Iyong antok ko hindi na ako tinantanan. Kung hindi lang dito sa biglang pa-party ni Nuie, baka naglalaway na ako sa himbing ng tulog. Nakakatuwa rin ang mga mamamayan dito kanya-kanyang dala ng pagkain na ishi-share.
May mga grupo ng nagsi-circus! Halla! Anggaling iyong isang gulong lang ang bike, tapos singtaas pa ng bahay. Sila iyong mga kausap ko kanina. Nais daw nilang magpakitanggilas dahil ito ang kanilang hanapbuhay noong naninirahan pa sila sa labas ng Paraiso. Aba! Napakagaling magbalanse. Happy fiesta Paraiso!
Kulang na lang ay mayroong artista dito na kakanta o sasayaw. Ganoon ang naalala ko sa huling pagbisita namin ng mga magulang ko sa probinsya e. Iyong gabi bago ang fiesta ay maraming artista. Kakaway-kaway sila habang halos hindi magkandarapa ang mga manonood sa pagpalakpak at paghiyaw. Hay! Nakakamiss! Minsan magbabasketbol pa sila kahit hindi naman sila marunong, tamang pa-comedy lang.
Nang matapos ang circus ay nagpatugtog naman ng chacha. Kanya-kanyang huha na ng kapareha. Hayan na ang mga thunders! Galawang senior citizens na. Nami-miss ko sina Mama at Papa.
Nilapitan ako ni Akei. May dala-dala siyang inumin. “Oh, buko juice `yan. Walang halong prank.”
Nakakaloko naman ang ngiti niya. E parang ayokong tanggapin. Baka tulad ulit ito noong alak e. Trust issues ko talaga ay tumataas. Ayoko namang malasing dito at baka ikahiya ako ng mga mamamayan ng Paraiso.
Itsismis pa ng “Iyong Itinakda, napakalasingga.”
“Juice nga. Hindi ko kasama si Raahn. Kaya safe ka sa prank.”
Tinanggap ko na nga ito pero tiningnan ko siya nang mayroong pagbabanta. May pagtawa-tawa pa talaga siyang nalalaman kaya mas diskumpiyado ako e.
“”Pag ito talaga malalasing ako, paiikliin ko ang buhay mo.”
“Angsaya dito `no? Sana ay palaging ganito.” Humalukipkip siya habang pinapanood ang mga matatandang sumasayaw. “Angsigla naman nila. Nakakatuwa.”
“Lahat siguro ay ganyan rin ang hinihiling. Kaya galingan natin.”
Ngumiti siya saka bumuntonghininga. “Tama. Husayan lang natin. Alam mo ba kung nasaan sina Lee?”
Umiling ako. “Bakit?”
“Kasama niya kasi si Raahn.”
“Sus! Nami-miss mo agad jowa mo? Ayiie. Sana lahat nami-miss.”
Ay sus! Iyong ngiti naman niya. Parang hindi naman ito makabasag pinggan sa ngiti. “Hindi na kasi kami nagkakaroon ng oras para sa isa’t-isa. Lagi na lang pagsasanay. Nami-miss ko rin na malambing siya.”
“Hoy! Teka! Huwag mong sabihing iyong ano ang namimiss mo? iyong kwan. Rated SPG, striktong patnubay ng magulang ang kailangan?”
Halla! Hindi man lang nagdeny ang loko!
“Shocking! Hindi mang lang nagpakipot! Iyong talaga ang nais.”
Umismid naman siya. Naningkit pa ang mga mata e. Nag-imagine na yata ang gaga.
Tumigil ka, Rich! Baka mag-imagine ka rin! Ha ha!
“Tsk. Lagot talaga siya kapag nakita ko siya.”
Nag-shift ang kanta sa waltz. Slowdance na. Iyong ibang magkakapareha nagsialisan na. Iilan na lang ang naiwan. Mga mag-aasawa siguro ang mga ito. Nasa sampung pares sila. Angsweet ng slow dance nila oh. May magkadikit pa ang noo. Ini-imagine siguro nila ang kanilang kabataan.
“Kaysarap ng may katuwang sa buhay `no?” Nasambit ko na lang. “Angsweet naman nila. Idol ko na sila. Buti kayo ni Raahn `no, angtagal na ng relasyon niyo. Forever.”
“Hindi ganoon kadali. Pero tiwala talaga sa isa’t-isa ang nagpatatag sa amin. Pasalamat nga kami kay Lee dahil siya ang gumagawa ng paraan noon para maging okay kami.”
“Weh? May alam si Lee sa love problems? Haha! Impossible naman iyon.”
“Expert siya. Hindi dahil may nakarelasyon na siya ha? Pero dahil marami nang relasyong pinagdaanan ang mga kaibigan niya. Immortal sila, remember?”
“Kunsabagay, may point ka. Sana jumowa na rin siya. Ha ha! Kung sakali pala marami na siyang naging ex `no?”
“Angbabaw mo pa talagang mag-isip.” Nagawa pa talaga niya akong pagtawanan. “Baliw ka din `no? Alam mo bang pinakamasakit maging immortal at magmahal ka ng isang mortal? Mawi-witness mo siyang tumanda pero ikaw ne isang kulubot walang makikita sa`yo. Unfair.”
“May point ka ulit diyan. Kaya siguro hindi na rin siya nag-try magmahal ng iba. Ayaw na niyang masaktan.”
“Mali!” pinag-ekis niya ang kanyang mga braso at ginaya iyong tunog ng buzzer sa mga game shows. “Ang puso ni Lee ay para lamang kay Raio. Wala nang iba.”
“Weh? E bakit noong isang gabi narinig ko sila ni Master na nagkukwentuhan. May nagugustuhan siya. Sigurado ako.”
Sa pagkakadescribe nga niya parang si Enne `yon e! Iyong maharot na Iuvettarious na `yon.
“Impossible `yan. Well, depende din pala kasi kawangis mo si Raio. So baka magustuhan ka niya. Haha! Uy! Kilig `yan.”
“Ha ha ha! Kilig ako!” eksaherada kong tugon sa kanya. “Baliw. Nasobrahan ka sa kaka-sparring. Hindi ako kinikilig. Saka hindi ako matutuwa na magugustuhan niya ako.”
“Dahil pareho kayong babae? Bawal na pag-ibig? Hindi na uso `yang ganyang mentalidad, Rich. Anong taon ka ba nabubuhay?”
Umiling ako. “Hindi `yon. Basta. Huwag mo nang alamin. Saka hindi ako kinikilig nga. Huwag mong ipilit.”
---
Tahimik na ang paligid. Pasado alas dos na rin pero hindi ako dalawin ng antok. Madaya naman. Kaninang nagkakasiyahan ay panay ang hikab ko, ngayong kailangan nang matulog ay mulat na mulat ang mga mata ko. Ang-unfair naman ng antok ko! Namasyal pa sa ganitong oras.
Nakatanaw ako sa bintana. May mangilan-ngilang mga nagroronda. Sila siguro ang mga naatasang magbantay ngayon gabi.
Tanaw mula rito ang Puno ng Pag-asa. Pansin ko lang na mas gumanda ang mga dahoon nito kumpara noong isang gabi. Nagkakaroon rin kaya iyan ng bunga? Baka naman mangga lang iyan. Ibang variant lang. Hehe.
O kaya mansanas. Tapos biglang kukulog! Mabibiyak ang Puno ng Pag-asa. Lalabas dito ang libro na nagtataglay ng solusyon sa kasalukuyang problema ng Earth. Ha ha! Hay! Sana ay ganoon kadali. Parang fairytales lang, may fast forward sa happy ending.
Speaking of libro. Binuklat ko iyong maliit na kwaderno. Tiningnan ko sa huling pahinga. May mga konting tinta na akong naaninag pero napakahirap pang basahin. Nagawa ko na itong Teknik kung paanong hindi mababasa ni Lee ang iniisip ko. May parang switch on and off nga. Astig nga e! Kaya sorry siya maitatago ko na ang iniisip ko! Hihi. Tamang pagpo-focus lang ng energy.
Ang sabi dito ay walang silbi ang aking kapangyarihan kung hindi naman ako marunong makipag-combat fighting. Totoo naman kasi. Anglaking tulong noong mga sparring-sparring namin.
Icicle dance ang pinaka-basic na kaya kong gawin, next naman iyong pagagapangin ko ang yelo sa lupa hanggang sa ma-freeze na ang kalaban, kalasag o barrier na yelo, ipo-ipo na snow, kaya ko na ring magpalabas ng espadang yelo. Angdami ko na palang kayang gawin sa aking kapangyarihan. Feeling ko anggaling ko na. Pero hindi ko pa nababasa ang huling pahina.
Siguro dahil nahihimatay-himatay pa rin ako kapag ginagamit ko ang aking kapangyarihan. Marami pang pagsasanay ang kailangan kong pagdaanan. Focus dapat, Self. Focus! Hindi pwedeng mahihimatay ka palagi.
Pagbalik na pagbalik sa XXU, magsasanay ako agad. Para mas maging deserving na akong tawaging Itinakda.
Umaga na ba agad? Napakaliwanag na e. Huh? Sobrang liwanag naman ng Pag-asa. Naniningkit ako habang tinitingnan ko ito. Mas lumiliwanag pa e. Sa kuryusidad ko ay dumaan na ako sa bintana. Nagpatalon-talong ako sa may sampung kabahayan. Shortcut pa sa shortcut ito. Tiptoe lang ako kung dumapo sa mga bubong. Tinuro sa akin ni Nuie ito. Dapat light lang daw ang pagkandirit sa mga bubong para hindi maistorbo ang mga naninirahan dito.
Isang bahay na lang malapit malapit na ako sa Puno ng Pag-asa. Hindi ako agad bumaba nang makita ko si Lee. Nakaupo siya sa tapat ng Puno. Nakataas ang mga kamay niya, nakatapat ang palad sa puno, at sa aking naaninang ay nababalutan silang pareho ng putting aura. Pang nagpapalitan ng enerhiya.
Naglakas loob na akong lumapit.
“Anong ginagawa mo?”
Binaba niya ang kanyang mga kamay saka naupo sa lupa. “Nakikipag-usap ako sa puno.”
“Talaga? Anong kalokohan `yan? Hindi naman nagsasalita ang puno. Loko-loko. Lasing ka lang e.” Amoy alak nga siya e. Beer! Kapit na kapit sa kanya. “Yuck! Naghahalucinate ka. Amats lang `yan.”
Hinila niya ako kaya napaupo na rin ako. Angdumi ng trip niya. Sa lupa talaga uupo. Buti sana kung sementado ito e, kaso lupa talaga! Literal na lupa!
“Nagsasabi ako ng totoo. Kinausap ko siya. Mayroon akong narinig na kwento noon sa mga ninuno ninyo dito sa Pilipinas.” Paglalahad niya habang nakatingin sa puno. Bawat salita niya amoy na amoy ang beer. Naku naman! “Mayroon daw isang Prinsesa na kinakatakutan ng lahat. Minsan sa isang taon lang siya nagpapagupit at ang gumugupit sa kanya ay hindi na nakikita ng pamilya kahit kailan.”
“Nyeh! Ano kaya `yon? Ikinukulong niya? Halla. Masamang prinsesa naman `yon.”
Umiling siya. “Ang totoo niyan, isa siyang magaling, mabait at matapang na prinsesa. Naipagtatanggol niya ang kanyang nasasakupan sa mga mananakop.”
“E bakit nawawala ang mga tagagupit?”
“Isang araw may naglakas ng loob na gupitan siya. Isang binatilyo. Dinala siya sa palasyo. Laking gulat niya nang tanggalin ng tagapag-alaga ng prinsesa ang kanyang belo. May tainga pala siya ng lobo.”
“Ano? Hybrid `yong prinsesa? Baka pinaglihi sa lobo.”
“Siguro. Ewan. Ang nangyari ginupitan siya ng bitalyo. At gaya ng nakagawian, iniligaw sa kagubatan ang binatilyo upang mapanatiling lihim ang itsura ng prinsesa.”
“Halla, e bakit ganun? Kawawa naman iyong binatilyo. Hindi niya na makikita ang pamilya niya.”
“Ang ginawa ng binatilyo, sa tuwing nalulungkot siya ay kinakausap niya ang mga puno ng kawayan sa gubat. Sinasabi niya dito ang mga mensaheng gusto niyang sabihin sa kanyang pamilya.”
“Weh? Drama naman noon. As if naman maririnig pa ng kanyang pamilya ano?”
Tumango-tango siya. “Tama ka. Hindi na maririnig ng kahit sino kung ano ang sinabi niya sa kawayan. Pero naibsan ang kanyan lungkot. At sa tingin ko ay iyon ang mas mahalaga.”
“Malungkot ka ba?” seryosong tanong ko dito. “Sagutin mo ako nang maayos. Pakiusap lang.”
“Hindi na nawala ang lungkot sa puso ko nang mawala ka, Raio.”
“Hindi ako si Raio.” Tumayo na ako. “Magpapahinga na ko. Mag-usap kayong maigi na puno. Baka sakaling matauhan kang magkaiba kami ng pagkatao.”