Sinalo ito ni Ulap gamit ang kaliwang kamay. Dito niya nilagay ang baraha at isinukbit ang bag sa leeg.
Lumapit siya sa amin. Nakangiti itong yumuko kay Laura. “Maraming Salamat po. Iingatan ko ang mga baraha.”
“Ito pa.” binigyan pa siya ni Laura ng dalawa pang kahon ng mga barahan. “Pwede mong tawaging dummy cards ang mga ito. Para sa ordinaryong labanan o kaya ay pagsasanay.”
Magiliw itong tinanggap ni Ulap. Lumiit rin ng mga ito at kusang napunta sa bag.
“Toy, baka naman bigla kang maging manunugal sa dami ng baraha mo,” biro ko sa kanya. “Alalahanin mo ha? Gamitin lamang sa mabuting hangarin ang mga baraha.”
“Opo. Promise po.” Tinaas niya ang kanyang kanan kamay. “Paghuhusayan ko rin ang pagsasanay upang maging karapat-dapat para sa mga baraha.”
Ginulo ko ang buhok niya at pinanggigilan ang pisngi. “Hooh! Nanggigigil ako sa`yo. Angtagal-tagal mong mag-meditate. Nagugutom na ako e.”
Tatawa-tawa lang siya habang pilit na tinatanggal ang pagkakapisil ko sa pisngi niya. “Tama na po. Angpula na ng pisngi ko po! Ha ha ha! Ate! Teka may nakita ako kanina!”
Binitiwan ko siya. Inayos niya ang kanyang buhok at habol hininga pa siya.
“Anong nakita mo?”
“Kanina, habang nakapaikot sa akin ang mga baraha. Naaninag ko na naglalaban kami ni Haiku. Iyong pagsipa at pagsuntok niya sa akin parang malaki akong tao. Pero hindi kami nag-aaway ha. Nag-bow pa nga siya sa akin e. Parang ganoon sa pagbibigay respeto namin sa mga Master.” Kinamot-kamot niya ang kanyang ulo. Tinuktok pa nga niya ng tatlong beses. “Marami pa akong nakita. Nalimot ko na ang iba. Ano ba naman `to.”
Tumingin ako kay Laura. Naghahanap ako ng kasagutan. Baka may alam siya sa mga nakita ni Ulap.
“Maaring nililinlang ka lamang ng mga baraha, maaring hindi. Maaring ito ay parte ng iyong panaginip. Magkagayunman ang mahalaga ay hindi kayo magkalaban ni Haiku.”
“Naaninag ko rin si Master Lee at Ate Rich…”
Parang timing na timing naman. Dumating sina Lee. At parang badmood si Lee. Pagkababa niya ng jeep ay initsa niya sa akin ang susi.
“Pagsabihan mo `yang si Rich. Nagbabalak nang magboyfriend hindi pa nga tapos ang misyon niya.” Pinalabas niya ang kanyang pakpak. “Pupuntahan ko sina Raahn.”
Sige. Lipad. Sunog pa nga ang ilang dahon ng Pag-asa.
“Parang nangyari na `to.” Bulalas ni Ulap.
Natawa si Laura sa itsura ni Ulap. Kunot-noo kasi siya at panay ang kamot sa ulo. “Siguro ay may konting pangitain kang nakita. At ito na nga iyon.”
“Tsk. Bakit siya galit?”
-
Naghahapunan na kami kasama ng ibang mamamayan ng Paraiso. Kanina pa hindi makausap nang maayos si Lee. Sila ni Raahn ang palaging magkasama.
Natatawa na lang ako sa kwento ni Rich. Naku!
Ikaw ba naman, iyong taong hinintay mo ng ilang siglo ay magsasabi na gustong magjowa. At ekis ka na kasi pareho kayong babae! Haha! Medyo ramdam ko si Lee sa part na `yon kahit hindi niya aminin. Mayroong konting kagat ng lamok siyang naramdaman.
Nahuhuli ko nga siyang napapatingin kay Rich pero nag-aabot ang kilay. Sarap batukan ang immortal na dragon na `to!
“Bakit parang pakiramdam ko may pinagtatawanan ka?” usisa sa akin ni Akei. “Okay ka lang?”
Tumango ako. “Maya tanungin mo ang kasintahan mo kung ano ang pinagkukwentuhan nila ni Tandang Lily ha. ha ha! Pihado mayroong sekreto `yang dalawang `yan. One hundred percent sure ako diyan!”
“Tingin mo? baka bigla kaming bigyan ulit ng mission ni Lee. Kanina pa sila nag-uusap e.”
