Kabanata 52 - LYLE: "Paglilibot nina Lyle at Neon"

2253 Words
These past few days has been exhausting. Sa akin kasi iniwan ni Lee ang pangangasiwa sa pagsasanay habang nasa Paraiso pa sila. After we strengthen the barrier here in XerXen University, we continued the training of students and kids a lot. No matter what category your ability is, you are mandated to undergo self-defense classes. It’s really hell days, I couldn’t even have a decent bath. I stingk like hell! Madaling araw na. I’m having sleepless night again. Nakailang baling na ako sa higaan. Ilang gabi na ring ganito. Nag-o-overthink ako sa mga bagay-bagay. Baka nami-miss ko lang ang aking bahay. May mga sarili kaming kwarto dito sa XXU subalit hinayaan rin kami ni Lee na magkaroon ng bahay sa ibang lugar. We, lowkey, enjoy some luxuries. May mga pera rin naman kaming naipon from different kinds of work. As for me, nagkaroon ng era na naging pulis ako, seaman, businessman, at kung ano-ano pa! Masaya at malungkot dahil marami kaming naging kaibigan na iniwan lang din namin. O kami ang iniwan dahil sumakabilang buhay na sila. Pero mayroon rin kaming inaabangan sa bawat paglipas ng sampu o higit pang taon. Ito ay ang muling pagsilang ng mga taong nakasama namin sa ibang panahon. Bumangon ako, nagsuot ako ng jogging pants at hoodie. Dinampot ko na rin ang aking baseball cap. Humarap ako sa salamin upang tingnan ang aking suot. Nagsuot ako ng facemask upang mga mata ko lamang ang makikita. Magpapahangin na muna ako. Maglilibot ako sa siyudad. May naghihintay sa akin sa labas. Hay! Hindi na lang siya matulog e. Binuksan ko na ang pinto. Nakasandal nga sa tabi ng pintuan si Neon. “Saan ang punta?” Usisa niya aga at kitang-kita naman sa mukha niya ang kanyang pakay. “Bakit?” “Sama.” Nakangiti ito na halos mapunit na ang labi. “Hindi ka rin makatulog? Ako din kasi. Hindi. Tingnan mo.” Minulat pa niya ng daliri niya ang kanyang mga mata. “So, saan tayo pupunta?” “Kahit saan tayo dalhin ng mga paa natin.” “Hep! Ayokong tumakbo. Magmotor tayo. Nagpapahinga tayo dapat tapos gagamitin natin ang ating powers? That’s ridiculous, Lyle.” He exaggeratedly imitates Nate. “Fine. Tamad mo naman.” Kinuha ko na lang ang susi ng motor ko. He also got his with a flash. Pinapaikot niya sa kanyang dailiri ang susi ng motor niya habang naglalakad kami sa hallway. “Masaya rin tumira dito sa dorm `no? Saan ang favorite mong tinirhan natin?” he asked in between his whistles. “Ako sa Thailand. Ilang beses din tayong nagpabalik-balik doon. Angsaya.” “Hindi ko na rin alam sa dami. But dito iyong pinakamatagal na magkakasama talaga sayo sa iisang lugar. Scattered kasi tayo noon. We just get to see each other thrice a year lang.” There were era when we need to live in different places. We just communicate through mental telepathy. Kailangan kasi naming mangalap at magsanay ng mga susunod na mandirigma, may kapangyarihan man ito o wala. Hindi pa ganoon kagulo ang mundo dahil ang mga kapangyarihan ng tao ay natural na nilang nadidiskubre at hindi mapaminsala ang kanilang mga abilidad. Kung mayroon man ay kakaunti lamang ang aming naka-enkwentro. “Kailan nga ba nagsimulang masira ang balanse ng mundo?” “Ilang taon bago naganap ang The Great War. 1800s nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng mga bansa. Kaliwa’t-kanan ang pananakop at panlilinlang sa mga karatig na bansa. From then on, nagsama-sama na tayo para sa paghahanda sa pagbalik ni Raio.” Lumabas na kami ng dormitory, papunta na kami sa parking space ng mga motor. Huh? Kararating lang ni Nate. Tinanggal niya ang kanyang helmet saka humarap sa amin. “Saan ka galing? I didn’t know na umalis ka.” “Naglibot lang. Tiningnan ko ang Zone 7. Alam mo na. Teritoryo ko na iyon. Kailangan ko ring bantayan. Kayo? Saan ang punta?” “Maglilibot na rin naman. Alangan ikaw lang ang nakakagala.” Sagot ni Neon. “So, pano? Ba-bye na.” Sumakay na kami sa kanya-kanyang motor namin. “Don’t get into trouble, You two. Mahiya naman kayo sa akin.” Ismid pa niya. That smile! Hindi ako naniniwalang naglibot lamang siya sa Zone 7. She’s one ill-tempered person to start with. Lee shared her powers with us so that’s already a given trait. “We’ll just roam around the city.” Pahayag ko. “We’ll be back by morning. Don’t worry.” “Siguraduhin niyo. Hindi ko kayo pagtatakpan kay Lee `pag bigla silang umuwi.” - Sa aming paglilibot, nasaksihan namin ang kahirapan ng siyudad. Marami pa ring natutulog sa gilid-gilid ng kalsada. Mga Tres ang katergorya ng karamihan sa kanila. Hindi na yata ito gagawan ng paraan ng mga namumuno. They only care about those people with higher class of powers. Damn them! Nararamdaman ko na mayroong papalapit na mga may mga nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan sa paligid. It feels like we’re about to encounter them. Kinausap ko si Neon gamit ang mental telepathy. Hindi ako mapalagay. Parang mayroong nagaganap na hindi kanais-nais sa tuwing sumasapit ang gabi. “Igilid natin.” Pinatay namin ang headlight ng aming motor at nagkubili sa madilim na parte ng kalsada. Isang sasakyan ang tumigil sa tapat ng mga nakahigang pulubi. May tatlong lalaking lumabas mula dito. Hindi maipagkakaila ng kanilang aura na sila ay mga Incognito sila. Mukhang hindi sila mapagkakatiwalaan. Maitim ang aura na nakikita ko sa kanila. Hindi nga ako nagkakamali! Walang paalam nilang dinampot nila ang isang binatilyo. Naalimpungatan ito at nagpupumiglas. Nanlalaban siya. His clothes was ruined as quills like those of a porcupine grew all over his body. “Get some stones.” I tried to check the surroundings, baka mayroong mga surveillance cameras. “Ilihis mo ang mga camera.” Tinuro ko ang tatlong nakita ko. Matataas ang iba pero sa taglay niyang bilis ay kaya niyang akyatin ang isang gusali. He even can run on ocean kung gugustuhin niya. Mabilis itong ginawa ni Neon na walang nakakapansin sa kanya. Para lang may dumaang hangin sa bilis niya. Nasa likod ko na ulit siya. He handed me several stones. How long was that? Wala pang five minutes or two. “Pwede ko namang itumba na silang lahat.” “That’s risky. Baka hindi lang sila ang nakasakay diyan. O baka mayroon pang nakasunod sa kanila.” “Takot ka? Ha ha!” “Hindi. Nag-iingat lang din ako.” Marami-raming bato rin itong nakuha ni Neon. Binulsa ko ang ilan dito. Ang tatlo naman ay nilagay ko sa aking palad. Inasinta ko ang lalaking kinakaladkad ang binatilyo. Konting-konting kapangyarihan lamang ang aking gagamitin. Nang naiwaksi siya ng binatilyo ay pinitik ko ang bato. Sapol sa braso! Singbilis ng bala ng baril ang bato. Isa-isa ko