Kabanata 47 - RICH : "Paggabay ni Raio"

1940 Words
Tulog na tulog pa rin si Haiku. Anim na oras na yata siyang tulog. Normal lang ba `to? Walang gisingan e. Pirming nakapikit lang siya. Sina Eirol at Mille ang kasama kong nagbabantay sa kanya. Wala daw tiwala sa akin si Lee. Baka daw maisipan kong tanggalin o kontrahin ang kapangyarihan nitong harang e. “Angsarap talagang tuktukan ni Lee minsan. Anong akala niya sa akin?” Natawa si Eirol. “Uhm, hayaan mo na. Nag-iingat lang si Lee. Baka nga kasi bigla mong maispang testingin ang kapangyarihan mo e. Haha” “Sige. Pagkaisahan niyo pa ako,” simangot ko sa mga ito. Nakatitig si Mille kay Haiku. “Pagmasdan mo siya, Eirol. Napakainosente. Kanina lamang ay nabanggit-banggit pa niya ang pagdanak ng dugo. Hindi kaya may dugo ng panghuhula ang batang ito?” “Hindi malayo pero bakit naman delubyo ang nakikita niya.” Naiiling na sabi ni Eirol. “Tsk tsk. Pero hindi ko rin masasabing masama ang kutob ko sa kanya. Pogi pa namang bata. Hindi ko alam kung anong sasapitin niya kung isa siya sa mga kalaban.” “Anong ibig mong sabihin?” Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita niya. “E de papaslangin siya ni Lee. Ano pa ba ang ginagawa sa mga kalaban `di ba?” Ano?! Hindi pwede! “Kaya ipagdasal mo na lang din, Rich, na kakampi siya. Dahil hindi nakakatuwang makitang magalit si Lee." Biglang tumunog ang sirena. Atubiling sumilip sa bintana sina Eirol. Nakakabingi! Ano kaya ang nangyayari? “May mga nagtatangkang pumasok sa Paraiso!” sigaw ni Mille. Atubili silang lumabas sa may bintana. Sumunod rin ako kaagad. Tumalon-talon kami sa mga bubong patungo sa direksyon na nagkakaroon ng malakidlat na reaksyon ang barrier. Malapit-lapit lang ito sa amin. Napatigil si Eirol. “Balikan mo si Haiku, Rich!” “Pero gusto kong tumulong.” “Hindi nila masisira ang barrier. Balikan mo na lamang si Haiku.” Ginawa ko ang sinabi nila. Totoo nga. Ang bahagi ng barrier malapit sa bahay na pinagpapahingahan ni Haiku ay kumikidlat-kidlat at mayroong bahagi na pinagmumulan ng sentro ng pag-atake. Parang iyong nililika ng patak ng ulan. Wari nag-eecho pa nga ito sa aking pandinig. Sandali! Bakit parang may nababasag? Nilakasan ko ang kapangyarihang nilalabas ko hanggang sa lumulutang na ako. Ilang porsyento pa ng kapangyarihan at tumubo ang aking nagyeyelong pakpak. Resulta ito ng aking pagsasanay. Hindi ako makapaniwalang nakakaya ko nang lumipad! Mabilis akong tumungo sa barrier. Matayog na ang aking paglipad! Angdami nila. Sinusuntok nila at pinapaulaan ng mga sandata ang barrier subalit wala ni isa dito ang tumatagos. Nandidiri ako sa mga itsura nila. Angtatalim ng mga pangil, naglalaway at nanlilisik ang kanilang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko pero naglakas loob akong mas lumapit sa barrier. Nakikita ba nila ako? Winagayway ko ang aking kanang kamay pero ne wala silang reaksyon. Inilalapit ko ang aking palad sa parteng inaatake nila. May kung anong puwersang parang sumusuntok sa akin palad. Normal lamang ba ito? “Icicles…” Sigaw ng kung sino sa isip ko. Ilang beses akong umiling pero paulit-ulit pa rin ang mga katagang ito sa aking isipan. Pumikit ako upang kalmahin ang sarili ko. Hindi ko inaasahang makikita ko si Raio! Weird ang pakiramdam na parang sarili ko ang nakikita ko. Ang pagkakaiba lamang ay ang aming kasuotan. Nakasuot siya ng makalumang kimono. Naglabasan ang mga icicles sa paligid ni Raio. Umikot ang mga ito sa kanya. Lumitaw ang imahe ng tulad ng sitwasyon ko ngayon. Mga halimaw na umaatake rin sa kanyang harang. Sa kanyang kumpas ay tumagos sa harang ang icicles at napuksa ang mga halimaw. “Maging isa tayo…” Pagkasabi niyang ay naglaho na siya. Para namang napatid ang aking paghinga nang magmulat ako. Mas dumami ang mga halimaw! Nakikitaan ko ng pag-c***k ang barrier. Hindi ito maari! Nasa himpapawid ako pero parang nag-zoom in ang aking paningin. Kitang-kita ko ang paglikas ng mga Incognito sa mamamayan. Nakita kong karga-karga ng isa si Haiku. Sinubuksan kong makipag-kominikasyon sa kanya gamit ang mental telepathy. “Ikaw na karga-karga si Haiku.” Napatigil ito sa pagtakbo at tumingala. “Nailikas na ba lahat?” Malinaw sa akin paningin ang kanyang pagtango. “Dalhin niyo sila sa ligtas na lugar.” Nagpalinga-linga ako. Napakaraming bahagi ng barrier ang inaatake subalit ang mga Incognito ay nakaabang lamang. Hindi siguro nila nakikita ang mga cracks. Lumikha ako ng mga icicles gaya ng ginawa ni Raio. Pero bago iyan ay pinalibutan ko ng harang ang mga kabahayan. Magiging proteksyon ito kung sakaling hindi maging matagumpay ang gagawin ko. Handa na ang mga icicles. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” Malakas na sigaw ang pumigil sa akin. Si Lee. Nag-aalab ang kanyang pakpak na pero kalmado ang kanyang mukha. “Bakit ka lumikha ng mga icicles?” “Hindi mo ba nakikita? Inaatake na tayo ng mga halimaw! Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Tumunganga?” “Hindi nila masisira ang barrier, Rich.” Dagli ko siyang hinawakan at itinuro ang mga c***k na nakita ko kanina. Maging siya ay nagulat sa kanyang nakita. Inilibot niya ang kanyang tingin. Nabanaag ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hindi lang sa parteng ito nagkakaroon ng lamat ang barrier. Maging sa ibang bahagi na binabantayan ng mga Incognito ay mayroon na rin at hindi pa tumitigil ang mga halimaw sa pag-atake. “Humanda kayo sa pakikipaglaban!” Sigaw ni Lee. Para itong nag-echo sa aking isip. Mental telepathy?! Nakakabingi! Naglabas siya ng matinding alab. Hindi ko na hinintay kung ano ang gagawin niya. Kumumpas ako at ang mga icicles ay tumagos sa barrier. Tumarak ito sa mga halimaw. “Paanong—” “Ginabayan ako ni Raio.” Sagot ko at nakaisip ako ng isang magandang plano. Humawak ako sa kanya upang makausap ko lahat ng Incognito. Nagpokus akong mabuti. “Lahat ng may kapangyarihang may kaugnay sa tubig. Ilapat ninyo ang inyong mga palad sa barrier.” Raio gabayan mo ang aking idea. Humahaba na ang barrier. Kinikilabutan na ako sa pagmumukha ng mga halimaw! “Handa na ba ang lahat?” Nagitla ako nang may tumagos sa barrier na sandata. Bago pa man ito dumapo sa lupa ay natunaw na ito ni Lee. Inilapat ko rin ang aking mga palad sa barrier. Nagba-vibrate ito gawa ng pag-atake ng mga halimaw. Nagpokus ako at muling nagpalabas ng matinding kapangyarihan. Ganito pala hindi mo mapipigilan ang sumigaw upang ma-release ang pwersa. Pagmulat ko ay mabilis na gumapang sa barrier ang aking kapangyarihan. Nagkakaroon ng mga matatalim na yelo sa kabilang bahagi ng barrier. Malayo sa itsura ng icicles na nilikha ko kanina, nagmistula itong mga ugat na mabilis lumalago at ginagapos ang mga halimaw ayon sa aking naiisip. Rinig ko ang hiyawan ng mga halimaw sa sakit ng pagtarak ng mga yelo sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan. May mangilan-ngilang pa ring nagagawang kumawala subalit mabilis rin silang naigagapos ng mga yelo. “Sa sentro ng barrier…” Sigaw ng kung sino sa isip ko. Malamang ay si Raio ulit ito. tumingala ako sa pinakasentro ng barrier. Katapat lamang ito ng puno ng Pag-asa. Mayroon na itong lamat. Atubiling lumipad si Lee patungo doon. Hindi ko pwedeng tanggalin ang pagkakalapat ng aking palad sa barrier. Paano akong… Teka! Kung ito ay parang sphere pwede akong mag-slide patungo sa sentro! Hangga’t maari ay sinabayan ko ang bilis ni Lee. nakalapat ang kaliwang palad ko sa barrier habang lumilipat ako sa direksyong hilaga patungo sa sentro. Sila yata ang mga pinakamalalakas sa lahat ng halimaw. Hindi nila alintana ang mga yelong gumagapos sa kanila. Nababasag nila ang mga ito nang ganoon-ganoon lang. Lumikha siya ng handseal. Mas nag-alab ang kanyang pakpak. Nagsisiangatan ang mga nag-aalab at matatalim na bato. Nakatutok ang mga ito sa mga halimaw na umaatake sa mga lamat. Gamit ang aking kanang kamay ay lumikha ako ng mga icicles na halos pareho ang bilang sa mga nag-aalab na bato. Parang nagkaunawaan na kami sa susunod naming gagawin. Ang mga nag-aalab na bato ay binalutan ko ng icicles. Sa aking kumpas ay tumagos ang mga ito sa barrier. Hindi ako makapaniwalang paglabas ng mga bato ay mas nag-alab ang mga ito. Natunaw ang mga icicles. Sinusunog niya ang mga halimaw! Onti-onting nauubos ang sumisigaw na mga halimaw. Ang alab ni Lee sa kabilang bahagi ay mas lumalawak. Kung saang direksyon niya ikinukumpas ang kanyang palad ay doon ang tungo ng alab. Dahan-dahan ko na ring tinanggal ang pagkakalapat ng palad ko sa barrier. Sa wakas ay natapos rin. Mapayapa na ulit ang Paraiso. Nahihilo ako. Nasobrahan na naman yata ako sa paggamit ng kapangyarihan. --- Nasa iisang kwarto na kami ni Haiku pagkagising ko. Si Nuie ang nagbabantay sa amin. Angsakit pa ng ulo ko. Nakakainis naman! Kailan ko ba magagamit ang kapangyarihan ko nang hindi ako nahihimatay? Hirap akong bumangon. Hooh! Angdami ko yatang nagamit na kapangyarihan. Lumapit sa akin si Nuie. “Teka. Huwag ka munang bumangon.” “Masakit na ang likod ko. Ilang oras na ba akong tulog?” Pinakita niya ang kanyang hintuturo. “Isang oras?” “Isang araw.” “Ano? Isang araw?!” Mas sumakit tuloy ang ulo ko. Isang araw na akong tulog. Anong nangyari? Comatose ba ako? Teka. Iyong pagtawa niya. “Pinagti-tripan mo ko, Nuie! Alam ko ang mga tawa mong `yan!” Bumunghalit na siya ng tawa. “Grabe, Rich! Astig mo sa kanina! Biruin mo naisip mong gamitin ang kapangyarihan ng ibang Incognito! Astig! Proud ako sa`yo…” Niyakap pa niya ako at tinapik-tapik ang likod. "Rich. So proud.” Nagpalinga-linga ako. Wala ang reyna ng kasungitan. “Kung hinahanap mo si Lee, chinecheck niya ang mga evacuees. Pinuntahan rin niya ang kanyang ina. Ibig kong sabihing re-incarnation ng Mahal ng Reyna.” “Hindi ko siya hinahanap.” “Weh? Mamatay man? Ha ha! E bakit may pagtingin-tingin sa paligid? Ha ha! Joke lang!” “Si Haiku? Nagising na ba siya?” Tumango siya. “Pinakain ko lang siya at pinatulog ulit. Parang hapong-hapo ang batang `yan. Nagkaroon siya ng pangitain kanina. Muntik na ngang magkatotoo kung hindi mo lang naagapan.” “Ginabayan ako ni Raio kanina. Hindi ko naman maiisip ang ganoong bagay. Hindi kaya ng utak ko.” “Alin ba doon? Sa naalala ko kasi ang tanging alam lang gawin ni Raio noon ay icicle dance. Pero iyong paggamit sa kapangyarihan ng iba ay hindi na niya nagawang pag-aralan dahil pinaslang na siya.” Tinapik niya ang aking kaliwang braso. “Astig ka talaga, Rich! Pero mas namimiss ko `yong abilidad mong gumawa ng pagkain. Ha ha!” Hindi ko na siya pinansin. Tiningan ko ang aking mga palad. Nagawa ko iyon? Nakagawa ako ng Teknik na hindi pa nagawa ni Raio! Naiiyak ako sa galak! Pinahid ko na nga ang luhang kumawala sa mga mata ko. “Teka, anong nakakaiyak? Hoy.” Umiling ako. “Natutuwa lang ako na mayroon akong ambag sa pakikipaglaban.” “Haha. Parehong-pareho kayo ni Brigitte. Noong unang makasama sa labanan at makatalo ng tatlong halimaw e nagtatalon pa. Ganap na guardian na daw siya.” “Kailangan ko pang magsanay para hindi na ako mahilo o kaya mahimatay. Nakakahiya na. Gusto ko na ring mabasa ang nasa huling pahinga ng kwaderno. Blanko pa rin kasi ito hindi ko pa maaninag ang mga nakasulat dito.” Nakitaan ko ng lungkot ang kanyang mukha. Pero mabilis itong nagbago. Ngumiti siya at pumalakpak ng dalawang beses. “Kung ganoon ay magsanay tayo agad bukas. Siguradong matutuwa si Lee kapag nakitang masigasig sa pagsasanay ang Itinakda.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD