Chapter 08: Bagong Kaibigan

2713 Words
Chapter 08 Ariana Xiamara ONE MONTH LATER NANG tumingin ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang sarili ko. Ang suot ko ay halos wala nang maitago—isang makintab na black bra na may mga sequins na kumikislap sa ilaw, halos parang sinasadyang mang–akit. Ang matching na thong ay mataas ang cut, na parang mas pinapahaba ang legs ko. Naka–thigh–high stockings din ako na fishnet, habang ang 5–inch na stiletto heels ay parang mas nagpapataas sa akin, hindi lang sa tangkad kundi pati na rin sa confidence—o siguro facade lang iyon. May kwintas akong suot, manipis pero kumikinang din, na parang accent lang sa leeg ko. Ang buhok ko, inayos na parang kaakit–akit pero controlled, habang ang pulang lipstick ko ay tila isang paalala na bawal magkamali—lahat ng mata ay dapat nasa akin. Naupo ako sa gilid ng kama at naalala ko na naman ang lalaking nakakuha ng virginity ko. Isang buwan na ang nakalipas. Wala pa ring balita mula sa kanya. Kahit ang pagkakilanlan niya'y hindi ko alam basta ang sabi nila, maswerte ako, dahil ako raw ang unang babaeng pinagkainteresan nito sa Casa. Sabi nila pumupunta lang naman raw ang lalaki rito para magpalipas ng oras at manood sa mga babaeng sumasayaw pero hindi ito gumagamit ng babae. Ayon kay Chel, na naging friend ko rito sa Casa, talagang maingat ang management at ang mga customer pagdating sa kanilang Identity. Nalaman ko rin mula sa kanya nabnasa Pilipinas lang pala ako; hindi ako nakarating ng ibang bansa tulad ng akala ko. Once na maipasok ka rito, mahirapan ka nang makalabas—maliban na lang kung may bibili sa akin. Kapag nakita ko ulit si Perry, talagang mapapatay ko ang baklang iyon. Napaka–hayop! Walang konsensiya. Pagkatapos ng may mangyari sa amin ng lalaking iyon, tumayo lang siya sa kama, dumiretso sa banyo, at narinig ko ang lagaslas ng tubig. Wala siyang iniwang salita, wala ring sulyap na iniabot nang matapos. Parang balewala ang lahat sa kanya. Pumikit ako nang mariin, pilit na inaalala ang huling imaheng nakita ko bago siya tuluyang nawala. Ang likod niya—broad, muscular, and sculpted like a statue. Parang pinanday ng bawat taon ng pagsasanay. His shoulders were defined, each curve and dip in his muscles spoke of strength. The way his back flexed with even the smallest movement looked effortless yet deliberate. The sharp cut of his shoulder blades down to the lean dip of his lower back was something I couldn't forget. Mula sa batok pababa sa baywang, halos perpekto ang bawat linya. Parang larawang binuhay. At doon ko napansin ang tattoo niya. Isang ibon—malapad ang mga pakpak, tila nasa gitna ng paglipad. Hindi ko mawari kung anong klase ng ibon iyon, pero may kung anong misteryo sa disenyo nito. There was a wildness to it, like it wasn't meant to be caged. The ink trailed along his spine, with the bird's wings spreading across his shoulder blades. Parang may kwento ang bawat guhit, bawat kurba ng tinta sa balat niya. "Don't take it off." Paulit–ulit na bumabalik ang tinig niya sa isipan ko. Pero sinuway ko pa rin. Pero bago ko pa man nakita ang mukha niya, nagsalita siya—mababa ang boses, at puno ng babala. Sa taranta ko, naibalik ko ang piring sa mga mata ko ng gabing iyon. Isang mahinang lagapak ang narinig ko sa lamesa. "500 hundred thousand for your viginity. I think it's worth it?" ang sabi niya with sarcasm. At naramdaman kong lumabas na ito ng silid dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto. Sinabi ng may–ari ng Casa na 500k ang iniwan niya para sa akin. Pero kahit anino ng pera ay hindi ko nakita. Sampung libo lang ang natanggap ko. At sampal ang kapalit nang magtanong ako. "Alam mo naman ang patakaran dito. Wag kang masyadong mapangarap, girl," sabi ng boss kong transgender, habang nag–aayos ng lipstick sa harap ng salamin. Iyon na raw ang "nararapat" para sa kagaya ko. NGAYON, stripper ang trabaho ko minsan waitress naman. Nagtataka lang ako sa bagay na iyon, walang hayok sa laman ang nakikialam sa akin. Walang mga parokyano ang nagkakainteres na paki–alaman ako. Mas okay na ito kaysa mas masahol pang trabaho sa dilim ng mga kwarto. Ayokong tumulad sa mga babae rito, kung sino–sino ang gumagalaw sa kanila. Pero kahit anong pilit kong isara ang kabanatang iyon, may kung anong kirot ang bumabalik sa tuwing dumadaan ako sa ala–ala ng lalaking iyon. Nasaan na kaya siya? Si Viper? Then, may isang gabi, habang nagse-serve ako ng alak, lutang ang isip ko. Isang maling hakbang lang— Natapilok ako. "s**t—" Tumilapon ang tray na hawak ko, at ang malamig na alak ay bumagsak sa isang lalaking nakaupo sa malapit. Hindi ko agad nakita ang mukha niya, pero ramdam ko ang mabigat na titig na nakatutok sa akin. Napakabagal ng oras. Dahan–dahan akong tumingin, at doon ko lang napansin ang pamilyar na mukha. Mabilis akong napa–atras, ngunit huli na. His eyes—dark, cold, and unforgiving—met mine. And I knew he remembered me. Mabilis akong tumalikod, pilit na iniiwasan ang tingin niya. Tumigil ang paghinga ko nang bahagya nang magtama ang mga mata namin, pero hindi ko na hinayaan pang magtagal iyon. Tumakbo ako. Diretso sa hallway, malayo sa mga tao at sa liwanag ng dance floor. Pero kahit hindi ko lingunin, alam kong sinusundan niya ako. Naririnig ko ang mga yapak niya—malalaki, mabibigat, at hindi nagmamadali. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Mahigpit pero hindi masakit. "Running away again?" Napasinghap ako, napasandal sa pader. Hinawakan ko ang braso niya, pilit na inaalis ang pagkakahawak niya. "I'm sorry—" mabilis kong sabi, halos nagmamakaawa. "I didn’t mean to— I just needed the money. My grandmother...she was in the hospital." Unti–unti niyang binitiwan ang braso ko. Nang tiningnan ko siya, hindi galit ang nakita ko sa mga mata niya. Kundi amusement. Tumawa siya. Mababa, pero malakas. "You know what's funny?" Umiling siya, nakatukod ang kamay sa pader sa gilid ko. "You should be thanking me." Napakunot ang noo ko. "Ano?" "If it wasn’t for you, I'd be married right now." Tiningnan niya ako nang diretso, ang dulo ng labi niya ay may bahagyang ngisi. "So technically, you saved me. But that doesn't mean you're off the hook." Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. "What do you mean?" Nalilitong tanong ko. "You still owe me." Bumukas ang bibig ko, pero walang lumabas na salita. "I— I don't—" Lumingon siya, tila inaabala ang sarili sa pagbibilang ng mga chandelier sa hallway. "Ako ang nag–utos na ipahinto ang kasal ko. Nakita mo sa akin, drama lang 'yon para maniwala silang nagulat ako kunwari," wika niya na may nakakamatay na ngiti. Mas lalo akong naguluhan pero ipinagkibit–balikat ko na lang. "Starting tonight, I'm your exclusive customer," he added and grinned widely. Napaatras ako nang bahagya. "Gano'n ba? But I'm not a whore." Diretso kong sabi, matigas ang boses ko. Lalo lang siyang tumawa, mas malalim ngayon. "Relax." Tumingin siya sa akin, bahagyang iniling ang ulo. "I don't need that from you." Nagsalubong ang mga mata namin. Sa kauna–unahang pagkakataon, naisip kong hindi siya katulad ng ibang lalaki sa club. "Then what do you want?" tanong ko, pilit na pinapanatiling kalmado ang boses ko. Lumapit siya, halos magkadikit na ang mga katawan namin. "I just need someone to talk to." Napasinghap ako. "Every time I'm here, you'll sit with me, drink with me, and entertain me with your stories." Binalik niya ang tingin sa akin, nakataas ang isang kilay. "That's how you'll pay me back." Inabot niya ang kamay niya sa pagitan namin, nakalahad. "Deal?" Tinitigan ko ang kamay niya, nagdadalawang–isip. Pero alam kong wala akong ibang pagpipilian. Kaya, dahan–dahan, tinanggap ko ang kamay niya. "Deal." Ngumiti siya, at sa unang pagkakataon, sinabi niya ang pangalan niya. "Isaac." Binitiwan ko ang kamay niya, sinagot ang tingin niya. "Aria." At doon nagsimula ang lahat, naging kaibigan ko si Isaac. Tambay sa club kapag gabi pero hindi naman ito kumukuha ng babae. MALALIM ang tunog ng bass, sumasabay sa bawat pag–indak ng katawan ko sa stage. Puno ang club, at halos hindi mahulugang karayom ang dance floor sa dami ng tao. Walang ibang naririnig kundi hiyawan at halakhakan ng mga kalalakihan na nakaupo sa bar, mga mata nilang nagkikislapan sa bawat galaw ko. Nasanay na ako. Magisang buwan na rin akong sumasayaw dito. Sa una, kabado pa akong umaakyat sa entablado, pero ngayon? Wala na akong pakialam. Isang bahagi na lang ito ng buhay ko, gaya ng hangin sa gabi o ulan sa tag–ulan. Pero kanina pa ako nakangiti. Sa gitna ng pulutong, nakita ko siya—si Isaac. Nakaupo siya sa isang sulok, parang hindi naapektuhan ng ingay sa paligid. Nang magtama ang mga mata namin, itinaas niya ang hawak na bote ng alak at bahagyang tumango. Isang simpleng kilos, pero sapat na para pakalmahin ang kung anong bumabagabag sa loob ko. Natapos ang tugtog, at bumaba ako agad mula sa stage. Dumiretso ako sa lamesa kung saan siya naroon. "You're early tonight," biro ko habang sinasalinan niya ang baso ng alak. Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya ay laging may halong amusement. "I figured you’d miss me if I didn't show up." Napailing ako, pero hindi ko napigilang mapangiti. Iba ang pakiramdam kapag siya ang kaharap ko—magaan. Parang may bahagi sa mundo kong hindi nasisira tuwing nandito siya. Umupo ako sa tabi niya, naglalaro ang mga daliri ko sa baso sa harapan. "You know," mahina kong sabi, hindi tinitingnan ang mga mata niya. "I think you're the only person who actually listens to me in this place." "Well," sagot niya, humilig sa upuan at tiningala ang kisame. "I'm a good listener. You're just lucky." Tumawa ako, pero saglit lang. "Isaac, you know everything about me by now." Napatingin siya sa akin, nakataas ang isang kilay. "I should. You never stop talking." Shut up." Pinalo ko siya sa braso, at napahagikhik siya. "But seriously... I told you about my son, my grandmother...even about the time I nearly got arrested for stealing fruit at the market when I was ten." Napangiti ako habang inaalala iyon. "Oh, that was my favorite story," ani Isaac, umiling habang natatawa. "I can't believe you tried to outrun a cop over a banana." "I was starving, okay?" Tumawa rin ako, pero saglit lang. Bumalik ang katahimikan sa pagitan namin. Isang masayang katahimikan. Pero habang nagkukwento ako ng lahat sa kanya, napansin kong isa lang ang hindi niya kailanman naibahagi sa akin—ang tungkol sa sarili niya. "You never talk about yourself," sabi ko, sinisilip ang reaksyon niya mula sa gilid ng mata ko. "All I know is you have a brother." "Half-brother." Mabilis ang sagot niya, sabay lagok ng alak. "And I haven't seen him in years." "Bakit?" Sandaling katahimikan ang sumunod. Itinuon niya ang tingin sa baso, iniikot ang alak sa loob nito. "Sumama sa mayaman niyang Tatay. Nangakong babalikan ako pero—" he paused, kita ko ang magkahalong sakit at pait sa tono ng kanyang tinig, bago siya nagpatuloy magsalita, "hindi ko alam kung bumalik siya dahil umalis na ako sa lugar kung saan kami lumaki." Parang bumigat ang hangin sa paligid. Pero sa halip na magtanong pa, tumango na lang ako. "I'm sorry." Umiling si Isaac, bahagyang ngumiti. "Don't be. It's in the past." Umikot ang baso sa pagitan ng mga daliri ko, then dinala ko sa aking bibig, napangiwi ako sa amoy ng alak. Napasulyap ako kay Isaac. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko, nakatingin sa malayo na tila ba parang may bumabalik sa alaala niya. "Ano bang nangyari sa inyo ng kuya mo?" tanong ko, binasag ang katahimikan sa pagitan namin. Bumuntong–hininga siya, inabot ang baso, at nilagok ang natitirang alak. Nang ilapag niya iyon, bahagya siyang tumingala, minamasdan ang kisame na para bang may makikita siyang sagot doon. Napahilot siya sa batok at sumilay ang isang ngiting hindi abot sa mga mata niya—mapait, punong–puno ng sarcasm. "We're both children of a prostitute," malamig niyang simula, ang boses niya ay halos natatabunan ng maingay na musika sa club. "Our mother was beautiful, a crowd favorite back in the day." Napatingin ako sa kanya, hinayaan siyang magpatuloy nang hindi ko ginugulo ang kwento. "She had a rich client—one of those big shot businessmen. Typical story." Napangiti siya ng mapakla. "He fell for her, set her up in some fancy apartment, treated her like a queen. Then she got pregnant with my brother." Nagkibit–balikat si Isaac, pero hindi ko na–miss ang bahagyang panginginig ng mga daliri niya habang hawak ang baso. "But surprise, surprise—he was married. Couldn't claim the kid, of course. So, my brother was born, and our grandmother took him in." Napailing si Isaac, bahagyang tumawa nang walang gana. "Mom went right back to work. Back to the club, back to the same life. Then, a few years later, she got pregnant with me. Same story, different guy." Bumuntong–hininga siya, itinaas ang baso para magpasalin pero tumanggi ako. Mas mabuti nang malinaw ang isip niya habang nagkukwento. "Lola raised me too, just like she did with my brother. Life was hard." Tumingin siya sa akin, at doon ko nakita ang kaunting lungkot na pilit niyang tinatago. "But we were close. My brother and I...we had each other's backs. Kapag wala kaming makain, he'd find a way. If I got sick, he'd steal medicine just to keep me alive." Napayuko ako. Sa kabila ng ngiti niya, dama ko ang bigat ng mga salitang binibitawan niya. Ang lungkot at hinanakit sa tinig niya. "He was mom's favorite, though. I never understood why. Pareho lang naman kaming anak." Napatigil siya, tumingin sa akin na parang nag–aalangan kung itutuloy ang kwento. Nagpatuloy siya, ang mga mata niya ay tila bumalik sa panahong iyon. "Namatay si lola. Heart failure. Simula noon, gusto na ni kuya maging heart surgeon. Lagi niyang sinasabi, ayaw niyang may ibang mawalan ng lola katulad namin." Bahagya siyang ngumiti, pero mabilis ding naglaho. "Ako naman, gusto ko maging Piloto. Lagi naming pinag–uusapan 'yon habang nakahiga sa barong–barong namin, tinitingala ang langit sa butas na bubong, staring up at the stars and dreaming." Tumingin siya sa akin, at para bang sa unang pagkakataon ay hinayaan niyang makita ko ang parte ng sarili niya na pilit niyang itinatago. "But one day, he left. Sumama siya sa tatay niyang mayaman, iniwan ako." Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Isaac, alam ko luha ang mga iyon. Natahimik na siya at hindi na nagsalita. Nagbuhos ulit ng alak sa baso niya. Natapos ang kwento niya sa ganoong paraan—walang konklusyon, walang closure. Parang pilit niyang ikinulong ang sakit sa kanyang dibdib. Mas pinili ko ang manahimik na lang. Nilagok ulit ni Isaac ang alak, at nakita ko ang pag–kuyom ng kamao niya sa ibabaw ng mesa. Kita ko ang galit at pait na bumalot sa mukha niya, kahit pilit niyang itinatago iyon sa likod ng mapaklang ngiti. Hindi ko napigilan. Lumapit ako sa kanya at marahang niyakap siya. Walang salitang lumabas mula sa bibig ko, pero sana kahit papaano ay naramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Pero bago pa siya makapag–react, isang malamig na boses ang sumingit sa pagitan namin. "Isaac?" Napatigil ako, agad na bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Napalingon kami pareho sa pinanggalingan ng boses. Isang babae ang nakatayo sa likuran namin, nakataas ang kilay at mukhang hindi natuwa sa nakita. "I didn't know you liked being comforted like that." Sabi ng babae na tila may tampo ang tinig. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Pero imbes na kumilos si Isaac, umiling lang ito at muling lumagok ng alak. "Aria," sabi niya sa akin, hindi inaalis ang tingin sa babae. "Meet the complication of my life."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD