Chapter 09
Ariana Xiamara
TAHIMIK lang akong nakatayo sa tabi ni Isaac habang ang babae sa harapan namin ay tahasang nakatitig sa akin mula ulo hanggang paa. May halong pagsusuri ang mga mata niya, na para bang naghahanap siya ng kung anong mali sa akin. Nang akmang magsasalita si Isaac para ipakilala ako, inunahan siya ng babae.
"Amaya," pakilala niya, ang tono ng boses niya ay may bahid ng yabang habang iniangat ang baba. "I'm the daughter of the owner of this club," dagdag pa niya, may pagmamalaki sa boses. Humarap siya kay Isaac at bahagyang tumitig, bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "And you are...?"
Napalunok ako nang bahagya. Ramdam ko ang kaba sa bawat salita niya pero hindi ko hinayaan na makita niyang naaapektuhan ako.
"Aria," sagot ko nang diretso. Pinilit kong gawing simple ang tono ko. "Kaibigan ako ni Isaac."
Bahagyang kumunot ang noo niya, at ang ngiti niya ay manipis, halatang hindi totoo. "Friend? I see."
Natahimik si Isaac, halatang hindi alam kung paano sasagot. Lumagok na lang siya ng alak, halatang iniiwasan ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa.
"Kaibigan?" ulit ni Amaya, at sa tono ng boses niya, alam kong hindi siya naniniwala. Tumango–tango siya nang mabagal, na para bang sinusukat ako. "Interesting. This is the first time I've seen him talk to another woman. Very unusual."
Napatingin ako kay Isaac, umaasa na sasalo siya sa usapan para maibsan ang tensyon. Pero nanatili lang siyang tahimik, halatang ayaw makisawsaw.
Huminga ako nang malalim at ngumiti, pilit na pinapakita ang kumpiyansa ko. "Oo, kaibigan lang talaga."
Si Amaya naman ay bahagyang umikot, parang gustong makita pa ako sa ibang anggulo. Ang amoy ng mamahaling pabango niya ay sumingaw, at ang mga mata niya ay parang gustong tumagos sa akin.
"Well, Aria," aniya, binibigkas ang pangalan ko nang dahan–dahan. "Sana nga'y kaibigan lang talaga. Right, Isaac?"
Napatitig si Isaac kay Amaya at saka bahagyang umiling. Tumikhim siya bago sumagot. "That's right. Aria's just a friend."
Ngunit tila hindi kumbinsido si Amaya. Tumalikod siya kay Isaac at humarap sa akin muli, mas malapit na ngayon. "If that's the case, I'm sure we'll get along. I hope you don't mind if I borrow him for a while."
Tanging pagtango ang isinagot ko, pilit na iniintindi ang sitwasyon. Naramdaman ko ang malamig na hangin mula sa aircon ng club, ngunit tila ba mas malamig ang tingin ni Amaya sa akin kaysa sa paligid.
Habang umaalis si Amaya kasama si Isaac, napatingin ako sa likuran nila. Sa isip ko, paulit-ulit ang tanong na. "Sino ba talaga siya sa buhay ni Isaac? At bakit parang gusto niyang siguruhin na wala akong puwang dito?"
Nanatili akong mag–isang nakatayo sa sulok ng bar matapos umalis si Isaac at Amaya. Ramdam ko ang kakaibang lungkot at kalituhan na sumiksik sa dibdib ko. Bakit parang may karapatan siyang maging ganon ka–possessive sa kanya?
Naputol ang iniisip ko nang biglang lumapit si Chel, ang kaibigan ko sa club. May dala siyang tray ng inumin at isang tingin pa lang niya sa akin, alam kong alam niya na may nangyari. Tumigil siya sa tabi ko, naglagay ng tray sa counter, at saka tumingin sa akin nang diretso.
"Aria," aniya, medyo mahinahon ang tono pero halatang may babala sa mga mata niya. "May sasabihin ako sa'yo."
Napatingin ako sa kanya, nagtataka. "Ano 'yon?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis sa noo.
Lumapit siya nang kaunti at bumaba ang boses niya. "Mag–ingat ka kay Amaya."
Nabigla ako sa sinabi niya. "Bakit? Ano naman ang meron sa kanya?"
Nagkibit–balikat si Chel pero halata sa mukha niya ang seryosong ekspresyon. "Isa lang ang masasabi ko: selosa 'yon. Sobra. Kapag nakita niyang may babae sa paligid ni Isaac, kahit wala namang mali, gagawan niya ng paraan para siraan o itaboy 'yong babae."
Napalunok ako. "Ganun ba?"
Tumango si Chel, kasabay ng pag–ikot ng tray niya. "Oo. At alam mo ba? May asawa na 'yang si Amaya."
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko. "Asawa?"
"Oo," sagot niya, ang boses niya mas mababa na para hindi marinig ng iba. "Pero kahit may asawa na siya, nakikipagkita pa rin kay Isaac. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit pumapayag si Isaac sa ganito. Alam mo naman, mabait si Isaac, pero..." Tumigil siya saglit, parang may iniisip na mas mabigat. "Kapag nalaman ng asawa ni Amaya ang ginagawa niya, baka si Isaac pa ang mapahamak."
Napatitig ako sa sahig, sinusubukang unawain ang mga sinabi niya. "So, ano'ng sinasabi mo?"
"Simple lang," sagot ni Chel, ngayon ay direkta na ang tono. "Kung ako sa'yo, umiwas ka na habang maaga pa. Walang magandang maidudulot 'yang pagiging malapit mo kay Isaac kung si Amaya ang kalaban mo."
Tumingin siya sa akin nang matagal bago siya muling nagsalita. "Alam ko mabait si Isaac, at siguro masarap kasama, pero Aria...hindi lahat ng mabait ay safe. Lalo na kung may Amaya sa paligid."
Tumayo si Chel at kinuha ang tray niya. Bago siya umalis, tumingin siya sa akin nang seryoso. "Think about it, Aria. Ayokong madamay ka sa gulo."
Habang naglalakad siya palayo, naiwan akong tulala. Tila ba ang mga salita niya ay nag–iwan ng tanong sa isip ko. Ano nga ba ang dapat kong katakutan kay Amaya, pero wala akong paki–alam sa mga banta niya.
Mabilis kong sinundan si Chel. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang kapatid ni Isaac, pero gusto kong malaman ang tungkol dito. Tumakbo ako palabas ng break room at nakita ko siya sa gilid, nag-aayos ng tray.
Agad ko siyang nilapitan. "Chel, sandali."
Nagtaas siya ng kilay, halatang nagulat sa paglapit ko. "Oh, Aria, bakit? May problema ba?"
Hinihingal pa ako pero hindi ko na iyon ininda. "May tanong ako. Kilala mo ba ang kapatid ni Isaac?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Kapatid ni Isaac? Bakit mo naman naitanong?"
Nagkibit–balikat ako. "Wala lang. Parang nabanggit niya dati. Curious lang ako."
Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin na parang may iniisip. "Actually, may nabanggit na si Isaac tungkol doon. Pero hindi ko pa siya nakikita nang personal."
Lalo akong na–curious. "So totoo ngang may kapatid siya? Ano bang kwento? May sinasabi ba si Isaac tungkol sa kanila?" Kunwa'y na tanong ko, sobrang kuryos ako sa mga kwento kanina.
Napabuntong–hininga si Chel at tumingin sa paligid, siguradong walang ibang nakikinig. "Ang alam ko lang, close daw silang magkapatid noon. Pero may nangyari, kaya nagkaroon ng lamat ang relasyon nila. Hindi rin siya gaanong nagkukwento tungkol doon, pero halatang big deal iyon kay Isaac."
"Big deal?" tanong ko, halos pabulong.
Tumango si Chel. "Oo. Parang masakit para sa kanya. Kaya kung ako sa'yo, Aria, huwag mo nang ungkatin pa. Ayokong makadagdag ka pa sa dinadala niya."
Pero hindi ko mapigilang mag–isip. Ano kaya ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang sakit sa kwento ni Isaac tungkol sa kapatid niya?
Nagpasalamat ako kay Chel bago ako babalik sa kwarto ko. Ngunit habang naglalakad pabalik, ang isip ko ay puno ng tanong. Sino nga ba ang kapatid ni Isaac? At bakit tila ba ang anino ng taong iyon ay patuloy na humahabol sa kanya?
Pagbukas ko ng pinto, napahinto ako. Naroon si Amaya, nakaupo sa gilid ng kama ko, naka–cross ang mahahabang binti, at nakangiti nang patuya habang nakatitig sa akin. Sa likod niya, dalawang babae ang nakatayo, parehong seryoso ang ekspresyon.
"So, you're finally here," malamig niyang sabi, binasag ang katahimikan.
Napaatras ako, kasabay ng pag–akyat ng kaba sa dibdib ko. Sinubukan kong panatilihin ang lakas ng loob ko. "Anong ginagawa mo rito, Amaya?"
Tumayo siya nang dahan–dahan, tila sinasadya ang bawat galaw para iparamdam ang tensiyon. "Gusto lang kitang kausapin," aniya, at bahagya siyang ngumiti na tila ba nang-aasar.
Bago pa ako makapagsalita, sumenyas siya sa dalawang babae. Agad silang lumapit at mahigpit na hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Let me go! Ano ba ito?!" nagpumiglas ako, pero para akong naipit sa bakal na bisig nila.
Lumapit si Amaya sa akin, bawat hakbang niya'y tila may dalang pwersa. Paglapit niya, hinawakan niya ang baba ko nang madiin at pilit na iniangat ang mukha ko para tumingin sa kanya.
"Listen to me very carefully," sabi niya, ang boses niya ay mababa pero may warning. "Wag na wag kang makakalapit kay Isaac. Naiintindihan mo? He's mine. Pero ang kapal ng mukha mo. Ang lakas ng loob mong makipaglapit sa kanya. Sino ka ba sa akala mo?"
"Wala akong ginagawa! Wala kaming relasyon. Magkaibigan lang kami ni Isaac!" sagot ko, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong boses.
Napangisi siya, pero halata ang galit sa mga mata niya. "Kaibigan? Really? Huwag mo akong gawing tanga, Aria."
At bago ko pa matanto ang susunod niyang gagawin, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napalingon ang ulo ko sa lakas ng tama. Ramdam ko ang hapdi, at parang nag-aapoy ang mukha ko.
"That's just the beginning," galit niyang sabi, bago muling hawakan ang baba ko, mas madiin ngayon. "Magpasalamat ka. Every night, someone pays for you," dagdag niyang sabi, ang bawat salita'y puno ng panunuya. "Binabayaran ka para hindi ka itinda sa iba. Sino kaya ang gumagawa niyan? Isaac? Or maybe...someone else?"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Anong ibig mong sabihin?"
Ngumisi siya, inilabas ang isang gunting mula sa likod ng isa sa mga babae. Tiningnan ko ang gunting, at parang nanigas ang katawan ko sa takot.
"Alam mo," ani Amaya, ang boses niya'y tila naglalambing pero puno ng banta. "Isaac loves women with long hair. Let's see how he'll react kapag wala ka nang maipagmamayabang."
Bigla niyang hinila ang buhok ko nang madiin,
napasigaw ako. "Amaya! Stop! Please!" Pero wala ni isang tumulong sa akin.
Sinimulan niyang putulin ang buhok ko gamit ang gunting. Ang bawat hibla ay nahuhulog sa sahig, at para sa kanya, tila ba isang tagumpay ang bawat piraso. Pilit akong nagpumiglas, pero mahigpit ang hawak ng dalawang babae.
"Amaya, please! Tigilan mo na!" pagmamakaawa ko, pero ngumiti lang siya, isang ngiti ng tagumpay.
Pagkatapos niyang putulin ang halos lahat ng buhok ko, itinapon niya ang gunting sa kama at tumalikod. "Remember this, Aria," babala niya, hindi man lang lumingon. "The next time you even think of going near Isaac, mas malala pa rito ang mangyayari sa'yo."
At umalis siya, kasama ang dalawang babae, iniwan akong talunan at walang magawa. Nakaluhod ako sa sahig, hinahaplos ang maikli kong buhok na umabot hanggang balikat, habang ang mga hibla nito’y nakakalat sa paligid ko. Nanginginig ako, hindi lang sa takot kundi sa sakit ng kawalan ng kontrol sa sarili kong buhay.
Kailan kaya ako makakalaya rito? May tao kayang sasagip sa akin?