silang pinag-aasinta. Sa katawan ko sila pinuruhan. Napatingin sila sa direksyon namin. Hindi ako tumigil sa pagpapaulan ng mga bato sa mga ito. Nagising ang mga pulubi at nagtakbuhan sa iba-ibang direksyon. May nahuli pa rin ang pinakamalaki sa mga sanggano. Napasigaw ito sa pagsabunot sa kanya. Damn it! “Labanan na natin sila. Sige na. Pramis. Hindi ako gagamitin ng bilis ko. Promise!” Tinaas niya ang kanang kamay niya. Sinuot na niya ang kanyang facemask at itinali niya ang kanyang buhok. “Peksman! Ano na?” Tinigil ko ang pagpukol ng bato. “Sige…” And just like that. He vanishes his way to those men. Hindi na ako kailangan! He really can’t keep his words when it come to things like this. Pinagsusuntok niya ang tatlo. Hindi sila makailag. They can’t match his speed! Ang mga pulubi ay nagsitakbuhan upang iligtas ang mga sarili nila. May mga nakikitaan akong mataas ang kategorya ng kapangyarihan. May dalawang napunta sa aking direksyon. “Tulong! Tulungan niyo kami. Huhulihin nila kami!” Pinagtago ko sila sa likuran ko. Paglingon ko ay nasa harapan ko na si Neon. “Hoooh. Grabe! That was fast.” Napansin niya agad ang dalawa sa likod. “Don’t be obvious.” Paalala ko sa kanya. “Mahirap talaga magjogging! Hooh!” Kinawayan niya ang dalawa. “Hello. Nagja-jogging rin kayo?” Natatakot na umiling ang mga ito. “Sino ang mga iyon?” tanong ko. “Bakit takot na takot kayo?” Nilagay ng batang babae ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig. She wants us to keep silent. Nagkatinginan kami ni Neon. Atubili niyang binuksan ang kanyang maruming bag. Nilabas niya ang isang kwaderno at lapis na singhaba ng aking hinliliit. Mabilis siyang nagsulat dito. Pinakita niya sa akin ang nakasulat sa notebook. “Naririnig niya tayo.” Hiniram ko ang kanyang lapit para isalat sa notebook kung sino ang tinutukoy niya. Tinuro niya ang direksyon ng mga lalaki. Hinigit ako sa kamay ng kasama nito. I give her a confused look. Nagsulat ulit iyong babae. “Baka isunod nila ang pinagtataguan ng mga kasama namin.” Nagkatinginan kami ni Neon. “Check natin?” tanong niya. Sumang-ayon naman ako. Itinulak namin ang motor dahil baka mayroong dumating na kasamahan ang mga lalaki. Ikinubli namin ito sa tabi ng malaking basurahan. - Naiinis si Neon dahil angbagal daw namin. Inabot kami ng halos bente minutos sa paglalakad hanggang marating namin ang isang lumang at may mga guho nang tenement. “May nakatira dito?” usisa ko. Tumango ang bata. It looks creepy. Bago kami pumasok ay pinakiramdaman ko pa ang paligid. Mayroong mga enerhiya akong nararamdaman galing sa loob ng tenement. Some belong to higher class of powers. Siguro ay hindi nila makontrol ang kanilang kapangyarihan kaya’t madali itong mararamdaman ng kahit sinong Incognito. Sinundan namin ang mga bata. Sa likod sila dumaan. May barrier ang tenement! That’s interesting to see. Subalit ito ay mahina. Apoy na galing sa mga sinusunog na basurang nakalagay sa drum ang tanging nagbibigay ng liwanag sa aming nilalakaran. Halos sampung beses na mas marami sila kaysa sa mga nakita namin kanina. Sa basketball court sila nagtitipong-tipon. Ito marahil ang pinakaligtas na lugar dito. Napapatingin sa amin ang mga karamihan sa kanila. Hindi pa rin namin tinatanggal ang aming maskara upang maitago ang aming pagkatao. Nakikilala ko ang iba. Sila iyong mga nasa lansangan kanina. Ginagamot sila ng mga nakatatanda. One of the kids runs towards a middle-aged man. Tinuro niya kami at nagsulat siya sa kanyang notebook. Pinabasa niya ito sa lalaki. Dagli itong lumapit sa amin. “Maraming Salamat sa pagliligtas niyo sa mga bata.” Magkasunod niya kaming niyakap na may kasamang pagtapik sa likod. “Walang anuman po.” Sagot ko. “Ano po ang lugar na `to? Bakit kayo nandirito?” “Nagtatago kami dahil isa-isang kinukuha ang mga tulad naming walang pirming tirahan.” Nahagip ng mata ko iyong binatilyo. Ginagamot ang mga sugat niya. Nilapitan ko ito. Kung saan tumubo ang mga tusok kanina ay hindi pa naghihilom nang tuluyan. “Kailan mo nadiskubre ang iyong abilidad?” tanong ko dito. “Noong isang buwan. Matapos kong tumakas sa Supil.” “Supil? Bakit ka tumakas sa Supil? May ginawa ka bang mali doon?” Sunod-sunod ang tanong ni Neon. “Anong katergorya ka nabibilang?” “Uno.” Sagot niya. “Ang iyong abilidad ay hindi pang-Uno. Sandata ang tumubo sa katawan mo.” Paglalahad ko. “Mapaminsala ang mga iyon at maaring ikapahamak mo rin.” “Uno lamang ako hanggang may isang lalaking binugbog ako. Pinamukha niya sa akin hindi ako dapat mabuhay dahil mababang uri ako. Hinangad kong lumakas. Gusto kong maipagtanggol ko ang aking sarili. Gusto kong gantihan lahat nang nangmamata sa akin.” Nanggigil ako sa galit. Marahil ay tulad noong ginawa kay Derosa ang nangyari sa kanya. Isang pilit na paggising sa kapangyarihang dulot ng galit at awa sa sarili. “Hugo! Dalhin mo nga dito ang benda!” utos nitong lalaking gumagamot sa binatilyo. “Kumuha ka na rin ng dahon ng bayabas sa aking bag.” Lumapit ang isang batang kamukhang-kamukha ni Ulap! Mas madungis lamang ito at mas mahaba ang kanyang buhok. Magkagayon man hindi maipagkakailang sila ay pinagbiyak na bunga. Hawak-hawak nito ang benda at mga dahoon ng bayabas. Nagkatitigan kami. “Heto na po Manong.” Nagkatitigan kami. Bahagya akong yumuko. “Matagal ka na dito?” Hindi siya sumagot. Hindi rin siya nagpakita ng kahit anong emosyon. Tumakbo siya patungo sa kumbol ng mga kababaihan. Yumakap siya sa isa sa mga ito. Mayroong tumili at nagsisisigaw. “Traydor! Mayroong traydor!” Napalingon kami sa pinaggalingan ng pagsigaw. Dalawang lalaki ang nagwawala. Ang aura nila ay kulay itim gaya n`ong mga kalalakihan kanina. Angkamay nito ay naging palakol! Akmang aatakehin niya ang mga nagtatakbuhan pero naunahan siya ni Neon. Hindi inaasahang nasaksihan nila ang kanyang bilis. Hindi lang sila ang traydor! Gamit ang aking kapangyarihan ay nakita kong may mga nagkukubli pa rin. Bente sila. Hindi pwedeng wala akong gawin. Gamit ang mga batong pinulot ni Neon kanina ay pinag-aasinta ko ang mga ito. Saka naman sila inipon ni Neon sa pinakadulong bahagi ng kinaroroonan namin. Tinali sila ni Neon gamit ang mga kable ng kuryente. May ulirat pa ang isa sa kanila. Naupo ako sa harapan nito. “Anong pakay niyo dito?” Ngumisi lamang siya. “Mukhang wala akong makukuhang sagot kung magtatanungan lamang tayo.” Huminga ako nang malalim. “This won’t hurt a bit. Huwag kang mag-alala.” Idinikit ko ang dulo ng aking hintutoro sa kanyang noo. Tingnan natin kung saan sila galing at kung sino ang nag-utos na manghasik sila ng takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD