Nakikita ko ang lahat na wari ako ay siya. Fragments of his childhood and teenage life. Inaabuso siya ng kanyang ama, lumayas, nagpalaboy-laboy na lang sa kalsada hanggang dakpin siya ng mga kalalakihan. Isinakay siya sa itim na van, siksikan, hindi man lang maigalaw nang maayos ang paa. It looks depressing! Dinala sila sa isang kulungan.
Napakarami nila. They were treated like beast, blindfolded, tortured and were not given enough foods to eat. At the edge of giving up their life, a man came. I could only see a blurry image. Fvck!
Just when that man is about to come closer to him, he fainted, Damn it! He woke up with an outrageous strength and instinct of a killer. With this, he was given orders to kill people who are weaker than him.
This happened just a few days ago! These monsters spreads fear to get what they want. Damn them!
After his first killing spree, He was then put into jail but was released immediately. Marami-rami silang isinakay sa isang shuttle bus. One of the officers stood in front of them.
Oh! f**k it! Isang miyembro ng Lakbay ang opisyal.
“Magpakalat kayo ng takot at pangamba. Patayin ninyo lahat ng mahihina. Patunayan ninyo kayo ang karapat-dapat mabuhay sa mundong ito.”
Anong klaseng utos iyon! Itinigil ang bus sa gitna ng lungsod. Paisa-isang bumaba ang mga kasama niya. Habang siya ay ibinaba sa mismong tapat ng simbahan. Maraming tao, nagpalingalinga siya. May mga bandiritas na nakasabit. Mayroong batang lumapit sa kanya. Binigyan siya ng sampagita. Umiling-iling ito subalit mapilit ang bata. Kaya kunuha niya ito. Kinapa-kapa niya ang kanyang bulsa pero wala siyang pera.
Umiling ang bata. “Magandang umaga po! Happy fiesta po!” binigyan pa siya nito ng isang plastic ng turon bago tumakbo patungo sa kanyang pamilya.
Ano `to? Nakakaramdam siya ng tuwa? O bago sa kanyang pakiramdam na may nagmalasakit sa kanya?
Sinundan niya ang pamilya hanggang sa loob ng simbahan. Umupo siya malapit sa mga ito. Hindi siya nakikinig sa misa. He often glimpsed at them. Natapos ang misa. Hindi niya inalisan ng tingin ang pamilya. Naunang lumabas ang mga ito. Sinundan niya ulit sila nang palihim. Nagkaroon ng sunod-sunod na pagsabog. All were in panic. Sumasalubong siya sa mga taong nagtatakbuhan. Hinahanap pa rin niya ang bata.
Ngunit huli na ang lahat! Nakahadandusay na ang ilang walang buhay na katawan ng mga tao. Kabilang dito ang batang nagbigay sa kanya ng sampagita. Kitang kita niya kung paano nag-aamok ang isang tulad niya. Kasabay lang niya itong inilabas ng kulungan. Binabalot ng itim at puting kuryente ang katawan ng nag-aamok.
Walang pagdadalawang-isip niya itong sinugod. His opponent’s ability isn’t affecting him at all. He’s able to dodge every attack on him. He got him by his neck and slams him on the concrete ground. The impact was so hard it created a crater. His nails grew as sharp as a spear. He killed him and he ran away!
He met these people, he tried to live as peaceful as possible.
I stopped seeing through him. That memory in the church keeps on lingering on his mind as if it’s the only thing that keeps him human.
“He’s also a victim.” Tumayo ako at iginiya ang aking paningin sa paligid. I can sense fear in them. That’s natural `coz we’re strangers and we beat these creatures. Binalik ko ang pansin ko sa mga nakagapos. “Hindi ako sigurado sa iba. Pero siya natakot lang din siya sa atin kanina kaya siya tumakbo at handang ipagtanggol ang kanyang sarili.”
“Kami na ang bahala sa kanila.” Nilingon namin ang nagsalita.
Some other men moved forward. Namumukhaan ko ang mga ito. Mga dating estudyante sila ng XXU! Nasa sampu ang bilang nila.
“Kakayanin namin silang pigilan kung sakaling mag-aamok ulit sila. Hindi nila gustong maging ganyan.” Paliwanag ng isa.
They’ve grown a lot different from how they used to when they’re still training with us. Ang mga dati naming estudyante ay matitikas na ngayon. Marami na siguro silang pinagdaanan na labanan kung ibabase sa mga peklat nila at ekspresyon ng kanilang mga mukha.
“Pero mapanganib sila. Hindi ligtas kung kasama niyo sila dito.” Neon reasoned out. “Maging ang inyong harang ay mahina. Ne hindi nito na-detect ang mga tulad nila.”
Mukhang nagulat sila dahil nabanggit ni Neon ang tungkol sa barrier.
“Paano niyo masisigurado ang kaligtasan ng mga kasamahan niyo?” tanong ko ulit.
Wala na akong pagpipilian kung hindi ilantad ang sarili ko. Tinanggal ko ang aking facemask at cap. Ganoon din si Neon.
“Master…” gulat na tawag sa akin ng isa sa mga kalalakihan.
Nagbigay galang ang mga ito sa amin.
“Ano ang plano niyo sa kanila?”
“Pinag-iisipan pa namin ang gagawin sa mga Resisto.”
“Resisto?” ulit ni Neon.
“Iyon ang aming itinawag sa kanila dahil hindi naman talaga nila gusto ang kanilang kapangyarihan. Napipilitan lamang silang gamitin ito para ipagtanggol ang kanilang sarili. Nawalan na rin sila ng kakayahang makapagsalita at ipahayag ang kanilang nararamdaman.” Paliwanag ulit ng isa.
Hindi ako mapalagay na iiwan namin ang tenement na mahina ang barrier.
“Tipunin mo ang lahat ng mga Uno at Dos. Kung mayroong Incognito ay mas maigi. Dalhin mo kami sa sentro ng tenement.”
Agad silang sumunod.
Muli kong hinarap ang mga nakagapos. Ang ilan sa kanila ay nagising na at pilit kumakawapa sa tali. Gumawa ako ng handseal sa ere, sa pagkumpas lumutang ito sa ibabaw nila, lumikha ito ng ilang porselas na apoy. Sinundan ito ng paglalagay ni Neon ng dagdag na kapangyarihan niya sa mga porselas, sabay naming ikinumpas pababa ang aking kanang kamay. Automatic na sumuot sa mga braso nila ang mga porselas.
Kagaya rin ito ng porselas na suot-suot ni Rich at Haiku. Pansamantala nitong pipigilan ang kanilang mga espesyal na abilidad kung sakaling mag-amok sila. Sapat na ito upang magapi sila kung sakali. Hindi rin sila makakalayo ng tenement dahil hihilahin sila ng puwersa ng barrier.
-
That was really tiring! Sa wakas natapos rin ang pagpapalakas ng barrier. I was surprised to see Incognito kids! They’re the sons and daughters of our former students. I’m more than proud watching them work together.
Lahat ng residente ng tenement ay nandirito sa rooftop upang abangan ang pagsikat ng araw.
“Angtagal na pala ng XerXen ano? Tingnan mo at may mga anak na ang mga estudyante natin. At mas matitikas pa nga sila kaysa sa atin. Anglalaki ng katawan ng mga loko. Binabatuk-batukan ko pa ang mga `yan noon.”
Karga-karga ng ilan sa kanila ang mga bata.
“It’s time we give them other mission.” Suhestiyon ko.
“Tulad ng?”
“Pagtatatag ng mga maliliit ng Paraiso tulad nitong Tenement. Ano sa tingin mo? Pwede ring isang lugar kung nila dadalhin ang mga Resisto. Kung saan walang mga inosenteng mapapahamak.”
“Magandang idea. Ipagbigay alam natin kay Lee ang iyong plano.”
Tumango ako. “Sa tingin ko ay panahon na rin para ibigay natin ang pagkakataon sa kanila para protektahan ang mundo sa paraang kaya nila at kapag nagtagumpay tayo ay magiging panatag ang ating loob.”
“Alam mo bang kahit duda ako sa isa pang pangitain ay umaasa pa rin akong hindi si Rich ang Itinakda?”
“Pare-pareho naman yata tayong ganyan ang nais. Pero doon tayo sa mas makakabuti. Nandiyan si Rich. Huwag na tayong maghanap ng ibang tutupad ng propesiya dahil wala na tayong oras.”
-
Binalikan namin ang aming motor. Nasa itaas kami ng mga gusali. Pinagmamasdan namin ang ilang kalalakihang mistulang mayroong hinahanap. Sila iyong mga masasamang loob kagabi.
Ang nakakapagtaka ay mayroon silang mga kasamang miyembro ng Lakbay. Hindi mo na talaga alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo ngayon.
“Alam mo naman pwedeng-pwede ko silang itumba.”
“Hayaan mong mahilo sila sa kakahanap ng ebidensiya kung sino ang naka-engkwentro nila kagabi. They are fools to start with.”
“Paano na ang mga motor natin?”
“Magkano ang motor mo?” Humarap ako sa kanya. “Mga magkano na ang nagastos mo dito?”
“Gago ka ba?! Huwag mong sabihing aabandonahin natin? Hoy! Kahit mura lang iyong pinagkaiingatan ko `yon! Bahala ka diyan, kukunin ko ang motor ko.”
Pinigilan ko siya nang mapansin ko ang isa na inaamoy ang nasa palad niya. Damn! Iyong mga bato na pinagpupukol ko kagabi.
“Parang aso…”
Tinaas ko nang bahagya ang aking kanang kamay para pigilan siyang magsalita. Sa mental telepathy ko siya kakausapin.
“Ano sa tingin mo ang gagawin ni Lee kapag nasa ganitong sitwasyon?”
“Patatahimikin niya nang tuluyan ang mga `yan.”
Parang gusto kong maging marahas ngayon kapag naalala ko ang pinaggagawa nila sa mga Resisto. May mga bato pa sa bulsa ko. Inaasinta ko sila nang biglang may mga sumugod sa mga ito. Mga residente ng tenement!
Much to our surprise, magagaling silang makipaglaban na hindi gaanong gumagamit ng kapangyarihan. May mga gumagamit ng kuryente, tubig at hangin. Mayroong naging metal ang braso at pinagsusuntok ang isa sa mga masasamang loob.
Wala silang iniwang buhay!
“Mas marahas pa pala sila sa naiisip ko.” Natatawang komento ni Neon.
“Which makes me think. Hinuhuli kaya sila para gawing kasangkapan lamang o dahil natatakot silang mas malalakas ang mga ito kaysa sa mga Resistong kaanib nila?”
Nagkibit-balikat siya. “Isang malaking palaisipin. Kung magkaanib na ang Lakbay at Supil ay tagilid na ang XXU. Hindi kaya ang salot ay miyembro ng isa sa kanila?”
“Ano ba? Hindi ba kayo babalik dito?! Tirik na tirik na ang araw!”
Si Nate!
Natawa si Neon. “Sumakit ang ulo ko bigla. Kahit sa mental telepathy parang mabibingi ang tainga ko. Dapat magka-girlfriend na siya ulit e. Haha!”
“Don’t wish for it. Angtagal niyang naka-move on noong kaialangang burahin ang alaala ng kasintahan niya.”
“As if lahat tayo ay nakaka-move on agad sa mga minahal natin.” Bumuntonghininga siya.
“Kunin na natin ang mga motor nang makabalik na tayo sa XXU.”