Kabanata 48 - RICH: "Paalala ni Lola Laura"

1888 Words
Maayos-ayos na ang pakiramdam ko. Mabilis rin manumbalik ang aking lakas. Perks siguro ito ng pagiging Itinakda. Self-healing ang peg! Overnight lang parang pwede na ulit akong makibakbakan. Love ko ang ganitong powers. Gusto kong lumabas kanina pa pero bawal pa daw. Grabe naman sila sa ka-istrikto. Hindi naman ako mahahamugan sa labas. Ako na lang ang naiwan dito sa kwarto. Lumipat kasi si Haiku sa kabilang bahay. Mas gusto daw niyang kasama sina Ulap at Zeo. Na-miss yata niya ang mga kalaro niya. Magtatampo na ako sa batang iyon talaga. Hay, naku! Hinagilap ko ang aking cellphone sa bag. Bored na ako e. Maglalaro na muna ako ng snake-snake. Mas mabuti pa itong habulan ng snake sa cellphone walang namamata. Ha ha! Halla! May tatlong missed calls si Leith. Tsk! Hindi ba iyong marunong mag-text? Nakakakaba kaya kapag call. I-text ko na nga. Anong magandang sabihin? Hi. Musta naman? Mali. Feeling close na ako no`n. Hello. Bakit ka napatawag? Pwede na `to. Hindi naman kami friends na friends e. Baka may sasabihin lang siyang importante. O kaya may free tickets sa Moon City. Sent! Oh shocks! Nag-reply siya! “Good morning! How are you? I hope you’re doing okay.” Ano ba naman `to? Englishan ang labanan ba? Kulang ang baon kong English! Hay! Bahala kang mag-adjust, Leith. Ha ha! “Gud Murning! Okay lang. ikaw ba? Sorry. Hindi spokening dollars. Ha ha! Joke!” Siyempre, sasabihin ko ay okay lang kahit may pinagdaanan akong pakikipaglaban kagabi. Duh! Dapat sekreto lang ang mga ganoong bagay-bagay. Mukhang marami siyang oras. Nagreply ulit e. Aba! Marunong din pala siyang gumamit ng emoticon. Ha ha! Tatlong smiley ang bumungad sa akin. “Nice to hear you’re okay. Are you around the city? Pwede ba kitang imbitahang kumain sa labas?” Kumain daw sa labas. Date ba ito? Charot self. Huwag assumera. Nakaka-disapoint `yan. Mag-yes sana ako kaso wala naman ako sa Maynila. Sayang! “Nasa bakasyon ako e. Hehe. Sorry na. Wrong timing. Harhar.” Ano kaya ang itsura ko kapag tumawa ako sa totoong buhay ng “Harhar”. Muntanga siguro. E yaan na nga. Cute kasi sa text `yong ganoong tawa. Teka lang ha? May kung anong kumikiliti sa puso ko! Haha. Ito `yong tinatawag na kilig. Parang hinahaplos ang puso ko. Pinaghehele pa nga e! Ha ha! Isa na akong ganap na dalaga. May nag-iimbita-imbita na. Tinuktok ko ng ilang beses ang phone ko sa kilig. Ha ha! Gandang-ganda tuloy ako sa sarili ko. Ha ha! Wait. Nag-reply ulit siya. “Ganoon ba? Pagbalik mo ng Manila, update mo ha? Then maybe pwede na kitang ayain for coffee?” Kahit hindi ako mahilig sa kape, go ako diyan! Haha! “Sure! No prob!” Kasunod ang tatlong emoticon na nakangiti, labas lahat ng ngipin. Hindi pa ako nagmukhang easy-to-get noon? “Bakit ka ngumingiti mag-isa?” Napamura ako sa surprise entrance ni Lee. Nakahalukipkip siya na nakatingin sa akin. Parang naghihintay pa ng sagot e. “E hindi ka marunong kumatok?” Unahan ko na ng pagsusungit para naman hindi siya `yong nag-aabot ng kilay. Tinuro niya ang pintuan. Oo nga naman. Paano ka kakatok e kurtina lamang ang takip nito. Ni-lock ko na ang cellphone saka binalik sa bag. “Bakit? De basahin mo sa isip ko. Dali oh. Oh.” China-challenge ko siya pero ayoko talagang basahin niya ang iniisip ko. Duh! Baka bigla niya akong pagbawalang makipagkita sa friends outside XXU `no. “You’re acting like you’re hiding something.” “Mapaghinala ka lang kaya ganyan. Tss. Si Haiku nga iniisip mong kalaban e. Che!” Speaking of Haiku. “Teka. Si Haiku? Okay na ba siya?” Tumango siya. “`Yong kagabi nga pala. Saan mo natutunan ang Teknik na `yon?” “`Yong icicles? `Di ba tinulungan mo ako doon?” “Hindi. Ang paggamit sa kapangyarihan ng iba.” “Ah, `yon ba?” sandali akong nag-isip ng pangmatalinong sagot. Iyong kakabiliban naman niya ako. Itinakda e. Dapat makabuluhan. Kaso… “Ha ha! Ewan ko din! Naisip ko lang. sumugal lang ako. ha ha!” “What? You’re not even sure sa atakeng `yon? Kung pumalpak ka? Ano sa tingin mo ang mangyayari?” Sunod-sunod na naman ang rant niya. Diyos ko naman. “Pumalpak ba? Hindi `di ba? Very nice idea kaya `yon. Saka ginamit ko naman nang konti ang utak ko. Ten percent utak, ninety percent tubig at dasal. Ha ha!” Tumayo ako saka ko siya nilapitan. Tinakpik-tapik ko siya sa kaliwang braso. “Tanggap-tanggap rin Master na minsan may mga teknik akong biglaan pero very epektib. Hihi. Tara na sa labas. Morning exercise na.” --- Nasa himpapawid kami ni Lee, sa tapat ng Puno ng Pag-asa. Kitang-kita dito ang buong Paraiso. “Anglawak. Angganda ng view mula dito.” Umikot ako para matingnang maigi ang barrier. “May mga konting lamat pa akong naaaninag.” “For the past years, ginagawa ko lang itong mag-isa.” “Ang alin?” “Ang paglalagay sa barrier ng huling seal. Gawin mo ang seal ng icicles sa pinakasentro ng barrier. Susundan ko naman ito ng seal ng chain chrome.” “Teka, atake ni Jisho `yon `di ba? Kaya mo ring gayahin ang kapangyarihan niya?” “Huwag nang maraming tanong. Gawin mo na ang seal.” “Ito na nga. Nag-aapura? May pupuntahan?” Sarkastiko kong sagot. Grabe e. Curious lang naman ako. super master to the highest level siguro siya. Baka pati super speed ni Neon kaya rin niya. De siya na ang superlord! Tsk! Lumikha ako ng handseal ng icicles. Pagkakumpas ko nito patungo sa sentro ng barrier ay automatic na lumaki ito. Wow! Auto-resize yern? Nagliwanag ang seal pagkadikit nito sa barrier. Napakahiwaga naman talaga! Sinundan ito ng handseal na nilikha ni Lee. Gaya kanina ay lumaki rin ito. Anglinaw kong nakikita ang alab at yelo sa kabilang bahagi. Teka lang? Dalawang layer ang barrier? Napatingin ako sa kanya. Nakangiti pa itong pinagmamasdan ang kabilang bahagi. Parang mga tentacles ng octopus ang mga chain chrome. Nag-aalab ang mga ito. “Bakit chain chrome lang ang nasa labas? Dalawa naman tayong naglagay ng seal ah?” “Ang chain chrome ang magsisilbing crust ng Barrier. Kumbaga sa earth, first layer lang siya. Kapag may halimaw na makalampas sa chrome, saka lang kakawala ang mga Icicles. Added layer of protection para sa Paraiso.” “Hulaan ko. Ngayon mo lang `to ginawa `no? Kasi tiwala ka sa barrier na walang makakasira nito? Aminin!” Pang-aasar ko sa kanya. “Imagine, kung wala ako dito kahapon. Disaster. Wala bang ‘Good job!’ diyan?” “Bumalik na tayo sa ibaba.” Grabe! Hindi man lang mag-thank you! Parang napakahirap sabihin ha? --- Mag-stay pa daw kami dito ng isang gabi dahil kailangan ring magpahinga ng mga Incognito. Iyong mga hiningan ko ng tulong ay hindi pa nababawi ang mga lakas niya. Halla! Wala naman sigurong mamamatay sa kanila. Natutuwa ako dito. May bayanihan e. Bawat bahay mayroong isa o dalawang Incognito na nagpapahinga. Anggaling! At dahil extend ng staycation, bored ulit ako! Pinapanood ko sina Rhaan na sinasanay ang mga binatilyo sa pakikipaglaban. Kailan kaya darating `yong panahon na ang pagkakaabalahan ng mga kabataan ay pakikipagkaibigan, panliligaw, pag-aaral, paglalakwatsa o kaya naman pag-escape sa klase. Ha ha! mas masaya ang ganoon kaysa ganitong puro pakikidigma o kaya pag-iisip ng paraan kung paano makaka-survive sa araw-araw. Hay! “Bakit parang anglalim ng iniisip mo, Hija.” Tumingala ako. Si Lola Tong its! Ha ha! “Aba, angkikisig naman ng mga binatilyo. Anggagaling makipaglaban o.” Ginagamit ni Lola Laura ang kanyang tungkod sa pagturo sa mga nagsasanay. Nakapa-meywang pa nga siya e. “Tingnan mo iyong patpatin na `yon. Naku. Dapat ay kumain `yan ng gulay para naman magkalaman. Madaling itutumba ng kalaban `yan.” “`La, walang session ngayon? Ha ha! Charot lang po. Bakit po kayo nandito?” “Kami e nag-eexercise rin naman. Saka hindi ka pumunta sa bahay ni Pransing. Wala kaming kalaro.” Ha ha! Nalimot ko nga pala. Saka nakatulog din ako gawa ng pagod. “Pasensya na po kayo. Nagkaroon ng emergency e. Nalobat ako. Plakda tulog e.” Tumango-tango lang siya. “Kitang-kita ko nga kung paano niyo tinalo ang mga halimaw. Mahusay, Hija. Mahusay.” “Talaga po?” Nayakap ko pa si Lola sa tuwa. “Grabe. Kayo pa lang ang pumuri sa akin. Kilig ako, Lola. As in! Kumakabog ang puso ko. Ganito oh.” Nilagay ko ang aking nakakuyom na kamao sa tapat ng puso ko. “Togodog. Sabi ng puso ko sa kilig. Ha ha!” Marahan na pinalo ni Lola ang braso ko gamit ang kanyang tungkod. “Angbilis mo namang matuwa. Itigil mo nga `yan.” “E masaya lang ako Lola kaso na-apreciate mo ako. `Yong iba kasi parang wala lang. Nag-improve na nga ako at lahat parang hindi pa rin ako nakakaalis sa level one. Alam niyo `yon? Mashaket sa pyuso minsan.” “Ang tinutukoy mo ba ay si Lee?” natawa niyang tanong. “Tumpak! No other than Master Lee, the perfectionist! Wala man lang good job. Keep up the good work. Motivation pa man din `yon.” “Bakit ka ba gumagawa ng mabuti? Para purihin ka o dahil iyon ang tama?” Grabe sa paninira ng trip si Lola ha. Ni-realtalk ako kaagad, wala pang five minutes. “Gawin mo lang ang sa tingin mo ay makabubuti para sa lahat, pasasaan ba at maririnig mo rin ang mga gusto mong papuri galing sa kanya. Naalala ko, limang taon rin ang ginugol namin sa pakikipaglaban bago kami pinuri ni Lee.” Angtagal noon! Angdamot talaga niya sa pagbibigay ng compliment. Nag-inat-inat si Lola. “Nananakit na ang balakang ko talaga. Hay naku!” Papalapit sa amin si Lee at Nuie. Nag-aabot na naman ang kilay niya. Aba! Anggalang naman bigla. May pagyuko pa siyang nalalaman. “Salamat at pinaunlakan mo ang hiling ko.” Pagbati ni Lee kay Lola. “Aba’y, minsan lang humingi ng pabor ang Master Lee, hihindi ba ang isang hamak ng hunter? Ano ba ang maipaglilingkod ko sa `yo?” “Kailangan ko ng bagong set ng baraha.” Seryoso niyang sagot. “Magsusugal ka rin, Lee?” Bulalas ko kaagad na ikinatawa ni Nuie. Sinenyasan niya akong pigilan ang bibig ko. “Oops. Sorry na agad.” Umakto akong nag-zipper ng bibig. Huwag na kasing sasabad-sabad sa usapan, Rich! “Para sa isang bata.” Paglalahad ulit ni Lee. “Ang tanging baraha na mayroon siya ay alaala ng kanyang ama at hindi ko gustong gamitin niya iyong sa pakikipaglaban.” “Maari ring mabunyag ang kanyang lihim na katauhan.” Dagdag ni Lola Laura. “Tama ba?” Tumango si Lee. “Kung ganoon ay sige. Pero sa isang kondisyon.” “Anong kondisyon?” “Itigil mo ang paghahanap sa binata dahil hindi mo ito matatagpuan.” Puno ng pagtataka ang mukha ni Lee. Maging ako ay hindi ko maunawaan kung ano ang sinasabi ni Lola. May long lost jowang lalaki ba si Lee? Taksil naman pala `to kay Raio e! “Anong ibig mong sabihing hindi ko matatagpuan?” Nagkibit-balikat si Lola. “Iyan lang ang nakita ko sa aking baraha. Hindi siya mahahanap ng mga inutusan mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD