RAVEN “What’s wrong with you guys?” “Wala! Bakit, bawal ba kaming tumitig sa `yo nitong si Zeke?” ngingisi-ngising sagot ni Asher. Si Zeke naman ay nakatitig lang sa aming dalawa. Base sa pamumula ng pisngi niya, alam kong tinamaan na rin siya ng alak na nainom namin. Tinabig ko si Asher at diretsong pumunta ng kusina para kumuha pa ng beer sa ref. Dahil wala nang may gustong maglaro sa kanilang dalawa—since briefs na nga lang naman ang suot nila—kaya pumwesto na lang kami sa sala. Isang pahabang sofa lang ang mayroon sa sala ni Zeke kaya no choice kundi magtabi-tabi kaming tatlo. Siyempre, ako ang nakapagitan sa dalawang fafa. Naisuot ko na ulit ang t-shirt ko pero sila, ayun at mukhang na-enjoy ang pagiging mga model ng underwear. “Cheers, guys!” malakas na sabi ko sa kanilang dala