Umiling ako. “Hindi. Ibang bagay ang pinag-uusapan nila. Sure na sure ako doon.”
At may naisip akong magandang idea! Tinawag ko si Ulap. Ma-testing nga ang kanyang kapangyarihan. Tumango-tango siya sa akin utos.
“Attention! Attention!” Tumayo ako at gumawa ako ng dalawang ilusyon ko. Sinong hindi mapapatingin siya. Sabay-sabay pa kaming magsalita. “Ipagdiwang natin ang kaarawan ni Rich. Dahil…dahil gusto ko lang! Haha! I-welcome lang natin siya nang pormal dito sa Paraiso dahil kung hindi siya masigasig sa pagprotekta sa ating lahat ay siguradong deds na ang marami sa atin ngayon.”
Hindi naman talaga niya birthday. Wala lang akong maisip na rason. Hindi naman ako mabubuko ni Lee kasi alam niyang marami akong kapilyahan at hindi na siya naniniwala sa mga pranks ko.
“Buhatin si Rich sa Puno ng Pag-asa!” Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko.
Mayroong tatlong lalaki na bumuhat sa upuan niya. Party na! Sabay-sabay pa nga ang palakpak at kanta na pang-fiesta. Pinatugtog ang sirena sa hudyat na mayroong kasiyahan sa sentro ng Paraiso.
Automatic na mayroong nang tugtugan at sayawan ng mga kabataan. Maghihintay pa kami ng ilang minuta pa para makadalo ang karamihan. May mga malalayong baranggay e.
Nilapitan ako ni Lee. “Para saan `to?”
“Despidida, birthday, piging? Kahit anong trip mong itawag. Ha ha! Stress tayo ng ilang araw dito. Time naman para magparty. `di ba? At kilalanin ng mga residente si Rich.”
Nakatingin na pala siya sa direksyon ni Rich. May kausap itong lalaki.
“Uy may pag-abot ng bulaklak. Ha ha! May ganyan pala kapoging evacuee dito.”
Palihim ko siyempreng tiningnan ang expression niya. Saglit lang baka mabuking e.
“Sino `yan?”
“Malay ko. Hindi ako ang registrar dito `no. Haha! Tanungin mo sa lider ng barangay.” E, de nakaganti rin ako sa pamimilosopo niya kahapon. Angsama tuloy ng tingin niya sa akin. “Joke lang. Ikaw naman.” Tinapik-tapik ko siya sa kaliwang braso.
“Haiku, tawagin mo si Rich.”
“Hoy. Anong tawagin.” Bumaling ako kay Haiku. “Upo ka lang diyan. Magpahinga ka.” Binalik ko ang atensyon ko dito kay Tandang Lily. “At ikaw naman, pa-welcome nga ito kay Rich. Tapos tatawagin mo. Istorbo naman. Malay mo nandito ang kanyang the one.”
“Sa pagkakaalala ko, pinipilit mo sa akin ang idea na baka pwede kami ni Rich. Tapos ngayon parang pabor ka sa ibang lalaki? Are you out of your mind?”
“Whoy! Ini-english mo ko. Ha ha! Baka may makarinig sa`yo.” Ha ha! Inirapan na naman ako e.
Burst of emotions `yan? Angsaya niya tingnan kapag hindi niya makontrol ang kanyang nararamdaman at tangin si Rich lang ang nagagawa nito sa kanya. Ha ha!
“Sa pagkakaalala ko rin naman kasi ayaw mo sa kanya. Ekis. No chance. De ngayon pa lang isu-support ko na lang siyang mag-boyfriend. Atleast happy siya.” Pinihit ko siya sa direksyon ulit ni Rich. “Look! Angdaming gustong makilala si Rich.”
Tatlong pogi at makikisig na lalaki ang kakwentuhan na niya. Anggaling talaga ni Ulap! Napakapopogi ng mga ginawa niyang ilusyon.
“Bahala ka nga. I-enjoy mo ang party. Magpapahinga na ako.”
“Weh? Haha! Nood ka muna!”
Walk out naman talaga oh. Confirm! May konting kurot sa mga mata niya!
Lumapit sa akin si Ulap. “Good job ka talaga!”
“Po? Ano pong good job. Wala pa po akong nagawa. Itatanong ko po sana kung may picture kayo ng gagayahin ko e. Wala kasi ako maisip ng itsura ng lalaki na bagay kay Ate Rich.”
“Ha? E sino ang mga `yon?” Tinuro ko ang mga kakwentuhan ni Rich. May mga babae na rin silang kasama. “So hindi mo kagagawa `yon?”
Umiling si Ulap.
Oh s**t! Patay tayo niyan Nuie!